On Child Protection Policy: "Sa anong aspeto ba naging patas ang batas? Kapag ba magulang ang dumulog, sila na ang tama?" - The Daily Sentry


On Child Protection Policy: "Sa anong aspeto ba naging patas ang batas? Kapag ba magulang ang dumulog, sila na ang tama?"



Teacher Limjuco | DepEd | Photo credit to the owner
Matapos ang napakainit na usapin na kinasangkutan ng isang guro na muntik ng ma-tanggalan ng lisensya at mawalan ng trabaho dahil inireklamo ng mga magulang ng estudyante nito, marami sa mga Pilipino ang nagtatanong ngayon kung hanggang saan nga ba maaaring disiplinahin ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral.

Matatandaan na dumulog sa programa na Raffy Tulfo in Action ang mga magulang ng isang bata na diumano ay ipinalabas ng silid-aralan at ipinahiya raw ng gurong si Mrs. Melita Limjuco. Meron nga bang siyang nilabag sa batas na laban sa Child Protection Policy? Sumobra nga ba ang guro sa pagdidisiplina ng kanyang estudyante at kinailangan pa niyang pagdaanan ang sitwasyon na puno ng pangungutya at panghuhusga.






Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Narito ang isang napakagandang paliwanag ng isang guro tungkol sa Child Protection Policy sa paaralan at kung paano ito minsan nakakalabag na sa karapatang pantao ng mga gurong ang tanging hangad lang naman ay maturuan at disiplinahin ang kanilang mga mag-aaral.

Basahin ang buong post sa ibaba:



Photo credit to Vhin Dasco's Facebook account






"CHILD PROTECTION POLICY at SCHOOL

1. Karamihan (HINDI KO NILALAHAT) sa mga estudyante natin magkaiba ang behavior sa bahay at paaralan. Kaya kapag nagkaroon ng problema ang bata sa school na kelangan puntahan ng magulang, ang sasabihin nila ay "Hindi naman kasi siya ganun sa bahay". Yes. It can be dahil una sa lahat walang grading system sa bahay. Pero higit kaninuman, magulang dapat ang unang nakakakilala sa anak nila, sa mga kaya nitong gawin at hindi at sa mga posibilidad na kung ano pa ang kaya nitong magawa.

2. Marami sa atin may mga kilalang "SUGUDERANG MAGULANG" (HINDI KO NILALAHAT ULIT) na kahit hindi alam ang buong kwento, basta magsumbong ang bata, tatalakan na ang titser. Which, on my part, I think is so unfair. Kasi kahit anong talak ng magulang sa titser, hindi yan makikipagtalakan just to defend his/her side. Maghahanap yan ng tamang lugar para mag explain sayo ng kung paano at bakit nangyari.

3. Kapag bata ang nagkamali sa guro, isang sorry lang burado lahat. Pero kapag guro nagkamali, aminin man natin sa hindi, alam ng mga guro na sa isip ng bata, minumura niya na na ang guro niya. Ichichismis sa kaklase at magulang. Sisiraan ang imahe sa ibang tao, na para bang walang nagawang kahit isang tama sa buhay niya.

4. Kapag bata ang nakasakit at nagmura sa guro, okay lang. Magsosorry ang magulang. Makikiusap na pagbigyan kasi bata "daw" yun. Dapat intindihin. Pero kapag si Ma'am at Sir nakasakit sa bata, child abuse agad? Magrereklamo na buong angkan? Imumungkahi na tanggalan ng lisensya? Hindi makatwiran sa aking pananaw.

5. Kapag nagkamali si Ma'am at Sir, ipopost na sa social media, ipapaabot kay Tulfo. Eh samantalang nung nagkalat ang mga bata, ang malinaw sa akin, sinasabi ng mga teachers na sana 'wag makalabas ang issue sa school, kasi kawawa ang bata. Kahihiyan pa ng paaralan.

Sa anong aspeto ba naging patas ang batas? Kapag ba magulang ang dumulog, sila na ang tama?

Sabagay, may mawawala sa guro eh. LISENSYA LANG NAMAN NIYA, hindi ba?

Pero, may guro bang nagpaTULFO dahil bastos ang ugali ng estudyante niya?

May guro bang nagreklamo na hindi niya tatanggapin ang bata kasi nabubwisit siya?

WALA.

Isipin mo. Sa anong aspeto ba naging patas ang batas?

Tamang alagaan ang kabataan.

Pero sana naman, yung pag-aalaga ninyo, may matinong kahihinatnan.

Baka kasi dumating ang araw na maging ang nagpanukala ng CHILD PROTECTION POLICY, ay magsisi.

Baka dumating ang araw na marinig mo na lang ang awit na "NAPAKARAMING GURO DITO SA AMIN NGUNIT BAKIT TILA WALANG NATIRA"

Kasi po sobra na.

Kasuko-suko na.

Wag naman sana puro sila.

Pwede bang kahit kaunti para kay Ma'am at Sir na?

#PatasNaBatas

#KaGuro

-Teacher Tin"




Teacher Limjuco | Photo credit to the owner






Source: Facebook / Vhin Dasco