Dahil sa pusa, lihim ni mister nahuli ni misis - The Daily Sentry


Dahil sa pusa, lihim ni mister nahuli ni misis



Walang sikretong hindi nabubunyag.” Yan ang kasabihan na alam nating lahat.
Photo credit: Bow Kanungnuch

Sabi nila kapag may asawa kana, dapat ay maging open kayo sa isa’t isa at huwag magtatago ng sikreto. Dahil ang tiwala ay isa sa mga sangkap upang maging matatag ang inyong pagsasama.

Katulad na lamang ng kwento ng isang misis mula sa bansang Thailand kung saan nabuko nito ang lihim ng kanyang mister dahil sa kanilang alagang pusa.

Sa Facebook post ni Bow Kanungnuch, ikinuwento nito kung papaano niya nakita ang isang kahon na puno ng pera. Aniya, tumalon raw ang kanilang pusa sa taas ng kabinet at biglang naitulak ang kahon.

Pagbagsak raw ng kahon ay nagkalat ang mga pera sa kanilang sahig. 

Kwento pa ni Bow, noong una ay nagtangka siyang humingi ng pera sa kanyang asawa dahil may bibilhin siya ngunit tinanggihan siya nito at sinabing wala na itong pera.

Sa larawan ay makikita ang isang kahon at mga perang nakakalat sa sahig. 
 Photo credit: Bow Kanungnuch
Photo credit: Bow Kanungnuch

Dahil sa pangyayaring ito ay wala ng ligtas ang asawa ni Bow sa pagtatago ng pera.

Kwento ni Bow, imbes na magalit sa asawa ay napatawa na lamang ito. 

Talaga nga namang hindi maitatago ninoman ang kanilang sikreto dahil tila gumagawa ito ng sariling paraan upang maibunyag.


***
Source: NationsPress