Palaboy at pinagdududahang matanda may tinatago palang talento; Dinagsa ng mga kliyente! - The Daily Sentry


Palaboy at pinagdududahang matanda may tinatago palang talento; Dinagsa ng mga kliyente!



Photo Courtesy| Donn Brian Camus

Minsan ng dahil sa mga nangyayaring panloloko na nababalita at nararanasan ng iilan nating mga kababayan, hindi maiiwasan na tayo’y makakapanghusga at magdududa sa tunay na kakayanan at kahusayan ng taong  hindi naman natin lubos kilala. 

Katulad nalang ng isang nakakamangahang kwento ni Donn Brian Camus, may-ari ng isang convenience store, kung saan nagdadalawang isip siyang paniniwalaan ang angking husay at talento ng isang matanda. 


Kwento niya, nilapitan siya ni Mang Ruben Verches at iprenisinta ang kanyang serbisyo sa pagawa ng mga signages ng mga establisyemento at katunayan siya din umano ang gumawa sa katabi nitong Laundry Shop. 

Sa una ay aminado siyang pinagdududahan niya ang mga sinasabi ng matanda ngunit nang malaman niyang si Mang Ruben ay mag-isa nalang sa buhay, naging palaboy-laboy, at nakatira nalang sa ilalim ng tulay, nakaramdam siya ng awa at binigyan niya ng tsansang gumawa.

Photo Courtesy| Donn Brian Camus

“Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang  at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil.” saad ni Donn

Sobrang natuwa at namangha si Donn sa kinalalabasan ng obra ni Mang Ruben sa kanyang conveinience store, hindi niya inaasahan ang ganda ng kanyang nilikha . 

“Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.” positibo niyang salaysay.

“Salamat Mang Ruben hindi ako nagkamali ng pagtitiwala sayo.” pagpapasalamat niya sa matanda.

Dahil narin sa post na ito ni Donn, dumagsa ang napakaraming mga indibidwal na gustong kuhanin si Mang Ruben para sa kani-kanilang mga signages at mga negosyo.


"Mejo overwhelmed po ako sa mga nag PM na gusto magpagawa sa kanya umasa po kayo na makakarating pls let me know your locations kasi baka hindi kayo maaccommodate agad ni Mang Ruben kung mejo malayo.. salamat sa suporta. I'm thinking nga to extend the help kung mejo complicated ang trabaho we can refer you sa mga signage suppliers na willing magdonate ng 50% of their profit para kay Mang Ruben. Rest assured this is 100% for him. Whatever his past, this guy deserves a second chance!" pagpapaalam ni Donn.

Marami sa mga netizen ang natuwa at namangha kay Mang Ruben at sa kabaitan ni Donn:

Kuya Don.. Nkakatuwa naman po. Thank you for giving him a chance. Kaya mas lalo po kayo bini bless pa kc patuloy kayong nagiging blessing sa iba. Sana po magkaron pa sya ng madaming clients. 😊 - Krystal de los Reyes 

Pare Donn Brian Camus mabuhay ka tunay na pagpapala ka sa iyong kapwa πŸ‘πŸ‘πŸ‘ -  Nimrod Mateo

Pag mag pa repaint ako ng karatula ko tawagan kita - Kiko Ignacio

Ibinahagi din ng isang netizen na si Chaynezz Geronimo Camus ang aktwal na gawa ni Mang Ruben sa pwesto ni Donn. 

"Expectation vs. Reality. Who would thought it will never be the same as expected... Kudos kay Mang Ruben! πŸ˜πŸ‘πŸ‘πŸ‘Š"

Photo Courtesy: Chaynezz Geronimo Camus


Narito ang kanyang buong kwento: 

I'm posting this to help the man!!!

Kudos to Mr. Ruben Verches aka "Mang Ruben"  who commissioned our signages. He is the homeless guy who approached me last week asking kung kailan daw ba dadating yung owner ng tindahan kasi gumagawa daw sya ng signage. 

Sabi ko ako yung may-ari kaya tinanong ko sya saan2 na yung mga nagawan na nya ng signages.

Nakumbinse naman ako kasi yung katabing laundryshop sya daw nag paint ng signage at sa mga paraan na sinabi nya kung paano step by step na paggawa lalu na nung sinabi nyang after ko daw sya bigyan ng print copy may pattern na naka scale daw syang gagawin na ipapaapproved daw muna nya sakin bago nya ipinta.


Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang  at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil. 


Photo Courtesy| Donn Brian Camus

Pero nung nalaman kong palaboy at sa ilalim lang pala ng flyover yung sinasabi nyang pwesto nya tapos yung mga gamit at signage maker box nya at iniipon dw nyang mga kalakal eh kinuha ng mga sweepers mejo nakaramdam ako ng awa kaya parang tulong ko na lang din sa kanya. Pwede ko naman ipabago kung sablay talaga. 

Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.

Nagrequest akong magpapicture sa kanya sabi ko ipopost ko sa FB para magkaroon pa sya ng mga kliyente ako pa lang dw kasi ang 1st client nya this year...

Salamat Mang Ruben hindi ako nagkamali ng pagtitiwala sayo.

PS.

Sa mga FB friends na gusto magpagawa ng painted signage or kahit panaflex signage daw kaya nya rin gawin PM is the Key!

.Location nya is around Bagong ilog Pasig City. 

Let's give the man a chance to make a living and build hope by doing his craft.

#JacobStore

***

Source:  Donn Brian Camus

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!