Sinulid na ginagamit sa bagong modus ng pagnanakaw laban sa mga motorista muling naglipana - The Daily Sentry


Sinulid na ginagamit sa bagong modus ng pagnanakaw laban sa mga motorista muling naglipana



 

Photos from Facebook @Jeffrey Rose and Scarlett Allison


Hindi na bago sa ating mga kababayan ang iba't ibang uri ng pag sasamantala ng mga taong walang mabuting hangarin sa kanilang kapwa.


Sa halip na maghanap buhay ng maayos upang kumita at mabuhay ng marangal ay mas pinipili pa ng mga taong ganito ang makapan linlang at maka panakit ng ibang tao.  *



Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa dulot ng pandemya, ang bawat isa sa atin ay nagsisikap at nagbabanat ng buto upang may maipakain sa ating mga mahal sa buhay na naghihintay sa atin sa bahay tuwing tayo ay uuwi.


Ngunit paano na lamang sa di inaanaasahang pagkakataon ay isa sa atin ang di mapalad na maka tiempo ng ganitong uri ng sakuna na dahil lamang sa masamang balak ng iba ay mapeperwisyo tayo maging ang ating mga mahal sa buhay.


Gaya na lamang sa ibinahagi ng isang netizen na si Scarlett Allison at ng kanyang asawa, nito lamang pagkapasok ng bagong taon, January 1, habang binabaybay nila ang kahabaan ng Las Piñas.


Bandang 8:35 ng gabi sa may 7-11 bago mag munisipyo ng Las Piñas, sakay ng kanilang motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa.  *



Photo courtesy of Facebook @Scarlett Allison



Laking gulat ng kanyang mister at nagpagewang gewang ang kanilang takbo. Mabuti na lamang ay hindi sila natumba at wala rin silang kasunod sa kanilang likod na mabilis na sasakyan dahil kung nagkataon ay mapapahamak silang mag asawa.


Akala lamang ni Scarlet noong una ay napuwing lang ang asawa nya. Ngunit laking gulat niya ng may nakita syang laslas sa leeg nito at may sumabit na mahabang sinulid. 


Kanilang napag-alaman na ang sinulid na ito ay maaaring inilagay ito para ipangharang ng mga nagbabalak na gumawa ng masama sa mga motoristang dumadaan upang kanilang mabiktima.


Ibinahagi ng netizen na ito sa social media upang magsilbing babala ito sa ating mga kababayan lalo sa mga nagagawi sa nasabing lugar.



Ayon sa kanyang post, isinalaysay nya ang pangyayari at makikita rin ang ilang larawan ng kanyang asawa na nagtamo ng sugat mula sa sinulid na sumabit sa leeg nito.  *




Photo courtesy of Wikipedia




“Around 8:35 sa Las Piñas sa may 7-11 banda bago mag munisipyo ng Las Piñas, biglang napamura asawa ko at nag-wiggle kami. Buti na lang wala kami kasunod sa likod na mabilis na sasakyan. Akala ko napuwing lang asawa ko. Laking gulat ko may laslas leeg at may sinulid na mahaba. ‘Di ko alam purpose mo pero alam kong balak mo kami agawan ng motor.”



Labis ang galit na naramdaman ni Scarlett dahil sa pangyayari. Mabuti na lamang at ginabayan pa din sila ng may kapal at walang malubhang nangyari sa kanilang mag asawa.


“Sana ‘di ka patulugin ng konsensya mo. Buhay ka pa pero sinusunog na kaluluwa mo sa impiy*rno.” Dagdag pa ni Scarlett.



Sa kabila nito nagpapasalamat pa rin ang mag asawa sa pagliligtas sa kanila ng Panginoon mula sa aksidenteng naka abang dahil sa insidenteng ito. *


Photo courtesy of Facebook @Scarlett Allison



"STILL THANK YOU LORD KASI DI MO KAMI PINABAYAAN" pahayag pa ni Scarlett Allison sa kanyang Facebook post.


Hindi na rin bago ang ganitong modus, dahil noong Hulyo taong 2020, may kaparehang modus din ang ibinahagi sa social media. Nangyari rin ang insidente bandang ala-sais ng gabi sa may junction ng Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.


Ayon sa post ng netizen na si Czarah Mae Cruz, “Riders, please mag-ingat kayo pag dumadaan kayo sa Junction. May sinulid sa gitna ng kalsada na parang pang saranggola pero di mo makikita kasi kulay puti. Modus daw po ito na pag nasemplang ang rider nanakawan or mas malala kukuhanin yung motor,”.



At maging sa bahagi ng Maynila kung saan ay binabagtas naman ng rider na ito ang Delpan Bridge, bigla na lamang naramdam ng rider na ito ang sugat sa kanyang mukha at muntik pang mataaman ang kanyang mata at mabuti na lamang at naka helmet ang rider. *





Photo from Facebook @Jeffrey Rose


"Habang binabagtas nyo po ang kahabaan ng Delpan Bridge. Bigla na lamang kayong masusugatan sa patibong ng sinulid,(itatali ang kabilang dulo ng sinulid sa gitnang poste ng delpan bridge, at hahawakan naman ng Demonyong Holdapper yung kabilang dulo). Kapag nakita nyang may dadaan na motor, agad nyang hihilahin ung kabilang dulo, dahilan para ma-trap, at bumagsak ang rider. Dito na sya tetyempo at hoholdapin nya na ang rider." ani ng concerned netizen.



Kaya't magingat at maging alerto po ang bawat isa. Maging babala nawa ito sa ating mga riders at ibang mga motorista na maging alerto sa kanilang dinadaanan.




Dahil naglipana po ang mga modus ng mga taong walang awa na  mangbiktima ng kanilang kapwa na naghahanap buhay ng maayos at patas na namumuhay.



Kapag maka-encounter po kayo ng ganitong modus, agad nyo pong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na Barangay o Police Station upang agarang maaksyunan at matigil na ang ganitong kasamaan. *


Photos from Facebook @Jeffrey Rose