UFC President Dana White, nag-donate para makatulong sa Mindanao Earthquake - The Daily Sentry


UFC President Dana White, nag-donate para makatulong sa Mindanao Earthquake



Pinagsamang larawan mula sa mmaweekly at sonshineradio
Kamakailan lamang ay nakaranas ng sunod-sunod na paglindol ang bahagi ng Mindanao.

Hindi birong lindol ang nangyari sa Cotabato noong October 16 dahil may magnitude itong 6.3 at bago pa makarecover ang mga taumbayan na napinsala ng lindol ay muli nanamang niyanig ito noong October 29 na may magnitude na 6.6.

Dalawang araw lang matapos ang lindol ay muli nanamang yumanig ng magnitude 6.5 kung kaya  naman napinsala ng husto ang mga lugar sa Central Mindanao.

Madaming pamilya ang mga naapektuhan sa nangyaring sunod-sunod na pagyanig ng lupa, meron din mga binawian ng buhay at mga nasaktan.
Larawan mula sa ABS-CBN
Kaya naman ang ating pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao ay agad umaksyon at ginamit nito ang kanyang foundation na kung tawagin ay Manny Pacquiao Foundation.

Sa mismong social media ng senator, pinost nito na magbibigay ng tulong tulad ng mga relief goods ang Manny Pacquiao Foundation sa mga naapektuhan ng lindol.

Kasabay ng kanyang post ay ang paghingi ng tulong at kaunting donasyon galing sa ibang tao na willing magbigay ng kahit magkanong halaga upang madagdagan ang kanilang mga efforts.

Larawan mula sa Twitter ni Manny Pacquiao
Dahil sa post ni Pacquiao, nakita ito ni UFC President na si Dana White at sinabing tutulong siya at magdodonate.

Sa isang Twitter post ni Dana White, sinabi nitong magdodonate siya ng 10,000 US dollars, o mahigit 500,000 pesos.
Larawan mula sa mmaweekly
Malaking tulong na ito para sa ating mga kababayan at sana ay madami pang tumulong sa mga naapektuhan ng mapanirang lindol.

****