Isang batang babae, bitbit ang karton na may lamang wala ng buhay na sanggol - The Daily Sentry


Isang batang babae, bitbit ang karton na may lamang wala ng buhay na sanggol



Larawan mula kay Dain Den
Viral sa social media ang isang batang babae na may bitbit na karton na napag-alamang sanggol na wala ng buhay pala ang laman nito.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Dain Den, namataan niya sa labas ng hospital ang isang lola kasama ang apo nitong babae habang naghihintay ng maaaring tumulong sakanila para maiuwi sa kanilang bahay ang bitbit nitong karton na may lamang p4tay na sanggol.

Napag-alaman na kapatid ng batang babae ang sanggol na nasa karton at isinilang ito na kulang sa buwan kaya hindi ito nakaligtas habang ang nanay ng bata ay naka-confined at nagpapagaling pa sa EVRMC hospital.

Kwento ni Dain Den, nakikiusap umano ang mag-lola sa rescue driver ng hospital na papuntang Jaro Leyte na kung puwede ay makikisabay nalang sila dahil dadaanan naman umano nito ang lugar ng mag-lola.

Sa hindi inaasahan ay tila hindi naawa ang rescue driver at hindi ito pumayag sa kadahilanang mayroon pa daw umano itong ibang dadaanan.

Dahil dito ay nag-magandang loob si Dain Den at kanyang nanay na bigyan na lamang ng pamasahe ang kawawang mag-lola upang maiuwi na agad at mailibing na ang sanggol.

"Masakit sa loob namin kaya walang nagawa si mama kundi bigyan nang pamasahe ang ate ng baby pauwi." ayon kay Dain Den.
Larawan mula kay Dain Den
Larawan mula kay Dain Den
Larawan mula kay Dain Den
Basahin sa ibaba ang post ni Dain Den:

"Guys! Sobrang sakit makita yung ganitong sitwasyon. Pagkatapos ko magpa check-up sa EVRMC HOSPITAL ito yung nakita namin paglabas sa hospital, isang lola at apo nito na babae na naghihintay ng masasakyan at makakatulong sa kanila na makauwi papuntang ALANG-ALANG LEYTE dahil nga wala silang pamasahe.. 

"Nakita namin na maraming nakatingin sa kanila, kaya pala dahil sa maliit na karton na nakalagay sa gilid ng pader. ayon pala yung baby na nam4tay dahil sa kulang sa months.. yung mama ng bata naka confined pa dahil sa panganganak, 4am pa pala sila naghihintay ng tulong para makauwi at mailib!ng ang baby dahil nangangamoy na ito. 

"Paglabas namin ni mama tinanong namin yung lola ng bata anong hinihintay nila, sabi ng matanda na nakikiusap sila sa isang rescue driver na papunta ng JARO LEYTE na makikisakay sila total naman dadaan naman yung sasakyan sa ALANG-ALANG LEYTE. 

"Sinubukan kausapin ni mama yung driver pero tinanggihan at sinabi lang na may dadaanan pa silang iba.


"Masakit sa loob namin kaya walang nagawa si mama kundi bigyan nang pamasahe ang ate ng baby pauwi marunong nman daw siya nang tinanong ni mama.. sinabi lang ni mama sa bata na kapag may nagtanong kung ano ang dala yiya wag niya nalang pansinin at wag sabihin na sanggol ang dala-dala niya dahil hindi siya pasasakayin. 

"Sana namn sa ganitong sitwasyon may taong mabuti namn ang puso. Sinabay namin ang bata sa isang sasakyan, may dalawang pasahero tanong ng tanong kung ano ang bitbit ng batang babae .. halata na nga nila tanong pa ng tanong. at yun na nga pinababa nalng namin sa terminal at don na pinasakay papuntang ALANG-ALANG. 

"Hanggang sa pag uwi iniisip namin ni mama kung nakauwi ba yung bata na may bitbit na anghel. Rip sa baby na hindi tinulungan ng rescue driver. walang kasalanan ang EVRMC HOSPITAL, sadyang walang puso lang yung rescue driver.

****