Pinay domestic helper huling-huli ang paglagay ng ihi ng ibang lahing helper sa kanyang inumin - The Daily Sentry


Pinay domestic helper huling-huli ang paglagay ng ihi ng ibang lahing helper sa kanyang inumin



Larawan kuha mula sa ibinahaging video

Marami sa ating mga kababayang Pinay ang mas piniling magtrabaho bilang katulong o kasambahay sa ibat-ibang sulok ng bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang mga naiiwang pamilya sa Pilipinas.

At higit pa sa sobrang lungkot, pagod, at pangungulila na kanilang dinaranas halos araw-araw ay ang dasal na sana'y magiging mabait ang pakikitungo ng mga amo nila at ng iba pang mga kasamahan.

Kagaya ng bansang Pilipinas, marami rin sa mga taga-ibang bansa ang nakikipagsapalaran bilang domestic helper na kung minsan ay halo-halong lahi ang magkakasama sa bahay at nasa iisang amo lang.

Dito ay lalong nasusubok ang kanilang pakikisama at pasensya, hindi lang sa naging amo nila kundi pati narin sa mga kasama nila na ibang lahi na DH din.

Katulad nalang ng isang video na nagviral sa social media kung saan nai-record ng isang Pinay na katulong ang patagong pang-bab@b0y sa kaniya ng kasama niyang ibang lahi.


Larawan kuha mula sa ibinahaging video


Makikita sa video ang isang Pinay na naghanda at nagtimpla ng kanyang maiinom sa kusina, kung saan makikita din ang isang taga-ibang bansa na DH sa likuran niya.

Nang umalis lang saglit ang Pinay at iniwan ang baso na kanyang tinimplahan ay kapansin-pansin ang mga naging sumunod na galaw ng isang helper.

Dito makikita na tila siya may ginagawa sa bandang bab@ prib@d0ng bah@gi ng kanyang k@tawan at dali-daling lumapit sa pwesto kung saan nakapatong ang baso ng isang Pinay.

Larawan kuha mula sa ibinahaging video
Maya-maya'y inilabas niya ang isang kamay at dito makikitang may hawak pala itong isang baso mula sa loob ng kanyang pang-ib@bang uniporme at may lamang kulay dilaw na tubig na hinihinalang isang ihi at dito niya na nilagay at hinalo sa baso ng Pinay.


Narito ang naturang video:




Kapansin-pansin sa kuha ng video na tila ba'y parang hinuhuli na lang ng pinay ang kasama niyang helper sa gagawin nito.

***

Source: Filipinos Patriotism

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!