Magkapatid na namamalimos habang nakasuot ng plastic, dinurog ang puso ng mga netizens - The Daily Sentry


Magkapatid na namamalimos habang nakasuot ng plastic, dinurog ang puso ng mga netizens



Dahil sa hirap ng buhay, normal na sa atin ang makakita ng mga batang palaboy at namamalimos sa kalye. Gusto man natin silang tulungan ngunit maging tayo ay hirap at kapos rin sa pang araw-araw.
Photo credit: Pearl Jhene David

Kaya minsan ay dinadaan-daanan lang sila ng mga tao dahil hindi naman nila alam kung ano ang tunay na storya ng kanilang buhay.

Sa Facebook post ng netizen na si Pearl Jhene David, ibinahagi nito ang larawan ng dalawang batang lalaki na nadaanan niya sa overpass ng SM/ROBINSONS Starmills, San Fernando Pampanga.

Ayon kay Pearl, magkapatid ang dalawang bata at kinilala na sina Aldin at Santino.
Photo credit: Pearl Jhene David

Kwento ni Pearl, namamalimos umano ang dalawang bata upang may ipambili sila ng gamot sa karamdamang ng mas nakababatang lalaki.

May sakit umano sa bato si Santino.

Ayon kay Aldin, naisip nilang mamalimos ng pera habang hinihintay ang kanilang ina na nangangalakal.
Photo credit: Pearl Jhene David

"Wala po kasi si mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi."

Tila dinurog ang puso ni Pearl sa kanyang nasaksihan matapos malamang nilalagnat pa ang mga ito. Nanginginig sa sobrang ginaw habang natutulog ng mahimbing sa malamig na hagdan.

Sa ngayon ay burado na ang mismong post ni Pearl, ngunit ayon sa article ng website na “NoypiAko”, nagbigay ng tulong ang netizen sa magkapatid at ibinigay rin niya ang kanyang contact number nang sa gayon ay kung sakaling makahanap siya ng paraan para matulungan sila ay madali niya itong maipapaabot.
Photo credit: Pearl Jhene David

Maraming mga netizens ang naawa sa sitwasyon ng magkapatid at ang hiling nila ay sana raw matulungan ang mga ito ni Idol Raffy Tulfo.

Samantala, sa bagong post ni Pearl ay sinabi nitong nagkausap na sina Nanay Arlyn Ortega, (nanay nina Aldin at Santino) at staff ni sir Raffy. 

Ayaw po nila na iparating pa ito kay sir Raffy Tulfo, dahil takot po sila na baka DAW po sila ay matanggal sa 4PS.” 

Nagpapasalamat naman si Nanay Arlyn at ang kanyang asawa sa lahat ng mga taong tumulong sa kanila.

Ayon kay Pearl, gusto talaga niyang matulungan ni Raffy ang pamilya ng dalawang bata, ngunit “naki usap po sila Nanay Arlyn na wag daw po iparating kay Sir Raffy.”

Kinausap na rin umano ni Pearl ang kanyang kaibigan patungkol naman sa magiging check-up ni Santino.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

UPDATE : Nakapag usap na po si Nanay Arlyn Ortega at Staff ni Sir Raffy na si Ma'am Helen Villa . Ayaw po nila na iparating pa ito kay sir Raffy Tulfo, dahil takot po sila na baka DAW po sila ay matanggal sa 4PS.

Pinapasabi nalang po ni Nanay Arlyn at ng kanyang Asawa at mga anak na, maraming salamat po sa lahat ng tumulong sakanila. 

Kung ako lang po yung magdedesisyon, gustong-gusto ko po na maka abot ito kay Sir Raffy Tulfo, ngunit naki usap po sila Nanay Arlyn na wag daw po iparating kay Sir Raffy.

Sapat na daw po yung mga BIGAY NATING TULONG SAKANILA. Malaking pasasalamat daw po ni nanay na natulungan natin sila. 

About po sa check-up ni Baby Santino at Tatay. Humihingi na din po ako ng tulong sa CO-WORKMATE ko, para makahingi po kami ng tulong sa TITA nya na mapacheck-up sila. 

Update ko nalang po kayo ulit kapag na i abot na po namin yung mga tulong financial nyo. 

(Upload ko po ulit dito sa facebook) Sa mga nagtatanong po ng exact location kung san ko sila nakita sa OVERPASS po sa SM CITY PAMPANGA (CITY OF SAN FERNANDO) Across to ROBINSONS STARMILLS (CITY OF SAN FERNANDO PAMPANGA)

At para naman po sa mga nagsasabi jan na "NILOLOKO KO LANG DAW PO KAYO at nang i SCAM ako, at GINAGAMIT KO LANG DAW PO YUNG MGA BATA PARA MAGKALAMAN YUNG GCASH KO" eto lang po masasabi ko sainyo :

HINDI KO PO UGALING MANLOKO NG IBANG TAO, AT HINDI KO HAHAYAANG MASIRA YUNG PANGALAN KO NG DAHIL LANG SA PERA.

MAY SARILING PERA PO AKO, MAY ONLINE BUSINESS AKO, MAY BUSINESS AKO SA BAHAY, MAY FAMILY BUSINESS KAMI AT HIGIT SA LAHAT MAY TRABAHO AKO AT MAY KONSENSYA AKONG TAO . 

Kaya yung mga walang ginawa jan kundi HUSGAHAN AKO at PUMUTAK, sana MANAHIMIK NALANG KAYO kung wala man lang din kayong MAI-AAMBAG at MAITUTULONG ! 

Sa mga NAGTIWALA PO SAKIN AT TUMULONG NA MAKAPAG BIGAY FINANCIAL , MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA , SUPORTA AT TULONG ! Hind ko na po kayo kayang isa-isahin , pero asahan nyo po na makakarating sakanila yung mga tulong nyo. 

MARAMING SALAMAT DIN PO SA LAHAT NG NAG COMMENT AND SHARE kung hindi po dahil sainyo, hindi po ito makakaabot sa Staff ni Sir raffy.

Again , Thank you po sa lahat ng tulong at suporta. Stay Safe Always and Godbless us all !"


***