Lalaking nambastos, siya pa ang galit at nagwawala - The Daily Sentry


Lalaking nambastos, siya pa ang galit at nagwawala



Sa isang uploaded video ng isang netizen sa kanyang Twitter account, makikita ang isang lalaking nagwawala at galit na galit.
Photo from Twitter

Makikita sa video na pilit binubuksan ng matandang lalaki ang pintuan ng sasakyan habang sinusuntok ito.

Ayon sa caption ng video, binastos umano ng matandang lalaki ang kasintahan ng uploader kaya tinignan niya ito. Dito na raw nagalit ang lalaki at sinugod sila.

Sa mga taga ust, especially sa mga naglalakad along barlin st. sa may Noval, ingat kayo sa tarantadong to.”

Pabalik na kami ng gf ko sa kotse tas nang catcall ang gago kaya tinignan ko sya. Tas sya pa nagalit. Sinugod pa kami habang papasok na kami ng kotse hanggang pagalis.

Dagdag pa ng uploader, sinubukan nilang magsumbong sa Barangay kung saan malapit nangyari ang insidente ngunit wala umanong ginawang aksyon ang chairman.

“Sa tapat mismo ng barangay to nangyare, sinubukan namin mag report sa chairman tas sabi lang wala syang magagawa kasi di naman daw sa lugar nila nakatira yan. Andun pa mismo sa tabi ng barangay nakatambay yung lalake yan, lumabas yung chairman pero di nya man lang sinabihan o ano.”

Tanong ng netizen ‘bakit raw hindi bumaba ng sasakyan ang uploader ng video’?

Sagot niya, “Sa mga nagtatanong kung bakit di ko binaba, gustong gusto ko pero ayokong mapaaway lalo na kasama ko gf ko and naka uniform ako ng ust. Baka madebar pa ko HAHAHA.”

Narito ang video sa ibaba:



***
Source: Twitter