Nanay binalahura ang ninang ng kanyang anak dahil hindi napagbigyan ang kanyang request - The Daily Sentry


Nanay binalahura ang ninang ng kanyang anak dahil hindi napagbigyan ang kanyang request



Dahil ilang araw na lamang ay pasko na, kumalat nanaman sa social media ang hindi magandang kinalabasan ng usapan ng mag-kumare.

Sa Facebook page na ‘Beauty from The Kitchen’, ibinahagi nito ang mga screenshots ng usapan ng dalawang babae. Mababasa sa mga uploaded pictures kung papaano pinipilit ng nanay na sagutin ng kanyang kumare ang mga souvenirs para sa 2nd birthday ng kanyang anak.

100 pcs na souvenirs umano ang hinihingi ng nanay ngunit hindi sumang-ayon si kumare dahil marami rin siyang mga inaanak na bibigyan ng pamasko.

Sinubukan pa ni kumare na kumbinsihin ang nanay ng kanyang inaanak na kung pupwede ay cake nalang ang iregalo niya o kaya ay 30 pcs na souvenirs, ngunit ayaw talagang pumayag ng kabila.

Hanggang sa nainis na ang nanay at tinawag ang kumare niya na kuripot.

iyo na yn pmasko mo di kelangan yn kuripot…dpt si gelay na lng knuha ko d ikw..” 

Tinawag pa ng nanay ang kanyang kumare na makapal ang mukha dahil 500 pesos lamang umano ang ibinigay nito sa binyag ng kanyang anak.

"kapal mkha mo post ako yabang ka neng..500 nga lan bgay mo sa inaanak mo nung binyag...babawi ka nga lan gnyan pa.."

Narito ang mga screenshots ng kanilang usapan:









***


Source: Facebook