Lola, nagtitiis magtrabaho bilang isang kargador sa palengke - The Daily Sentry


Lola, nagtitiis magtrabaho bilang isang kargador sa palengke



Larawan mula sa astrophile
Hindi naman lingid sa kaalaman ng bawat isa na ang pagiging 'kargador' ay trabaho lamang ng mga taong malalakas ang pangangatawan na kalimitan ay ginagawa ng mga kalalakihan.

Dahil dito, viral sa social media ang video na in-upload ng isang Facebook fan page na kung saan ay nakunan ang isang matandang babae na nagbubuhat ng mabibigat na karga tulad ng sako at kahon.

Nakakalungkot isipin na sa halip na nagpapahinga na lamang ang matanda sa kanilang tahanan dahil may edad na ito ay nagtitiis pa itong magtrabaho dahil sa hirap ng buhay.

Nakakagulat isipin na sa edad ni lola at bilang isang babae ay nakakaya pa nitong magbuhat ng ganitong kabigat na trabaho.
Larawan mula sa astrophile
Hindi naman maiwasan bumilib ang ibang netizen kay lola dahil sa kabila ng katandaan ay hindi nakikitaan ng pagkahina ng katawan at tila nakangiti pa ito habang dahan-dahang binubuhat ang mabigat na sako sa kanyang likuran.

Gayunpaman, mapapansin naman ang kabigatan ng sakong karga ni lola dahil mas malaki pa ito sa kanya at tila punong-puno pa ito ng laman kung kaya naman mapapansin na naglagay ng tela si lola bilang suporta sa sako habang binubuhat niya ito.


Makikitang dahan-dahang nabuhat ni lola ang kanyang karga mula sa kanyang likod na kitang-kita naman ang kabigatan nito dahil sa kanyang pagkakayuko na tila mababale na ang kanyang likuran habang naglalakad ito.

Marami naman sa nakanuod ng video ni lola ang nanghina ang damdamin dahil sa edad ni lola ay nagbubuhat pa ito ng mabigat na bagay para lamang may makain.
Larawan mula sa astrophile
Inulan man ng papuri si lola mula sa mga netizen ay nangibabaw parin ang pagkainis ng iba dahil hinayaan lang ng iba na magtrabaho si lola na sana ay nagpapahinga na lamang ito sa kanilang tahanan.

Basahin ang ilang reaksyon ng netizen sa ibaba:

"If it's her choice will you still let her carry that thing alone? Kitang kita sa face nya na ginagawa nya yan kc may pamilya sya.. Don't let our lola's do that job , at her age she really need to have a rest and enjoy the every minute of her life together with her family. Naiiyak aq ayoko nkakakita ng matandang nahihirapan o nagtatrabaho"

"very strong c nanay.admirable!!!see despite of her age still she works hard without complaining.. God bless u nay good health,strong body and mind."

"This video shows how strong women are. Dont get the wrong idea from your own perspective.. She is a real Wonder Woman.. She deserve a gold medal."

Ayon pa sa iba, dapat ay tinulungan parin si lola ng dalawang lalaking nagpatong ng sako sa kanyang likod na nakangiti pa dahil kahit pa raw umano ginusto ni lola ang trabahong ito ay mali parin na maging kargador siya sa kabila ng kanyang edad.

Panoorin ang video sa ibaba:



****