BFF na kinuhang yaya sa Canada, inahas ang asawa ng kaibigang tumulong sa kanya - The Daily Sentry


BFF na kinuhang yaya sa Canada, inahas ang asawa ng kaibigang tumulong sa kanya






Photo courtesy of Raffy Tulfo in Action/Youtube


Minsan kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan mo ng mga mahahalagang bagay sa buhay mo ay siya pa ang unang-unang gagawa ng masama sa atin.

Yung taong tinuturing mong Bestfriend, sya yung taong itinuring mong higit pa sa kapamilya mo, na lahat ay gagawin mo upang mapabuti din kalagayan nya, at pagmamalasakitan mo, ay siya pa yung taong sisira ng buhay at kinabukasan mo.


Tulad na lang nangyari sa ating kababayan na mula Canada, masamang masama ang loob ng isang ginang nang dumulog ito sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa problema sa kanyang asawa at sa kanyang kaibigan.

Ayon kay Elloraine, inireklamo nya ang pang-aahas ng kanyang matalik na kaibigan sa kanyang asawa sa kabila ng pagtulong nito sa kanya.

Tinulungan daw niya itong makarating sa Canada at makapag-trabaho upang makatulong sa kanyang pamilya at mapaganda din naman ang kanilang buhay.

Nagpasya daw si Elloraine na ayusin ang papel ng kaibigan na si Maria Salvacion Masayon o kilala sa tawag na “Salvhe”, upang kunin nya bilang nanny o yaya ng kanilang anak upang magkaroon ng opportunity ito na makarating sa Canada at later on ay maging ganap na ding Canadian citizen.


Ngunit sa hindi inaasahan ng ginang ay magiging bangungot pala ang dala nito sa kanilang tahimik at noon ay masayang pamilya.  

Lingid sa kaalaman ni Elloraine na itong si Salvhe ay may dalang kamalasan sa kanilang masayang pamilya na syang wawasak sa pagsasama nilang mag-asawa at kanilang baby na ilang buwan pa lamang.

Bago pa man daw makarating sa Canada si Salvhe ay naging friends na pala ito sa social media at ang kanyang Canadian na asawa na si Bryhton Lamb kung kaya naman close na raw agad ang mga ito.

Hanggang sa dumating na nga ang kaibigan sa kanilang tahanan at naninilbihan bilang yaya habang sya ay pumapasok sa trabaho.

Di kalaunan ay napapansin nya ang mga kakaibang kinikilos ng mister at nitong si Salvhe. Na kahit sa harapan ay sobrang close ng dalawa.

Maging ang pananamit ni Salvhe ay iba na rin. Madalas daw itong nagsusuot ng maikling shorts at manipis na pang-itaas na sya namang pinagmamasadan ng kanyang asawa.

Tanging ang mister na lamang nya ang kanyang pinagagalitan para naman daw hindi makaramdam ng pagka-ilang si Salvhe sa loob ng kanilang pamamahay.

Mayroon na raw siyang napapansin sa dalawa ngunit hindi raw niya ito binigyan ng ibang kahulugan bagamat nagseselos na raw siya noon.

Nariyan pa na binibigyan nito ng bulaklak ang yaya, minsan pa nga ay umuupo ito sa harap ng sasakyan samantalang silang mag-ina ay nasa likuran.

Ngunit hindi ito pinag-isipang ng masama ni Elloraine at sa halip ay inintindi ang mister sa inakala niyang "normal" na pagbabago nito simula ng magkaanak sila.

Hanggang  sa dumating na ang araw at tuluyan na nyang nakumpirma na may relasyon ang dalawa at inamin naman daw ng mga ito.

Ang masakit pa dito ay mas pinili pa daw ng kanyang mister si Salvhe at katunayan ay nagsasama na raw ang dalawa sa kanilang bahay mismo sa Canada.

Kaya naman humingi na ng tulong ang ginang at ayon kay Raffy Tulfo, maaaring nitong kanselahin ang kontrata ni Salvacion bilang employer nito.

Nangako rin si Sir Raffy ng lahat ng tulong para sa ginang upang mkamit nito ang hustisya sa panloloko ng kaibigan at mister.


Marami namang netizen ang nagngingitngit sa galit dahil sa ginawang pang-aahas ng kaibigan:

“Kapal ng mukha ng yaya ng anak mo Ms.Elloraine.KARMA is coming for her.God bless and stay strong para sa baby mo…”

“Kahihiya ginawa mo ma. Salvacion. Karma is real hindi na tutulog ang panginoon go to hell!
Best friend is the best enemy anyway. Family broker ka.evil go to hell! Hiya mo at hiya sa pamilya mo binigay mo. Deport her! File a case against her.”

“ It’s so sad😔pati kming nkikinig sa istorya sobrang sakit din nararamdaman nmn sa iyo Maam😔but all you have to do Pray and ask GOD’S strength malalagpasan mo rin lahat
Give it all to GOD at hayaan mong ang DIYOS Gumanti pra sayo, U have a good heart and continue to be a good person GOD Will restore everything the enemy stole
,Be strong for your daughter.GOD Will make u whole again…”

“ I feel you sister...be strong for your beautiful child!!!Break the employment contract w/ your stabbing Nanny/bitch ex-best friend. File a divorce and get the child and “spouse “support and don’t agree for settlement - get the higher percentage of spouse and child support from the salary of your stupid (soon ex husband) salary. Find a nice lawyer...don’t give up, fight for your right.”

“Mam padeport mo nalang yang ahas na yan pa blocklist mo. At ung asawa mo nmn kasuhan mo ng bigammy. Baka pwd un pablocklist na rin ung lalki para hnd na mkpunta ng pilipinas. Para hind na sila magkkita ng panget na babaeng yan. Nakakinis siya. Siy na tinulungan siya pa nagluko. Paslamat siya wala siya sa middle east umuwe siya ng bngkay”

" Be strong ate.. Bad karma ay nasa kanya,, good karma is waving at you."