Isang lolo na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo sa edad 64 anyos - The Daily Sentry


Isang lolo na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo sa edad 64 anyos




Photo courtesy of Jonah Lou Revilla

“It’s never too late to reach for your dreams. Education has no age limit. Dreams are free.” Ito ang mga katagang isinapuso ng 64 years old na tricycle driver mula sa Zamboanga del Sur.


Sa kabila ng edad ni tatay Generito Yosores, hindi ito naging hadlang sa kanya para makamtan ang kanyang inaasam na pangarap. *



Huli man ang lahat, sinikap pa rin ni tatay Generito na makapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSE), major in English mula sa Western Mindanao State University, Molave sa Zamboanga del Sur sa kanyang sariling pagsisikap.


Natutuwa naman ang mga anak ni tatay Generoso, sobrang paghanga at proud sila sa achievement ng kanilang ama.


Kaya naman ibinahagi ng kanyang anak na si Amelyn Dangan Lingcay-Gomez sa kanyang Facebook account, sinabi niyang proud ang buong pamilya nya at ang buong WMSU family sa kanilang tatay Generito kung saan ito nagtapos.


“We’re so grateful and happy for your success. Continue to be a blessing for each and everyone, despite of all your challenges you still chose to follow your dreams and fulfill your purpose in life Indeed.” pahayag ni Amelyn, anak ni Tatay Generito. *



Photo courtesy of Jr. Tem's portrait



Maging ang isa sa kanyang naging propesor na si Alfred Canete ay nagpahayag din ng paghanga sa ipinakitang determinasyon ni tatay Generito na sa kabila ng kanyang edad ay hindi naging hadlang para makapagtapos sa kolehiyo.


Maraming netizen ang humanga sa determinasyon at pagpupursige ng 64 years old na tricycle driver upang matupad ang pangarap na diploma.


Bagaman, may ibang netizen din ang naging taliwas ang pagtanggap sa naging achievement ng matanda. May ilang nagsasabi na hindi na ito mapapakinabangan ni tatay dahil matanda na.


May iba pang nagsasabi na hindi na rin niya umano magagamit ang kanyang degree dahil 65 taon lamang ay nagreretiro na ang mga guro mula sa kanilang propesyon.



May ilang netizens din ang nag-react sa ginawa ni tatay Generito at sinasabi pang ‘useless’ na rin ang kanyang pagtatapos dahil wala na rin umano itong mapapasukang trabaho gawa ng kanyang edad.*


Photo courtesy of Jonah Lou Revilla

Ang sagot naman ni tatay tungkol sa mga pumupuna sa kanya, hindi na nya hangad ang makapagtrabaho pa at makapagturo sa paaralan dahil sa kanyang edad. Para sa kanya, hangad nyang tuparin ang matagal na nyang pangarap para sa kanyang sarili, at ito ay ang makapagtapos sa kolehiyo.


“It’s never too late to reach for your dreams. Education has no age limit. Dreams are free.” dagdag pa ng ulirang ama.


Para kay tatay Generito, naniniwala pa rin sya sa kasabihan na ang edukasyon ay isang kayamanan na walang sinuman ang makakapag nakaw nito sa iyo.



Kaya naman kung sa tingin ng ibang tao ay huli na ang lahat para makapagtapos ng pag aaral dahil sa edad, hindi ito naging hadlang sa isang senior citizen at tricycle driver na si tatay Generito. 


At dahil dito, hinangaan si Tatay Generito ng mga netizens at katunayan ay nagviral pa ito sa social media. *


Photo courtesy of Leah Agonoy