Lalaki, itinigil ang kasal matapos madiskubre ang tunay na itsura ng papakasalang babae - The Daily Sentry


Lalaki, itinigil ang kasal matapos madiskubre ang tunay na itsura ng papakasalang babae



Larawan mula sa world of buzz

Ang kasal ay isa sa pinaka itinuturing na sagrado sa pagitan ng magka-relasyon na babae at lalaki, kung kaya naman kailangan itong pag-isipan ng ilang beses bago magdesisyong tuluyang magpakasal sa kapareha.

Tunghayan ang kakaibang kwento ng isang dalawang magkasintahan kung saan ay nadiskubre ng lalaki ang matagal ng pinaka-lilihim ng babaeng kanyang pakakasalan.

Ang lalaki ay kinilalang si Yusuf na mayroong ka long-distance relationship na tumagal hanggang dalawang taon na kailanman hindi pa sila nagkikita sa personal at tanging sa internet lamang sila naguusap at nagkaka-kwentuhan.
Larawan mula sa world of buzz
Tanging tawagan sa telepono lamang ang naging daan ng kanilang komunikasyon sa loob ng dalawang taon dahil ayaw umano ng babaeng makipag-video call at marami itong sinasabing dahilan.
Larawan mula sa world of buzz
Sa tagal ng panahon ng kanilang relasyon ay tila lumalim na ang kanilang pag-iibigan kung kaya naman nagdesisyon ang dalawang magpakasal na.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sa araw mismo ng kanilang kasal ay biglang umatras si Yusuf dahil nabuking nito ang pinaka-lilihim ng babaeng kanyang papakasalan.

Nagulat si Yusuf na ang babaeng kasama nito sa altar ay ibang-iba ang itsura sa nakilala niya sa internet. 
Larawan mula sa world of buzz
Dahil dito ay nahimasmasan at tila nagising sa katotohanan si Yusuf sa ginawang panglilinlang sa kanya ng babae kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na itigil ang kasal.
Larawan mula sa world of buzz
Magkahalong galit at inis ang naramdaman ni Yusuf matapos malaman na ang babaeng kanyang inibig sa online ay iba ang mukha sa personal na tila niloko lamang siya nito.

Nalaman ni Yusuf na kasing edad na ng kanyang lola ang babaeng muntik na nitong pakasalan na ibang-iba ang mukha sa babaeng bumihag sa kanyang puso sa internet.

Napaniwala umano siya ng matandang babae na siya ay bata pa dahil gumamit ito ng litrato ng napaka-gandang dalagitang babae na kinuha lamang nito sa Facebook.
Larawan mula sa world of buzz
Larawan mula sa world of buzz

Kwento pa ni Yusuf ay mayroon pa umanong pagkakataon na pinapadalhan niya ng pera ang babaeng nakilala nito online kung kaya naman doble-doble ang galit na naramdaman niya.


****

Source: trendzph