"Kailangan ba ganto pa gawin ko para magbayad ng utang?" - Mensahe ni ate sa taong ayaw magbayad ng utang - The Daily Sentry


"Kailangan ba ganto pa gawin ko para magbayad ng utang?" - Mensahe ni ate sa taong ayaw magbayad ng utang



Larawan mula kay alyas Nene

Tila nga naman nakasanayan na ng mga Pilipino ang pagiging mapangutang ng pera na kadalasan ay nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng hidwaan ng magkabilang panig.


Ang iba ay umuutang sa mga kakilala upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya at mayroon ding iba na umuutang para lamang sa kanilang luho.


Ganun pa man, viral sa social media ang ginawang post ng isang netizen na pangalanan nating alyas Nene kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang ginawa upang magbayad na sa kanya ang taong matagal na nitong sinisingil sa kanyang utang.

Larawan mula kay alyas Nene


Ayon kay Alyas Nene, magiisang taon na ang utang sa kanya ng taong hindi nito pinangalanan kung kaya naman panay ang chat niya dito para magbayad na.

Larawan mula kay alyas Nene


Ngunit kahit anong gawing paramdam nito sa mga chat ay hindi nagrereply ang umutang sa kanya kung kaya naman ang ginawa niya ay tinakot niya ito na kukulamin.


"Baka sakali lang pong maisipan mong magbayad. Matatapos na lang yung taon. Pag sinisingil ka di ka na mahagilap." ayon sa chat ni alyas Nene.


Napag-alaman din ni alyas Nene na may mga pagkakataon na nakikita niya ito na panay ang gala at panay ang bisita sa starbucks pero hindi mabayaran ang itong sa kanya.


"Nung nakaraan lang panay gala ka te pa starbucks starbucks ka pa pero yung utang mo di mo maalala tas pag siningil ka galit ka pa." ayon sa chat ni alyas Nene.


Dahil dito ay nagsend si alyas Nene ng isang pulang manika at itim na kandila sa babaeng ayaw magbayad ng utang at tila naging epektibo nga ito para masingil na niya ang halos isang taon na utang sa kanya.


"Sige sige be kita tayo ha wag ganyan babayaran na kita ha tapon mo na yan ha." ayon sa reply ng babaeng may utang.


Basahin sa ibaba ang screenshot ng kanilang paguusap:

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene


Lawaran mula kay Alyas Nene


***