Mensahe ng isang guro sa magulang ng estudyante: 'Ang taas naman ng tingin niyo sa sarili nyo' - The Daily Sentry


Mensahe ng isang guro sa magulang ng estudyante: 'Ang taas naman ng tingin niyo sa sarili nyo'



Matapos ireklamo sa programang Raffy Tulfo in Action, marami ngayon sa social media ang nagpahayag ng suporta kay Gng. Melita Limjuco, ang titser na nais tanggalan ng lisensya sa pagkaguro ng mga magulang ng batang ipinahiya niya umano sa paaralan.

Dahil sa painit ng painit na komosyon sa isyung ito, isang kapwa guro ni Gng. Limjuco ang nagpahayag ng kanyang opinyon at nagaabot ng mensahe para sa mga magulang ng batang nagreklamo sa guro.

Larawan mula sa Facebook
Ayon kay Gg. Jonard Lacanilao Bleza, hindi makatarungan ang hiling ng mga magulang ng bata na tanggalan ng lisensya ang guro.


Dagdag pa nya, mas higit pa ang pagdidisiplina ang naranasan nya noong sya'y mag-aaral pa kaysa sa nangyari sa batang estudyante, ngunit hindi naging dahilan ito para ma-trauma sya.

Narito ang kanyang buong post:

"MAWALAN SIYA NG LISENSYA..."

Wait lang ha? PINALABAS ANG ANAK MO DAHIL HINDI NABITBIT ANG CARD NA INUUTOS NG TEACHER... YOU ARE CLAIMING NA NATRAUMA ANAK MO? GUSTO MONG MAWALAN NG LISENSYA SI GURO? ABA PUSANG INA! KATITINDI NYO NAMAN!



HELLO? NAGING ESTUDYANTE BA KAYO? Ako dati napingot, nabato, napalo, pinagalitan, nahubaran, nakurot, napagbuhat ng libro habang nakataas ang kamay PERO NEVER AKONG NA-TRAUMA! PUTEK YAN! NAPAKA ENTITLED AT TAAS NAMAN NG TINGIN NYO SA SARILI NYO PARA MAGDEMAND NG TANGGALIN ANG LISENSYA NI MAM! HOY NANAY, MAS MATAGAL PANG NAGTURO SI TEACHER KESA SA EDAD MO! NAKAKAGIGIL KAYO!

KUNG MAPAGSALITAAN NYO ANG GURO AKALA NYO BINILI NYO BUONG PAGKATAO NYA! TEACHER NA YUNG NAGPAKUMBABA PARA SA INYO TAPOS KAYO PANG MAPAGMATAAS! HOY HINDI LIMPAK LIMPAK ANG BINABAYAD SA AMIN NG GOBYERNO PARA MAGFEELING KAYO NG GANYAN!


Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action Youtube

NAKO TALAGA! BAGO AKO MA-TULFO EH MAG A-APPLY NA KO SA CALL CENTER!


Larawan mula sa Facebook


Source: Jonard Lacanilao Bleza | Facebook