Residente ng isang kilalang subd., humihingi ng hustisya:"Pilit niyang saksakin ang leeg ko" - The Daily Sentry


Residente ng isang kilalang subd., humihingi ng hustisya:"Pilit niyang saksakin ang leeg ko"



Larawan mula kay Maria Thoriana Kho
Isang nakakaawang netizen ang nagbahagi ng kanyang kwento sa social media kung saan ay nalagay sa alanganin ang kanyang buhay sa kamay ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ibinahagi ni Maria Thoriana Kho sa kanyang Facebook account ang kalunos-lunos na kanyang sinapit habang mag-isa itong naglalakad pauwi sakanilang bahay sa subdivision ng Landcaster New City Gen. Trias Cavite.

Kwento ni Kho, Nobyembre 15, 2019 ng gabi ay pauwi na ito habang naglalakad sa isang street malapit sa kanila nang bigla na lamang siyang nagulat ng may taong gustong kumitil sa kanyang buhay sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

Bigla umano siyang dinambahan sa likod ng taong hindi pa nakikilala at saka sunod-sunod siyang pinag-sasaksak sa likod habang sinasakal din siya.

"nagulat nalang ako bigla ng may dumamba sa likoran ko sinasakal nya ako at pinag sasaksak pilit niyang saksakin ang leeg ko" ayon kay Kho.

Ayon kay Kho, wala siyang magawa kundi sumigaw na lamang habang naka yuko siya at pilit parin siyang sinasaksak sa kanyang bandang leeg.
Larawan mula kay Maria Thoriana Kho
Pagdidiin ni Kho, sigaw siya ng sigaw para humingi ng tulong ngunit tila walang nakakarinig sakanya hanggang sa iwan nalang siya ng suspek na naka-luhod habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Nang mga oras na tumigil na ang suspek sa sakanyang ginagawa, nilingon nito ni Kho at nakita niyang naglalakad na ang suspek papalayo sakanya na para bang walang nangyari.

"sumisigaw pa rin ako halos wla na akong boses at ni isa wla man lng tlagang tumulong sa akin kahit na nsa eskenita lng ang pinang yarihan sa akin. Nagpupumiglas ako hanggang sa tumigil nlang cya, at iniwanan nya ako na nkaluhod." kwento ni Kho.

Sa mga panahong yun ay ramdam na ni Kho ang panghihina sa kanyang katawan dahil narin sa mga tinamo nitong sugat at dami ng dugo na nawala sakanya.

Ayon kay Kho, kahit parang bibigay na ang kanyang katawan ay pinilit na lamang niyang maging malakas para sa kanyang pamilya.
Larawan mula kay Maria Thoriana Kho
"Nakaramdam na ako ng panghihina pro nilalabanan ko ang loob ko dhil pra sa pamilya ko, nagdadasal ako na sana ndi ako maubusan ng dugo."

Malaki naman ang pasasalamat ni Kho dahil sa dami nitong natamong sugat mula sa suspek ay hindi parin siya pinabayaan ng Panginoon.

"Nagpspasalamat ako sa Panginoon na hindi nya ako pinabayaan, na kahit papaano niligtas pa rin nya ako at hindi ako napurohan."

Nakiusap naman si Kho sa mga taong residente na malapit sa pinangyarihan ng krimen na makipagtulungan upang makamit nito ang hustisya at mapanagot ang taong gumawa nito sakanya.

"Sa mga ka HO ko sa KS15 nakikiusap po ako sa inyo na sana po kong sino man po ung may cctv sa pinangyarihan ko sa may kanto ng Nagoya St. at Odin sana po tulongan nyo po ako pra makamit ko po ang hustisya sa nangyari sa akin"

Dahil sa kanyang sinapit ay dismayado si Kho sa mga pamunuan ng Landcaster New City sa Gen. Trias Cavite dahil bukod sa security guard na hindi nag iikot-ikot at wala rin ilaw ang ilang poste ng nasabing subdivision.
Larawan mula kay Maria Thoriana Kho
"Landcaster New City is not Safe! Walang kwenta ang mga guard na nka duty dahil hindi cla rumorobing sa bawat street, labas pasok lng ang mga tao at hindi man lang nila sinisita! Ang mga ilaw pa sa mga poste walang kwenta dahil hindi gumagana, napakadilim!"

Nagbanta pa si Kho na idudulog niya ang kanyang reklamo sa istasyon ng Raffy Tulfo in Action upang mapanagot ang mga security guard at pamunuan ng Landcaster New City.

"Ilalapit ko ito kay Tulfo pra managot ang mga guard at Landcaster New City!"

Basahin ang buong post ni Kho sa ibaba:

"November 15, 2019 @ 10:30pm ng gabi umuulan pauwi na ako ng bahay nakapasok na ako sa loob ng subd. namin sa KS15 isang street nalang ODIN St. na at bahay na namin ng nagulat nalang ako bigla ng may dumamba sa likoran ko sinasakal nya ako at pinag sasaksak pilit niyang saksakin ang leeg ko pro yumoko ako sigaw ako ng sigaw saksak pa rin cya nga saksak sa akin na wla man lng salita, akala ko hold up pro ndi cya nagsabi ng hold up, sumisigaw pa rin ako halos wla na akong boses at ni isa wla man lng tlagang tumulong sa akin kahit na nsa eskenita lng ang pinang yarihan sa akin. Nagpupumiglas ako hanggang sa tumigil nlang cya, at iniwanan nya ako na nkaluhod. 

"Tumayo ako at tiningnan ko sya plabas sa Moscow St. na naglalakad lng na parang wla man lang nangyari, basang basa na ang damit ko akala ko dhil lng sa ulan pro hindi nman pla dhil puro na pla dugo. Dugoan na ako ung sugat ko sa likod at sa bandang panga prang gripo kong tumulo bawat salita ko bumubulwak ang dugo. Nkaramdam na ako ng panghihina pro nilalabanan ko ang loob ko dhil pra sa pamilya ko, nagdadasal ako na sana ndi ako maubusan ng dugo. 

"Nagpspasalamat ako sa Panginoon na hindi nya ako pinabayaan, na kahit papaano niligtas pa rin nya ako at hindi ako napurohan. Sa mga ka HO ko sa KS15 nakikiusap po ako sa inyo na sana po kong sino man po ung may cctv sa pinangyarihan ko sa may kanto ng Nagoya St. at Odin sana po tulongan nyo po ako pra makamit ko po ang hustisya sa nangyari sa akin. Natahi na ang walong (8) saksak na aking natamo pro hanggang ngaun hindi pa rin nahuhuli ang may sala sa akin malaya pa rin cyang gumagala sa Subd. namin sa KS15..

"Kailangan ko ng hustisya! Landcaster New City is not Safe! Walang kwenta ang mga guard na nka duty dahil hindi cla rumorobing sa bawat street, labas pasok lng ang mga tao at hindi man lang nila sinisita! Ang mga ilaw pa sa mga poste walang kwenta dahil hindi gumagana, napakadilim! Saan ba napupunta ang Monthly Due's na sinisingil ninyo.. Ilalapit ko ito kay Tulfo pra managot ang mga guard at Landcaster New City!

"#KS15OdinSt.

"LANDCASTER NEW CITY GEN. TRIAS CAVITE

****