Estudyanteng nagco-construction worker, nagtapos bilang isang valedictorian - The Daily Sentry


Estudyanteng nagco-construction worker, nagtapos bilang isang valedictorian



Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano / Facebook
Nakakabilid ang ipinamalas na kasipagan at determinasyon ng isang mag-aaral na si Michael Español na mula sa bayan ng Gueguesangen, Mangaldan sa Pangasinan.

Marami ang namangha sa naging kwento ng buhay ni Michael dahil habang nag-aaral ito ay nagagawa pa niyang magtrabaho bilang isang construction worker upang matustusan ang kanyang pangangailangan sa paaralan.

At dahil sa kasipagan at pagpupursigi ni Michael sa buhay ay nakatapos ito sa pag-aaral bilang isang valedictorian sa kanilang paaralan na mayroong average na 95 porsiyento.

Si Michael rin ang naging supreme student government president sa kanilang paaralan.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
"Na-overwhelm ako nu'ng nalaman ko po na ako po ang top-performing sa klase namin," pahayag ni Michael.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
Dahil kapos ang pamilya ni Michael ay natuto siyang dumiskarte ng pera sa pamamagitan ng pag-sideline bilang isang construction worker.

All around si Michael sa kanyang trabaho kaya naranasan na nitong tagabuhat, tagasinsil at tagapala ng simento. 

Kwento ni Michael, nakaka-ipon siya ng pambili ng kanyang school supplies at pangbaon sa kanyang kinikita na P250 kada araw ng kanyang pagtatrabaho.

“Kung kaya ko naman po kasi, ayaw ko nang iasa sa kanila,” ayon kay Michael.

Mananahi lamang sa isang factory worker ang kanyang nanay at messenger naman ang kaniyang tatay kung kaya naman minsan ay kulang ang sinasahod ng kanyang magulang para mapag-aral silang tatlong magkakapatid.

Ayon umano sa ama ni Michael, malaki ang pasasalamat nito dahil kahit hirap sila sa buhay ay nakapag-tapos ang kanilang anak bilang valedictorian.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
"Nagpapasalamat ako sa anak ko na kahit hirap na hirap kami, nakapagtapos siya nang ganu'n," banggit ng ama ni Michael.

Gayunpaman, sa kabila ng nakaka-inspire na kwento ni Michael mayroon pa rin umano siyang naririnig na hindi maganda sa ibang tao.

"Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, 'wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin," giit niya.

Pinatunayan lamang ni Michael na hindi hadlang ang hirap ng buhay para magtagumpay sa pag-aaral at abutin unti-unti ang mga pangarap sa buhay.

****