Ninong, blinock ni kumpare matapos hindi masunod ang 1k na pamasko sa anak - The Daily Sentry


Ninong, blinock ni kumpare matapos hindi masunod ang 1k na pamasko sa anak



Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Harry Engelo Anthony Paala, matapos niyang ibahagi ang usapan nila ng kanyang kumpareng demanding sa gustong matanggap na halaga ng pera para sa kanyang anak.
Harry Engelo Anthony Paala / Larawan mula sa kanyang Facebook account

Sa mga screenshots ng usapan nina Harry at ng kanyang kumpare, mababasa na sa umpisa ay nagbatian pa ang mga ito ng Merry Christmas, hanggang sa tinanong ng kumpare ni Harry kung magkano ang kanyang ibibigay sa inaanak niya.

Ayon kay Harry ay 500 pesos ang kanyang nailaan na budget, ngunit nakiusap ang kanyang kumpare na kung pwede ay gawin na nitong 1000 pesos ang ibigay sa inaanak. Dahilan ni kumpare ay apat silang mamamasahe papunta kina Harry. 


Pinayuhan naman ni Harry ang kumpare na kung pwede ay sa New Year na lamang dumaan ang mga ito o kaya ay siya na lang mismo ang maghahatid sa pamasko ng inaanak. Ngunit mapilit ang kumpare nito at sinabing ipadala na lamang ang pera.

Dahil may bagyo at malakas ang ulan sa kanilang lugar ay hindi rin makalalabas si Harry. 

Muli nanamang namilit ang kumpare ni Harry at sinabing wala ng pang gatas ang kanyang anak. Sinabihan pa nito si Harry na sana ay hindi nalang ito umattend sa binyag ng anak.

Dami naman dahilan pre, kung ayaw mong magpapasko, dapat di ka nalang umattend ng binyag pre, nagtake out ka pa,” sabi ni kumpare.

Sagot ni Harry, hindi naman siya nagtake out dahil wala naman raw natirang pagkain.

Sinabihan pa si Harry ng kanyang kumpare ng “teacher ka tas DJ ka tas tikom ang kamay mo. Babawiin ni Lord yang blessings mo.”

Dagdag pa ni kumpare, itext nalang daw siya ni Harry kapag napadala na nito ang perang pamasko sa inaanak dahil ibloblock muna niya ito at ayaw umano nito ang negative vibes sa pasko.


Sa ngayon ay umabot na sa 29k reactions, 10k comments at 38k shares ang post ni Harry.

Narito ang mga reaksiyon ng mga netizens:





***
Source: Harry Engelo Anthony Paala | Facebook