Panloloob sa isang bahay ibinahagi ng netizen: "Hindi sila nagising dahil may inispray na pampatulog." - The Daily Sentry


Panloloob sa isang bahay ibinahagi ng netizen: "Hindi sila nagising dahil may inispray na pampatulog."



Ang mga kawatan ay walang sinasanto at walang pinapalampas na pagkakataon lalo na sa mga panahong hindi mo inaakala.
Imahe mula sa Facebook post ni JM Melicado

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si JM Melicado ang pagnanakaw na nangyari sa bahay ng kanyang tiyahin.

Ayon kay Melicado, kinaumagahan pagkagising nila ay wala na ang kanilang TV at ang perang ipon ng kanyang tiyahin na aabot sa 51 thousand pesos.

Napansin rin nila na may sibat at kutsilyong nakahambalang sa upuan at lamesa nila. 

Lahat ng kadena at pinto naka bukas,” sabi ni Melicado.
 Imahe mula sa Facebook post ni JM Melicado
Imahe mula sa Facebook post ni JM Melicado

Kwento nito, hindi raw nagising ang mga tao sa bahay dahil meron raw inispray sa kanilang pampatulog.

Nagpapasalamat parin si Melicado sa Panginoon dahil wala umanong nasaktan sa kanila.

Suspetsa nila Melicado, ang mga kawatan na nanloob sa kanila ay ang mga taong nag-ayos umano ng kanilang lababo kamakailan.

Narito ang kanyang buong post:

“Ingat po tayo kung aalis man sa bahay or matutulog na dahil kaninang umaga napansin namen na may sibat sa upuan at may mga kutsilyo rin na naka hambalang sa lamesa at divider. Wala nadin ung TV at ubos lahat ng pera na 51K na ipon ng tita ko.

Hindi sila nagising dahil may inispray na pampatulog. Lahat ng kadena at pinto naka bukas. But we are really thankful to God na walang nasaktan or nasugatan man lang. Maging lesson narin na dapat secured ang bahay at bago umalis dahil iba na mga magnanakaw at kawatan ngayon. Hays pati mga pagkain hinde pinatawad.

Nakakaba dahil walang bakas even fingerprints or footprints wala.

Our Main suspect is ung gumawa sa kanila ng lababo which is less than a month ginawa. Sa mga panahon nayun nag plano na sila dahil pati lagayan ng pera eh alam. Kaya ingat nalang din sa mga kukuning gagawa sa bahay nyo mas magandang kilala nyo po.

TRUST NO ONE !!”


***