Pinoy Athlete: 'Wag na dumagdag sa paghila pababa sa sarili mong bansa' - The Daily Sentry


Pinoy Athlete: 'Wag na dumagdag sa paghila pababa sa sarili mong bansa'



Dahil sa kabi-kabilang pagbatikos sa kakulangan umano ng gobyerno at ng mga organizer ng 30th South East Asian (SEA) Games na pinangungunahan ng Pilipinas sa taong ito, isang atletang Pinoy ang nagpahayag ng kanyang saloobin at opinyon patungkol dito.



Ayon kay Laryiel Aguirre, masakit sa mata ang mga nababasa niya sa social media dahil imbes na suporta ang ating ibigay sa mga atletang Pinoy, kung ano-anong maliit na isyu ang naglalabasan ang pinapalaki na hindi nakakatulong at humihila pababa sa ating bansa.


"Kung wala lang akong trabaho mag volunteer sana ako nag inquire nako abt dito kaso di talaga kaya ng schedule ko. Bilang isang atleta masakit sa mata ang mga nababasa ko, pero dahil isa din akong atleta hindi nako dadagdag sa paghila pababa sa sarili kong bansa.

Sa dami ng aberya sa mga nagdaang SEA Games hindi na pinalaki ng media.
Kikiam? Eh sa malaysia nga may na food poison eh. Ang hiling ko lang ay walang injury na maganap dahil yun naman ang pinag darasal ng lahat.

Hinding hindi ako mahihiya bilang isang Pinoy. BEST OF LUCK TEAM PINAS! "WE WIN AS ONE.""



Kaugnay nito, ibinihagi din ni Ali Baldo Jr, isang manlalaro ng football at miyembro ng Azkals, ang kanyang opinyon patungkol sa isyu ng SEA Games. Narito ang kanyang buong post:


"Stop criticizing and start supporting 🇵🇭

7years ago nagtulak kame ng bus sa Thailand pauwe ng hotel namen after training. Dahil wais tayong mga Pinoy imbis na magalit at magreklamo ginawa nalang naten to sa isa pinakamasayang exprience. Problema sa pagkain kasi paulit ulit, problema sa transpo at kung ano ano pa. Lahat po yan ay napagdaanan ng mga atletang Pinoy pag tayo po ang dumadayo sa ibang bansa. (Oh diba ngayon alam nyo na ano ang buhay ng mga atleta pero nagpapakamatay pa rin ang mga Pinoy para lang maitaguyod ang ating Watawat 🇵🇭.




Bakit hindi nalang naten suporthan ang mga atletang pinoy kesa nagrereklamo tayo sa social media. WALA NA PO TAYONG MAGAGAWA SA KAKULANGAN NG GOBYERNO DAHIL NANGYARI NA.



SUPORTA NG BAWAT PILIPINO ANG KAILANGAN NG BAWAT ATLETANG MAKIKIPAG LABAN PARA SA ATING BANSA NGAYONG DARATING NA #SEAGAMES."

#WeWinAsOne
#SamaSamaSaSEAGames
#LABANPILIPINAS 🇵🇭





Source: Laryiel Aguirre, Ali Baldo Jr | Facebook