Resto owner, may magandang paraan upang maibahagi ang mga tirang pagkain para sa mga mahihirap - The Daily Sentry


Resto owner, may magandang paraan upang maibahagi ang mga tirang pagkain para sa mga mahihirap



Hindi maitatanggi sa karamihan na maraming tao ang madalas magsayang ng mga pagkain lalo na sa tuwing kumakain sila sa restaurants kasama ang mga kaibigan o pamilya.
Larawan mula howtocare

Madalas ay itinatapon na lamang ang mga pagkaing tira nila o hindi nakain.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na maraming tao ang hindi nakakakain araw-araw. Ang iba ay namumulot na lamang ng pagkain sa basurahan upang magkaroon ng laman ang kanilang mga tiyan.

Samantala, sa bansang India ay mayroong isang lalaking nagmamay-ari ng isang restaurant ang nakaisip ng magandang paraan kung papaano makatulong sa mga taong walang makain.

Kwento ni Minu Paulina, isang araw ay meron siyang nakitang babaeng pulubi na nangangalakal at naghahanap ng pagkain sa basurahan. Dito niya naisip na imbes na itapon ang mga tirang pagkain ay ibibigay na lamang niya ito sa mga taong nagugutom.
Larawan mula howtocare

"So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash."

Nilalagay ni Minu ang mga pagkaing natitira ng kanyang mga kustomer sa isang refrigerator na nasa labas ng kanyang restaurant. Ito ay bukas ng 24/7 at kahit sino ay pwedeng kumuha ng libre.

Meron ding nakalagay na petsa kung kailan nailuto ang mga pagkain kaya naman nakasisiguro ang mga kukuha na ligtas itong kainin.
 Larawan mula howtocare
Larawan mula howtocare

Naglalagay sila ng nasa 75 hanggang 80 packs na mga pagkain sa refrigerator.

"If you're wasting your money, it's your money, but you're wasting the society's resources. Don't waste the resources, don't waste the food,” sabi ni Minu.


***
Source: HowToCare