Isang aso hinangaan ng netizens matapos nitong humingi ng tulong para sa isang sanggol - The Daily Sentry


Isang aso hinangaan ng netizens matapos nitong humingi ng tulong para sa isang sanggol




Larawan mula sa Facebook ng Sibonga Police Station





Mabuti pa ang isang asong gala sa bayan ng Magcagong, Sibonga, Southern Cebu, nakuhang pang humingi nito ng saklolo sa ibang tao upang sagipin ang isang sanggol na di umano'y bagong panganak na itinapn sa isang dump site sa nasabing lugar. At sa tulong ng isang motorcycle rider na saktong dumadaan sa lugar ang nakapansin sa kakaibang kinikilos ng aso. *


Ayon sa balita, na ibinahagi sa the Freeman post, binabagtas ni Junrell Fuentes Revilla ang kahabaan ng barangay Magkagong gamit ang kanyang motorsiklo bandang 11 a.m, nitong disperas ng Pasko, Disyembre 24.



Napansin ni Junrell na may isang asong kalye ang sumusunod sa kanya at tila balisa at hindi mapakali, panay ang tahol at tila nais nitong kunin ang pansin ni Junrell.


Kaya naman huminto siya upang sundan ang aso na naglakad papunta sa direksyon ng isang madamong lugar malapit sa dumpsite, at laking gulat niya ng makita nya ang isang sanggol na lalaki na nakabalot pa sa isang brown na tuwalya.


Ayon kay Junrell, masasabing bagong panganak lamang ang sanggol na ito dahil naka kabit pa ang kanyang umbilical cord at bahagi ng placenta na nakalagay sa isang plastic bag. *


Agad na dinala ni Junrell ang sanggol sa malapit na ospital upang malapatan ng karampatang pangangalaga. Ipinaalam naman ng staff ng nasabing ospital ang insidenteng ito sa pulisya sa pamumuno ni Police Master Sergeant Venus Tampos of the Sibonga Police Women and Children Protection Desk.


Nagsagawa naman ng occular inspection ang Sibonga Police sa pangunguna ni ACOP PMAJ Jomar Anoba Medil at maka kalap din ng iba pang impormasyon sa nasabing lugar.*


Sa kasalukuyan, ang sanggol nasa ligtas ng kalagayan at nasa pangangalaga na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).  


Pinaghahanap na sa ngayon ng mga otoridad ang posibleng ina ng sanggol upang puntahan ang kanyang anak at maging responsableng ina sa kanyang anak.


Nananawagan din ang pulisya sa mamamayan ng Sibonga na ipaalam sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon tungkol sa ina ng bata o kung mayroon mang bagong panganak na ina sa kanilang lugar. 


Photos courtesy of Sibonga Police Station



Dagdag pa ni PMSgt. Tampos, kamakailan lamang ay nagsagawa sila ng house to house visit upang magbigay ng kaunting paalala sa mga residente ng Sibonga tungkol sa "teen@ge pregn@ncy" at kung papaano maiiwasan ito.



Samantala, ibinahagi naman ng Sibonga Police ang larawan ng nasabing aso kung saan isa ito sa limang askal na madalas umaaligid sa dump site.*


Salamat na lang sa asong ito kung hindi sa kanyang pagmamalasakit sa paslit ay marahil hindi na ito datnan na buhay at malamang ay kinakain na ng ibang asong gala sa nasabing lugar.


Sari sari naman ang naging reaksyon ng mga netizen hinggil sa pangyayari. Karamihan ay nagpasalamat sa aso samantalang magkahalong inis at awa naman ang naramdaman ng mga netizen hinggil sa ina ng bata. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 


Photos courtesy of the Freeman post



"Ad0pt the baby. Needs a true mother. Pet the hero doggie if it is a stray dog or maybe it is "an angel in disguise."



"How I wish the dog who saved the baby should be recognized and awarded... especially giving him home and care. When we will value the dog's heroic deeds. kanus-pa man. Ngano pangitaun ug tawagan pamang inahan gilabay naman gani na...Aron ilabayg usab. Please take time to take care the dog."


"We never know what the story behind with his mother but God has a reason why He let this child live. l pray for this child to have a loving home and the dog as well."


"I wish I can ad0pt the baby.. it's sad to know some parents doesn't value the precious gift.. not everyone is lucky to have a child and I have lost mine.. I can only wish to have my son back.. but he's already in heaven. That baby needs a mom."  *