Delivery riders na biktima ng "Fake Booking", tinutulungan ng grupo ng mga concerned netizens - The Daily Sentry


Delivery riders na biktima ng "Fake Booking", tinutulungan ng grupo ng mga concerned netizens



Photos courtesy of CNN Ph and Facebook @OrderHero Official page



Dahil sa Krisis na dinadanas ng ating bansa maging ng buong mundo dahil sa pandemyang coronavirus, marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas na kahirapan.

Marami din sa ating mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at kabuhayan na tanging inaasahan ng kani-kanilang mga pamilya.


Bawat isa sa atin ay nakararanas ng kahirapan sa gitna ng pandemya. Ngunit hindi ito naging hadlang para sa iba na mas magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.*

Bukod sa mga donation drive, feeding programs, may mga indibidwal rin na nagmagandang loob para sa kanilang mga komunidad at kahit sa mga taong hindi nila kilala.

Gaya na lamang ng ilan na piniling tumulong sa mga taong nasa kalsada, mga taong walang sariling tahanan, at mga batang pagala-gala lamang sa lansangan. Ang iba naman ay piniling tumulong sa mga frontliners gaya ng pamimigay ng mga PPE, foodpacks o maging libreng sakay para sa mga pauwi o papasok na mga kababayan nating frontliners.

May ilang grupo naman na pinili ang social media upang iparating ang kanilang mga pagtulong gaya na lamang ng ilang mga Facebook page na nagsasagawa ng mga donation drive para sa ating mga kapwa na hikahos sa buhay.

Mayroon namang isang grupo na nagtayo ng Facebook group, na tinawag na ORDER HERO na kung saan, ay kanilang tinutulungan ang mga delivery service riders na nabibiktima ng “Fake Booking” mula sa mga nagpapanggap na mga customers na oorder ng mga pagkain sa mga delivery service riders na pagkatapos maiorder ng mga riders ay biglang maglalaho na lamang ang mga customer na ito.


Tila parang napagsakluban ng langit at lupa ang mga riders na nabibiktima ng ganitong panloloko.  *

Bukod sa nakakapagod ang bumyahe dahil sa traffic at nakabilad pa ito sa araw, tanging ang perang puhunan na pinambili ng order ay gagamitin na sana ng kani-kanilang pamilya ay nai-scam pa!

Sa Facebook group na “Order Hero”, ipino-post dito ng mga riders ang mga na-cancel na orders mula sa kanilang mga customers. Saka naman bibilhin ng sinumang malapit sa lokasyon ng rider.

Layunin ng Order Hero Gusto na mapangalagaan ang kapakanan ng mga food delivery service riders gaya ng Grab food, Food Panda, LalaMove at Angkas na hanapan sila ng bagong customers para sa maga nacancelled nilang orders.

Sa ganitong paraan maiiwasan ng mga delivery riders na magabono mula sa kanilang mga sariling bulsa at para maiwasan din na sila'y mawalan ng hanap buhay.

Kwento ng ilang riders, may mga customers na may magandang kalooban at sumasalo ng kanilang order at minsan pa nga ang iba ay pinapasobrahan pa ang kanilang order at ibibigay ito sa mga delivery service riders na naghatid ng pagkain sa kanila.

Samantalang ang ibang customers naman ay hindi na kinukuha ang sukli at ibinibigay na lang ito sa riders bukod pa sa tip na natatanggap.


Sana ay palaging buhay ang diwa ng bayanihan sa puso ng bawat isa sa atin na handang tumulong sa ating kapwa kahit may krisis man o wala, at palaging isipin ang pagmamalasakit sa ating kapwa.