


Captain Triston Simeon/larawan mula sa Facebook |
Ayon sa report ng CNN Philippines, isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang nag-emrgency
landing matapos umusok at maglabas ng apoy mula sa kanang bahagi ng makina nito
ilang sandali lamang matapos makapag-take off noong Biernes (Philippine time)
Ang flight ng PAL PR 113 na may byaheng Los Angeles
patungong Manila ng 11:45am (Los Angeles time), at mahigit 347 na pashero ay
ligtas na nakababa sa nasabing eroplano na ligtas at maayos. *
Salamat, Captain Triston Simeon, Mabuhay ka!
Sa pahayag ng PAL spokesperson Cielo Villaluna, ang PAL
Flight 113 at may lulan na 347 na pasahero at 18 na crew members, ay umalis sa
Lon Angeles Airpost na 11:45am sa oras ng Los Angeles (3:45am naman sa Maynila)
Ayon sa mga saksi, nakunan pa ng video ang nasabing eroplano
habang nasa himpapawid at umuusok ang kanang makina nito.
Kaya napagpasyahan ng pilotong
si Captain Triston Simeon na bumalik na lamang sa LAX aiport upang maihatid ng
maayos ang mga pasahero at maiwasan pa ang mas malalang kahihitnatnan nito.
Labis na hinangaan si Capt.
Simeon dahil sa maagap na desisyon at husay nito at sa maayos na pagkakalanding ng eroplano. Patuloy naman
ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa pangyayari.
Dagdag pa ni Villaluna, kinabahan ang mga pasahero ng
nasabing eroplano ngunit sa kabila ng aberya nito, ay maayos namang nailapag ng
piloto ang kanilang eroplano, kaya naman pinalakpakan at pinasalamatan nila ang
kanilang piloto dahil sa husay nito.
Ayon sa isang pasahero na si Geri
Camahort Lamata, nakarinig sila ng malakas na ingay mula pa lamang sa
pagkaka-take off nila.
"The plane jolted with every loud bang. Next thing we knew,
a FA [flight attendant] from behind ran to the front to talk to the
purser and that's when I definitely knew something was wrong. It stopped
shortly after and the pilots right away announced that we had engine problems
but that everything was under control and then they landed the plane
safely," pahayag ng pasahero na si Geri Camahont.*
Ibinahagi ni Geri sa kanyang Facebook ang video kung saan
makikita na nag-aapoy ang isang bahagi ng makina malapit sa pakpak nito.
Samantala, nagbahagi din ng mga komento ang iba pang pasahero ng
nasabing eroplano. Ayon sa ibang pasaherong nakausap, mahigit tatlong oras
silang naghintay sa airport nang wala man lang anumang tulong at
mapagpapahingahan, lalo na sa mga may edad ng mga pasahero.
Ngunit ayon kay Villaluna, binigyan na nila ang kanilang mga
pasahero ng mga ayuda patungkol sa rebooking at hotel accommodations.
Magsasagawa naman ang PAL ng kanilang imbestigasyon ukol sa
nangyaring aberya sa makina. Isasailalim din sa imbestigasyon at maintenance
ang nasabing eroplano.
"We will look at the history and the maintenance aspect
with regards to the aircraft. We take this as an isolated incident because this
has not happened (before)," Villaluna said.
"We affirm that safety is our top priority and that
Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and
aviation authorities," a statement from the airline read.
Patuloy namang viral sa social media ang kahusayan ni Capt.
Triston Simeon, nagpaabot ng paghanga ang mga netizens sa piloto.
Mga larawan hango mula sa Youtube |
Source: CNN Philippines