NBI Clearance, TIN, Birth Certificate at iba pang papeles, Libre na para sa mga first-time job-seekers - The Daily Sentry


NBI Clearance, TIN, Birth Certificate at iba pang papeles, Libre na para sa mga first-time job-seekers



Napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hindi na kailangang magbayad ang mga first-time job-seekers ng fees at charges para sa mga dokumentong karaniwang kasama sa pre-employment requirements.

Sa ilalim ng Republic Act 11261 o "First Time Jobseekers Assistance Act," wala nang babayaran ang mga bagitong aplikante para sa mga government documents na kailangan nila sa paghahanap ng trabaho sa Pilipinas o abroad.

Narito ang mga dokumentong libre na para sa mga “First Time Jobseekers.”
  • Police clearance
  • NBI clearance
  • Barangay clearance
  • Transcript of academic records mula sa state colleges at universities
  • Birth certificate
  • Marriage certificate
  • Tax identification number o TIN
  • Unified multi-purpose ID o UMID card
  • Medical certificate mula sa pampublikong ospital

Kailangan lamang ng mga aplikante na magbigay ng barangay certificate bilang patunay na sila ay first-time job-seeker.

Magkakaroon naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng database ng lahat ng nabigyan na ng benepisyo ng batas na ito.
Image mula Senate.gov.ph
Image mula Senate.gov.ph
Image mula Senate.gov.ph

***
Source: Senate.gov.ph