Proposal gone wrong; isang dalaga nahulog mula sa 650 talampakan na bangin pagkasagot nito ng "Yes!", lalaki hulog rin matapos subukang iligas ang GF - The Daily Sentry


Proposal gone wrong; isang dalaga nahulog mula sa 650 talampakan na bangin pagkasagot nito ng "Yes!", lalaki hulog rin matapos subukang iligas ang GF



Larawan mula sa Buzzooks 




Nagsimula ang lahat sa isang ordinaryong araw kung saan nag hiking ang mag kasintahan at umakyat sa tuktok ng Falkert sa Carinthia, Austria na parehong humantong sa ospital.


Sa pagamutan ang bagsak ng dalawa matapos ang epic fail na proposal ng kasal ng nobyo ng babae dahil nahulog sila sa bangin.



Ang imbes na masayang pagdiriwang, napalitan ng sakit dahil sa nangyari sa magkasintahan.


Ayon sa mga awtoridad na nagligtas sa dalawa, nakita ng mga nakasaksi na nang umabot ang mga ito sa tuktok, agad na nagpropose ang lalaki sa kasintahan nito. Ngunit sa sobrang tuwa at pag sagot naman  ng "Yes!", nadulas ang babae at nahulog sa  halos 650 feet na taas.


Samantala, matapos mahulog ng babae, sinubukan itong iligtas ng kasintahan ngunit huli na. Naiwan namang nakabitin ng 50 talampakan ang lalaki mula sa lupa.


Matinding epic fail talagang ang nangyaring ito sa magkasintahang ito. Mabuti na lang din at makapal umano ang snow kaya kahit paano ay naiwasan ang impact ng pagbagsak ng babae sa lapag.



Bagaman nasaktan siya sa aksidente, ang 32-taong-gulang na babae ay wala naman sa kritikal na kundisyon sa kabila nang pagkakahulog nito mula sa mataas na lugar.*


Larawan mula sa Dailymail UK




Hindi na kinilala ang magkasintahan para sa pang-pribadong kadahilanan ngunit ang babae ay sinasabing nagmula sa St Pölten habang ang kanyang 27-taong-gulang na fiancé ay mula naman sa Carinthia.


Sinabi pa ng mga lokal na awtoridad na maswerte talaga ang babae dahil mabato umano ang nasabing lugar na kanyang pinagbagsakan.


At dahil nga sa makapal na niyebe, hindi siya napuruhan at malamang ay matutuloy pa rin ang kasalan.



“The two were extremely lucky. He flew 15 meters through the air. The woman fell 200 meters over rocky terrain. Had it not been for snow, it would have turned out very different,” paliwanag pa ng isang pulis.


Photo from World Today News


Mabuti na lang din daw at maraming tao sa lugar kaya agad na nasaklolohan ang dalawa at nadala sa ospital at dahil dito, naiwasan ang posibleng mga komplikasyon para sa hypothermia.