Dating OFW nagpalabuy-laboy na lamang, umuwing wala na ang mga kaanak at naipundar na bahay - The Daily Sentry


Dating OFW nagpalabuy-laboy na lamang, umuwing wala na ang mga kaanak at naipundar na bahay



Photos courtesy of Twitter @noellemae


Hindi matatawaran ang pagmamamahal nating mga Pilipino pagdating sa ating mga mahal sa buhay. Palaging prayoridad ng ating mga magulang tayo na mga anak nila at iba pang mahal sa buhay.


Lahat ay ating gagawin para mabigyan lamang ang ating mga mahal sa buhay ng magandang buhay at mapaghandaan ang kanilang kinabukasan. *



Palagi nating iniisip ang mabigyan sila ng kanilang mga pangangailangan at maipakita sa kanila kung gaano natin sila kamahal, maging sa materyal na bagay man at iba pang pangangailan para sa kanilang kinabukasan.


Kaya naman handa tayong makipag-sapalaran sa ibang bansa upang makakita ng magandang oportunidad na kumita kahit pa mawalay ng pansamantala sa ating mga mahal sa buhay.


Kilala tayong mga Pinoy sa buong mundo bilang mga Overseas Filipino Worker o mas kilala bilang OFW sa buong mundo na masisipag at di matatawaran ang dedikasyon, polido at may malasakit sa trabaho.


Madalas tayong makabalita ng sari-saring kwento ng pakikipagsapalaran mula sa ating mga makabagong bayani na mga OFW madalas sa kanila ay mga kwento ng tagumpay na nakaka-inspire ngunit ang iba naman ay hindi naging kasing swerte ng iba. *



Photos courtesy of Twitter @noellemae

Isa na dito ang kwento ng isang matandang lalaki na nakilala ng netizen at uploader na nakilala nila sa isang sikat na mall sa Las Pinas na si ginoong Romeo Ordaz.


Ayon sa post ng netizen, isang dating OFW si tatay Romeo at matagal ding nagtrabaho bilang isang engineer sa Riyadh, Saudi Arabia.


At nitong 2011 ay napagpasyahan ni tatay Romeo na umuwi ng Pinas at sorpresahin ang kanyang pamilya.


Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay si tatay Romeo at nasorpresa dahil pagdating nya sa Pilipinas ay hindi na nya nadatnan ang kanyang pamilya at wala na rin ang naipundar nyang bahay mula sa pagtatrabaho ng matagal sa Riyadh.



Walang makapagsabi kung nasaan na ang kanyang pamilya, kaya naman nagpalaboy laboy na lang si tatay Romeo at patuloy na hinahanap ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang upang doon na lamang manirahan. *


Photos courtesy of Twitter @noellemae