Good Karma is real! Pulis na nagbigay ng $100 sa sinitang food delivery rider, siya namang nabiyayaan ng 100K mula sa isang netizen - The Daily Sentry


Good Karma is real! Pulis na nagbigay ng $100 sa sinitang food delivery rider, siya namang nabiyayaan ng 100K mula sa isang netizen




Photo courtesy of Facebook and GMA News


Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay sya ring babalik sayo, ito ang kasabihang akmang akma sa ating magiting na pulis na may ginituang kalooban.

Kamakailan ay nagviral sa social media ang kwento ng isang rider na sinita ng isang Manila pulis sa checkpoint sa Espanya, na imbes ticketan ay binigyan pa ito ng $100 ng nasabing pulis.


Nalaman kasi ng nasabing pulis na ang rider na kanyang sinita ay isa pala itong working student, at nagtatrabaho bilang part time food delivery rider upang may pangtustos sa kanyang pag-aaral habang may lockdown.

Kinilala ang nasabing pulis na si Corporal Jon Tibay Nacino, na naka-deploy sa isang checkpoint sa EspaƱa Boulevard sa Manila.

Matapos nito ay dumagsa ang mga humanga sa ginawa ni Corp. Nacino at sa di inaasahang pangyayari ay ito naman ang nakatanggap ng biyaya mula sa isang netizen.

Ngunit bago niya matanggap ang magandang balitang ito ay pinakaba muna sya ng kanyang hepe at ito ay pinatawag sa kanyang opisina dahil umano sa isang reklamo.

Sa ulat ng GMA News"24 Oras" ni John Consulta sa nitong Martes, ipinatawag ni Police Major Ronaldo Santiago, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa kaniyang opisina ang good samaritan cop na si Corporal Jonjon Nacino, para kunwaring pagpapaliwanagin sa isang reklamo laban sa kaniya.

Kasalukuyang nasa duty noon sa labas si Nacino kaya wala siyang kamalay-malay sa sorpresang naka-abang sa kaniya.

Pagdating sa kanilang himpilan, tinanong ni Major Santiago si Nacino kung may naaalala itong nagawang pagkakamali sa trabaho habang iniaabot ang isang envelop na pinabubuksan sa kaniya.


Nang makita ni Nacino ang laman ng envelop, nakita niya ang P100,000 na bigay ng isang hindi nagpakilalang donor.

Labis naman ang galak ni Nacino sa hindi inasahang malaking biyaya na tamang-tama daw at kaniya itong ilalaan sa panganganak ng kaniyang asawa.

"Sa pagpapaanak po ngayon ng misis ko. Buntis po kasi ngayon. Hindi na po mamoroblema sa pagpapaanak," sabi ni Nacino .

Tumanggi namang magpakilala ng donor na nagbigay ng P100,000 na humanga lang umano sa ipinakitang malasakit ni Nacino sa estudyante.

Labis din na natutuwa si Maj. Santiago sa ginawa ng kanyang tauhan at hiling nya na sana ay madami pa ang maging katulad ni Nacino sa kanilang hanay.




"Imbis na itago na lang niya 'yung sariling pera niya sa mga anak, asawa niya, itinulong pa niya sa estudyanteng mas nangangailangan ng tulong," ani Maj. Santiago.


"Proud ako sayo, talaga, sana dumami ka pa," dagdag pa nito.