Jose Hallorina, may mensahe kay Donnalyn Bartolome: "Napaka sinungaling mong tao, nakakatakot ka." - The Daily Sentry


Jose Hallorina, may mensahe kay Donnalyn Bartolome: "Napaka sinungaling mong tao, nakakatakot ka."



Jose Hallorina at Donnalyn Bartolome / larawan mula sa Youtube
Tila naging malaking isyu ang sagutan ng vlogger na si Jose Hallorina at ng isang sikat na Youtuber na si Donnalyn Bartolome matapos mag-trending ang in-upload ni Hallorina sa Youtube na may pamagat na "Lola ng Sikat na Youtuber Namamalimos."

Sa video kasing mapapanuod sa Youtube, ininterview ni Hallorina ang isang lola na naka-wheelchair sa gilid ng kalsada habang namamalimos ito.

Sa kanyang pagtatanong, nalaman ni Hallorina na si lola Josie pala ay mayroong sikat na apo na Youtuber, ngunit hindi naman niya binanggit sa kanyang video blog ang pangalan ng nasabing apo ni lola Josie.


Dahil dito ay nanawagan si Hallorina na sana mapanuod raw ito ng apo ni lola Josie at ibang kamag-anak para matulungan ang kalagayan ni lola.
Larawan mula kay Jose Hallorina
Matapos magtrending ang video ni lola Josie, agad namang nagbigay ng opinyon si Bartolome sa kanyang Youtube account at ipinaliwanag ang kanyang saloobin tungkol isyung ito.

Basahin sa ibaba ang nakasulat sa description box ng video ni Bartolome kung saan ay mensahe niya ito kay Hallorina.

"Wala siyang binanggit na name? At gusto lang niya tumulong? Minessage siya ng family at relatives ko privately at pati sa comment section bago pa siya magka Part 2. Ininform siya ng totoong nangyayari pero DINEDELETE NIYA. Alam niya na ang mali pero pinagpatuloy pa. Hindi ako magpopost kung hindi niya kami pailalim sinira dahil kumalat na sa lahat ng relatives, kaibigan ng relatives at strangers, palaki na ng palaki ang lies. Naayos sana privately, sayang, naghintay ako. Naghintay ako ng 4 days. 4 DAYS dahil binigyan ko siya ng chance dahil baka totoo naman na gusto lang niya tumulong. Kung sa ganun magpapasalamat pa ako. Pero delete ng informative correcting comments? Mali ang Lola pero mas mali ang pagtago ng truth, unwilling magcomply sa appeal ng mga kamaganak para lang kumita sa napakadaming ads sa Youtube. Responsibilidad na niya ‘to kasi siya ang naglabas. Maybe nangyari 'to for a reason that's true and that's to give awareness that not everything is what it seems at para malaman ng lahat that VLOGGING IS A BIG RESPONSIBILITY, napakadaming YouTubers ang nadiin sa kagagawan ng  kapwa YouTuber na'to. Viewers, judge responsibly too. Thank you for taking your time reading and comprehending and for watching too."  ayon kay Bartolome

Sa umpisa ng video ay sinabi ni Bartolome na gusto man nitong intindihin kung ano ang pakay ni Hallorina sa pag-upload ng video ay hindi daw talaga niya maintindihan kung ano ba ang intensyon nito.

Ayon kay Bartolome, ang apo na tinutukoy ni lola Josie sa video na in-upload ni Hallorina ay walang iba kundi siya. 

Paglilinaw ni Bartolome, si lola Josie ay kapatid ng kanyang lola na nanay ng kanyang mommy.
Larawan mula kay Donnalyn Bartolome
Nilinaw din ni Bartolome na matagal na niyang ipinapahanap sa kanyang mga kamag-anak si lola Josie at nag-aanatay lamang ito ng update dahil nag-aalala din naman daw ito sa matanda.

Sa kalagitnaan ng video, pinahintulutan ni Bartolome ang kanyang mommy na ikwento ang lahat kung bakit napunta si lola Josie sa ganoong kalagayan.


Ayon sa mommy ni Donnalyn, napunta daw sa ganoong kalagayan ang kanyang tiyahin ay dahil pinili naman daw niya ito.

Kwento pa ng mommy ni Donnalyn, ilang beses na nitong tinulugnan ang kanyang tiyahin, binigyan umano nito ng puhunan para sa negosyo at binigyan din ng pambayad sa apartment para may matuluyan ito dahil wala nga itong sariling bahay.

Hindi nagtagal umano ay nalaman nila na humihingi pa ng pera si lola Josie sa iba nilang kamag-anak.

Dati din daw na nakatira si lola Josie sa kanila ngunit sumama daw ang loob nito at umalis ng mapagbawalan na huwag na mag-uwi ng mga kalakal dahil natatambak lamang ito sakanila.

Nagbigay din ng mensahe ang nanay ni Donnalyn kay Jose na sana bago siya naginterview ay inalam muna nito ang totoong pagkatao nito bago siya tumulong.

Panoorin ang video ni Bartolome sa ibaba:


Lumipas ang ilang araw ay dumipensa si Hallorina at lola Josie sa mga naging paratang at pang-iinsulto sakanila ng kampo ni Bartolome.

Ayon kay Hallorina, maaayos naman sana ang problemang ito kung hindi nagsinungaling ang kampo ni Bartolome.

Paglilinaw din ni Hallorina na sana hindi na humantong sa ganitong sitwasyon kung noon pa ay inayos na nila ang kanilang naging isyu kay lola Josie.

"Sa totoo lang po hindi namin gusto ni nanay itong nangyayari. na tila ba naglalabasan ang dumi sa social media in public. Sana kung hindi nagsinungaling yung kabilang kampo. wala kaming choice but to defend ourselves." ayon kay Hallorina

Pinasinungalingan naman ni Hallorina ang sinabi ni Bartolome tinangka nilang i-message si Hallorina para sabihin ang totoong nangyari ngunit hindi daw ito nagrereply at nagdedelete din ito ng mga comment.

"Sorry Donnalyn pero kailangan kong sabihin ito, napaka-sinungaling mong tao, nakakatakot ka.. napaka-manipulative mong tao, gagawin mo lahat para umayos ang imahe mo. nakakatakot ka sa totoo lang." ayon kay Hallorina

Panoorin ang video ni Jose Hallorina sa ibaba:




****