Tanong ng netizen: “Bakit ang lupit ng gobyerno sa mga maralitang manininda?” - The Daily Sentry


Tanong ng netizen: “Bakit ang lupit ng gobyerno sa mga maralitang manininda?”



Pinukaw ang damdamin ng mga tao sa social media ang isang Facebook post ng netizen na si Jang Monte Hernandez.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.

Sa kanyang post noong October 29, in-upload ni Hernandez ang mga larawan kung saan makikitang kinukumpiska ng mga taga Quezon City, Market Development And Administration Department o (QC MDAD) ang mga paninda ng isang vendor ng fishball.

Ayon kay Hernandez, pinagtulungan umanong kumpiskahin ng mga QC MDAD ang mga paninda ng vendor kaya nagkalaglagan ang mga ito.

Tinulungan din ng isa pang vendor ang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam na kanilang pwedeng isalba.

Dagdag ni Hernandez, ang mga panindang nakuha sa vendor ay aabot sa mahigit isang libo, hindi pa kasama ang halaga ng kanyang kariton. 
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.

Ayon naman sa vendor ng fishball, wala pa siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng mga nakumpiskang gamit at paninda.

Hindi naman maiwasang mainis at magtanong ni Hernandez sa kanyang post, tanong niya, “BAKIT ANG LUPIT LUPIT NG GUBYERNO SA MGA MARALITANG MANININDA??!!”

Umabot na sa 18k reactions at 15k shares ang post na ito ni Hernandez.

Narito ang buong post ni Hernandez:

“Kaninang umaga.

Pinagtulungan ng QC MDAD ang isang manininda ng fishball. Kinukumpiska ang kanyang paninda. Nagkandalaglagan na ang mga paninda.

Tinulungan sya ng isang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam, pati na ang mga gumulong na galon ng suka, sawsawan at mantika.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.

Hinabol pa sana niya ang sasakyan ng city hall sa pagmamakaawang maibalik ang paninda, kariton at lutuan.

Sabi niya may mga panindang aabot pa sa mahigit isang libo ang nabitbit ng MDAD. Hindi pa kasama sa kompyutasyon ang halaga ng kariton.

Wala pa raw siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng kagamitan at paninda.

BAKIT ANG LUPIT LUPIT NG GUBYERNO SA MGA MARALITANG MANININDA??!!”

Narito naman ang iba't ibang komento ng mga netizen:




***