Lumilipad na ahas, nakunan umano ng CCTV? - The Daily Sentry


Lumilipad na ahas, nakunan umano ng CCTV?



Larawan  mula sa Jessica Soho
Sa negosyo ay hindi maiiwasan ang mga paniniwala o pamahiin, isa na dito ang puting ahas daw na binabantayan ang isang pot of gold.

Viral sa social media ang isa inupload ng Jessica Soho kung saan ay isang tindahan ng damit sa Pasay City na malakas daw ang benta dahil sa itinuturong lucky charm na isang ahas na umano'y lumilipad na may binabantayang kayamanan.

Ang nasabing ahas ay nakunan pa umano ng CCTV.

Si Alezon Aguilar ang may-ari ng tindahan ng damit at simula umano naipatayo nito ang kanyang negosyo ay nakakaramdam na ito ng kakaiba sa kanilang tindahan.

Ayon sa may-ari ng tindahan, meron umanong nagmamasid sakanila lalong-lalo na sa stock room.
Alezon Aguilar, may-ari ng tindahan
Alezon Aguilar, may-ari ng tindahan
Kwento pa nito, isang araw ay natabig ng isang sales lady ang fire extinguisher dahilan ng pagkabagsak at sumabog ito.

Dito na raw nila nakita sa cctv ang isang ahas at mula noon ay kung anu-ano na ang kanilang hindi maipaliwanag na bagay ang nangyayari sa kanilang tindahan.

"May mga sumasagot sakanila na wala namang tao, pag nagpicture sila may nakikita silang pugot na kamay or kapag natutulog sila ay may bumubulong saknila." kwento ni Alezon.

Pero mula daw noon ay dumoble ang kanilang customer ay biglang nag-boom ang kanilang negosyo at pakiramdam nila ay ang nagdala ng swerte sakanila ay ang ahas.

"Ako naniniwala ako bilang isang negosyante na yung ahas na yun isang bantay namin at nagbibigay saamin ng swerte at the same time ay binibigyan ko ng sipag, didikasyon saka pagmamahal ko saaking trabaho." ayon pa kay Alezon.
Larawan mula sa kuha ng cctv
Kwento pa ng isa sa sales lady ng tindahan, pagbukas nito ng cctv sa umaga ay may nkita siyang umilaw sa isang kwarto.

Sa naturang kuha ng cctv, makikita ang tila kumikinang sa isang bandang sulok ng kwarto at noong binuksan ang ilaw ay makikita isang bagay na mahaba an hinihinalang ahas at tila lumilipad pa ito.

"Napatingin po ako sa cctv, nakita ko po yung parang may nag-spark. kulob po yung room na yun that time kaya wala pong source ng ilaw." ayon sa isang sales lady.

"Parang pabilog, parang may kumikinang, tapos nung winalis ko, wala naman po tapos nung titignan namin sa cctv nandun po siya tapos nung pinatay namin yung ilaw ay bigla siyang lumiwanag." dagdag pa ng isang sales lady.

Hinala ng mga ito, ang kumikinang na ito ay isa umanong pot of gold na siyang binabantayan ng ahas sa kanilang tindahan.

"Noong tumayo yung ahas na nakunan sa cctv, natakot kami baka tuklawin kami, iniisip namin na ahas ba talaga ito o baka isang uri ng maligno or multo na nagpapakita doon sa cctv." saad ni Alezon.

Dahil sa nangyaring ito, tumawag na sila ng pari upang ipa-bless ang nasabing tindahan at simula noon ay hindi na muling nagparamdam ang umano'y ahas.

Totoo nga ba ang kwentong ito o kathang isip lamang? ano sa tingin niyo kabayan?

****

Source: Jessica Soho