May dalang ayuda! Alagang pusa ng isang netizen, nag-uwi ng isang libo - The Daily Sentry


May dalang ayuda! Alagang pusa ng isang netizen, nag-uwi ng isang libo




Photos courtesy of Facebook @April Jean



Nakakatuwa ang may alagang pets sa bahay, lalo na kung ang mga ito ay bibo at cute na cute. Talaga namang nakakapawi ng pagod at stress. 


Nariyan yung sasalubong sila pagdating natin galing sa labas o di kaya ay mula sa trabaho, papaliguan ka ng halik at minsan pa nga ay magpapakarga pa sa atin. *



Sabi nga sa mga pag-aaral, ang pag-aalaga ng pets ay nakakabawas ng stress hormone at nagbibigay sa atin ng comfort at sense of responsibility na din lalo na sa mga chikiting.


Iba't ibang saya ang hatid sa atin ng ating mga furbabies. Isa na nga rito ang kwento na ibinahagi ng isang netizen na si Ms. April Jean sa isang post sa Facebook group na Cats and Kittens Philippines kung saan ang alaga nyang pusa na si Kenzue ay nag-uwi ng isang libong piso.


Noong una ang akala nya ay kung anong basura lamang ang dala dala ng makulit at bibo nyang si Kenzie. Ngunit laking gulat ng cat mom na ito na may bitbit na P1k ang kaniyang alagang pusa.


Ayon kay April Jean, nakita niyang may bagay sa bibig ng kaniyang alaga at dahan dahang papalapit sa kanya at iniabot na nga ito kay April Jean.  *



Photos courtesy of Facebook @April Jean



Agad napasigaw si April Jean ng makita nya ang alaga na may bitbit na pera, ‘Hoy, Kenzie saan mo ninakaw ‘to?'” kwento ni April Jean.


Dali dali nyang tinanong ang mga kasamahan sa bahay kung nawawalan ba sila ng isang libo maging ang mga kapit bahay ay tinanong na din nya.


Mabuti na lamang at walang nagsabi na nawawalan nga sila ng pera. Dagdag pa niya nakatago sa vault ang kanyang pera kaya imposibleng sa kanya ito galing.


 Madaming netizens ang natuwa at nag komento sa alaga nyang si Kenzie, nais din umano nila ng alaga na kagaya ng kanyang furbaby, narito ang ilan: 



"Wow naman if Hindi po yan sa inyo lang din malamang naghanapbuhay muna si Muning! haha Galing2! Kawawa lang sa nawalan. hehe."  Pabiro namang sabi ng isang netizen. *


Photos courtesy of Facebook @April Jean



"Same to our Dog si Kiray 2k HAHAHAHA kusot na kusot yung pera may pambili na daw ng dog food and treats." pahayag naman ng netizen na si Ana.


"Mukhang napaaga nabigyan ng pamasko..Wow sana all!" ayon naman sa netizen na si Abegail.


Sabi pa ng isang netizen, "Sana all may pusa nag dadala ng ayuda haha.."


"Nag save sya ng pera this pandemic, pang vacation daw saka pambili ng tuna!" pabiro namang sabi ng isang netizen.



Sabi din sa pag-aaral, may mga ugali talaga ang ating mga pets, kung saan ay nagdadala sila ng simple tokens o gift para sa kanilang mga masters. Maaring ito ay napupulot sa daan gaya ng dahon, maliit na kahoy at minsan pa nga ay mga nahuhuli nilang mga insekto o di kaya ay daga. *


Photos courtesy of Facebook @April Jean