Mister, di na masikmura ang kababalaghang ginagawa di umano ng misis at kapatid nito. - The Daily Sentry


Mister, di na masikmura ang kababalaghang ginagawa di umano ng misis at kapatid nito.







Photo courtesy of Youtube/Raffy Tulfo In Action




Isang kakaibang reklamo ang idinulog sa programa ni Idol Raffy Tulfo In Action, tungkol sa pambihirang relasyon ng isang misis at at kapatid nito.

Ayon sa panayam kay Rafael Cocal, ang nagrereklamong mister, hindi na niya masikmura ang kababuyan na ginagawa ng kanyang misis na kinilalang si Juvylyn Cocal, kung saan ay may relasyon ito sa kanyang kapatid na si Jepoy Engcog.

Noong una, inakala ni Rafael na half-brother ng kanyang misis si Jepoy, ngunit ng kalaunan ay nalaman na magkapatid pala itong buo.

Mismong ang anak pa nila ang naka-saksi sa kakaibang relasyon ng kanyang ina sa kapatid nito.

Nang kausapin na ni Idol Raffy si Juvylyn, hindi makapaniwala at nagulat ito na magkasama rin niya si Jepoy sa mga sandaling iyon at inamin na kapatid niyang buo pala talaga si Jepoy.

Lalong hindi makapaniwala si Idol Raffy nang malamang ang anak nina Rafael at Juvylyn mismo ang saksi sa kakaibang relasyon ng ina sa kapatid nito na nahuli niya makailang beses pa.

Ayon sa anak, ilang beses nyang nakita sa dalawang mata nya na nagtatalik ang kanyang ina at ang kapatid nito na kanyang tiyuhin.

Ngunit agad naman itong pinabulaanan ng kanyang ina. Ngunit sa mga sandaling iyon ay magkasama sila ni Jepoy.

Dahil dito, di na kinaya ni Rafael ang mga nangyayari at nais na nyang ipakulong ang ang kanyang misis at ang kapatid nito.

Nais ding kunin na din ang bunsong anak nila ni Juvylyn na ayon kay Rafael, ay itinakas daw ito ni Juvylyn sa kanya.

Maging ang host ay nabahala sa kanyang mga narinig at nasambit na lamang niya ang "We're not ready for this."

Kasalukuyang nasa Davao sina Juvylyn at Jepoy kaya naman pinababalik na lamang sila ni Tulfo sa kanyang programa upang magka-harap-harap na ang mga ito.

Sinagot na ni Idol Raff yang pamasahe para sa magkapatid na Juvyly at Jepoy, at maging ang bunsong anak ni Juvylyn papunta ng Maynila upang makapanayam ng personal sa kanilang studio.


Source: YouTube