Lalaking tumangay ng sasakyan nagbantang isusumbong sa pulis ang ina ng batang naiwan nito sa loob - The Daily Sentry


Lalaking tumangay ng sasakyan nagbantang isusumbong sa pulis ang ina ng batang naiwan nito sa loob




Larawan mula sa KPTV


 


Marahil sa sobrang pagmamadali ng isang ginang upang sumgalit sa isang meat shop para bumili nang mailuluto para sa kanyang pamilya. Hindi nya na naisip na mayroon palang maaring mangyari na hindi kaaya-aya sa knilang mag-ina.

 

Nakakita ng pagkakataon ang mga masasamang loob ng pagkakataon para gawan ng masama ang kanilang kapwa.

 


Nagawang itakbo ng isang carnapper ang sasakyan ng ginang nan aka park sa meat shop. Ngunit maya maya ay bumalik ang dorobo nang makita nitong may sakay syang paslit sa backseat ng nasabing kotse.

 

Nagawang pang pagalitan ng kawatan ng sasakyan ang ina ng bata at may ari ng kotse kanyang tinakbo, dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang anak sa loob ng kotse.

 

Nakuhang pang utasan ng lalaki ang ginang na ibaba ang kanyang anak at nagbanta rin ang carnapper na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, na tatawag sya sa pulis upang isumbong ang ginawang pag iwan nito sa bata sa loob ng saksakyan, bago ito tumakas tangay ang sasakyan ng mag ina.

 

Base sa report ng Oregon Police, sa Oregon, USA  ang may-ari ng nacarnap ng kotse na si ginang Crystal Leary ay sumaglit lamang sa Basics Meat Market para bumili ng ilang kailangan nila nitong January 16, 2021.


Iniwan niya ang apat na taong gulang na anak sa loob ng kotse na umaandar ang makina. Tanaw nyua ang sasakyan dahil nasa 15 feet lang umano ang layo ng kotseng nakapark mula sa meat shop.


Ngunit habang nasa tindahan si ginang Leary ay doon na kinuha ng lalaki ang kanilang kotse.



“As moms we get really busy and we think we’re just running in for a second and this is just a perfect example of just letting our guards down and how terribly it could have ended, so I’m just thankful that he’s OK and it was so stupid and I’ll never do that again, but it’s that split second decision that could just change everything,” pahayag ni Mrs. Crystal Leary sa kanyang interview.


Ayon pa sa Oregon police, hindi naman masama at wala namang nilabag na batas ang ginawa ina ng bata dahi natatanaw naman niya ang sasakyan mula sa loob ng tindahan, pero hindi raw nito dapat iniwang umaandar ang makina.


“What she did was not a cr!me. She was within sight and sound of her child. But she left the car running. So take that extra step, take the keys with you. It’s a good reminder to take extra precautions when we have our little ones with us,” sabi ni Officer Matt Henderson, tagapagsalita ng Beaverton police.

 

Natagpuan ang nasabing kotse ng mag inang  Leary makalipas ang ilang oras, ngunit hindi pa rin nahuhuli ang lalaki.

 


Magsilbing aral nawa sa atin na maging maingat at huwag nating bibigyan ng opurtunidad ang mga may masasamang hangarin na makagawa ng hindi maganda upang hindi tayo mabiktima.