May-ari ng tindahan ng ukay-ukay, may nakakatakot at nakakagimbal na karanasan tungkol sa binenta nitong polo shirt - The Daily Sentry


May-ari ng tindahan ng ukay-ukay, may nakakatakot at nakakagimbal na karanasan tungkol sa binenta nitong polo shirt




Photo courtesy of Google

 

Labis ang pagkahilig nating mga Pinoy pagdating sa ukay ukay.  Kaya naman kahit saan ka mapadpad ay madali kang makakahanap ng nagtitinda ng ukay ukay.

 

Marahil maraming dahilan kung bakit nahuhumaling tayo sa ukay ukay: Una na rito ay ang napakamura talagang halaga nito. Sa halagang P500 ay makakabili ka na ng T-shirt at pantalon. Pangalawa, bukod sa branded ang mga ito ay magaganda at kakaiba pa ang disenyo ng mga ito. *


 

Subalit, sa kabilang banda, may mga bagay din na dapat tayong ikunsidera. Una na dito ay ang pinanggalingan ng ukay ukay at kung sino ang dating nagma may ari ng mga ito at kung ano ang istorya sa likod ng bawat ukay ukay na tinitinda.

 

Isang negosyante ang nagbahagi sa isang Facebook page na Spooktify, ng kanyang nakakakilabot ng karanasan tungkol sa pagtitinda ng mga ukay ukay na damit.

 

Ayon sa sender na si Lez, taong 2019 ng magsimulang magtinda ng ukay ukay si Lez. Isang gabi habang nagla live selling sya, at inaalok nya sa kanyang mga online buyers ang pulang polo shirt.

 

Napansin nya sa kanyang mamimili ang isang cute na bata na nasa likuran nya. Agad daw huminto sandal si Lez upang hanapin ang batang sinasabi ng mga nagcocomment sa kanyang live selling. *


 

Photo courtesy of Google


Inikot nya ang buong bahay at baka naman may batang nakapasok sa kanyang bahay dahil alam naman nyang sarado ang pinto.

 

Ngunit wala naman itong nakitang bata o kahit ano pa man. Kaya bumalik na sya sa sala at ipinagpatuloy ang kanyang live selling at ayun na nga, may nagcomment na ng “mine” sa pulang polo shirt na hawak nya kanina.

 

Kanya ng ipinadala ang pulang polo shirt sa buyer nito at makalipas ang tatlong araw ay binalikan sya ng buyer at nagrereklamo dahil iba raw ang kanyang ipinadala dito.


Hindi naman naniniwala si Lez sa buyer ngunit ng magpadala ito ng larawan ng item sa kanya, sinabi nya na wala syang ganung tinda. Ngunit ayaw na lang makipagtalo ni Lez sa kanyang customer at humingi na lamang sya ng pasensya. *


Photo courtesy of Amazon


Nung gabing iyon, habang nakahiga na sya sa kama at nagba browse sa kanyang cellphone, kinuha nya ang kanyang kumot at itataklukbong nya sana ito. Ngunit lang gulat nya nang makita nyang hindi kumot ang kanyang nahawakan kundi ang nawawalang pulang polo shirt.

 

Sa sobrang takot nya, agad nya itong hinagis sa labas ng kanyang kwarto at agad nilock ang pinto. Bumalik muli si Lez sa kama para humiga at hindi na nya pinatay ang ilaw.

 

Nang makalipas na ang isang oras, makakatulog n asana si Lez, nang may biglang kumatok sa kanyang pinto. At sa takot nya, nakuha pa nyang silipin sa ibaba ng pinto kung sino ang kumakatok.

 

Nagkataon naman na walang kasama si Lez sa bahay. At nang makita nya sa siwang ng pinto, Nakita nya yung pulang damit na parang nagsasayaw, tila parang nililipad ng hangin naaaninag nya yung anino at dulo ng damit. Kaya buong lakas ng loob nyang binuksan ang pinto. *


 

Photo courtesy of Pinterest



Pagka bukas nya ng pinto, bumungad sa kanya yung bata na tinutukoy ng mga customer sa live selling, suot ang pulang polo shirt.

 

Nagsalita ang bata, at tinanong si Lez kung bakit daw nya bine benta yung damit nyang polo shirt, samantalang bigay daw ito sa kanya ng nanay niya noong birthday niya at mismong araw din na naaksidente siya.

 

Biglang nawalang ng malay si Lez, at nang magising siya ay umaga na. Nasa harap pa rin siya ng pinto kung saan ay dun na rin siya nakatulog.

 

Nakita niya yung polo shirt at ito ay naging puti na. Muling nanindig ang mga balahibo ni Lez. Napaisip siya na baka patay na ang may ari ng polo shirt at marahil puro dugo ang polo shirt dahil nga naaksidente ang bata.


 

Naisipan ni Lez na ilagay na lamang sa isang kahon ang polo shirt at kanya itong pinag dasal at inilibing ng maayos bilang respeto sa dating may ari.

 

Matapos ang makapanindig balahibong karanasan na iyon. Tumigil na sa pagtitinda ng ukay ukay si Lez, dahil hindi daw nya alam kung saan nanggagaling ang mga damit na iyon at kung anong kababalaghan ang nakabalot dito. Lumipat na din ng apartment si Lez. *