OFW na kinulong ng amo sa loob ng CR, humihingi ng tulong - The Daily Sentry


OFW na kinulong ng amo sa loob ng CR, humihingi ng tulong



Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay napakahirap at delikadong trabaho. Bukod kasi sa malayo ka na sa iyong pamilya, minsan ay malupit pa ang iyong amo.
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW

Samantala, isa nanamang OFW mula sa Saudi Arabia ang humihingi ng tulong dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang amo.

Ikinukulong pa umano ang ating kababayan sa loob ng CR kung saan ay doon siya mismo natutulog.

Nananawagan ang kanyang pamilya na agad siyang matulungan dahil baka kung ano pa ang hindi magandang mangyari rito.
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW

Kinilala ang OFW na si Liza Arquion Lupina mula sa Tandang Sora, Butuan City, Agusan Del Norte. Naninilbihan siya sa isang pamilya sa Najran, Saudi Arabia.

Ayon sa Facebook page na “OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW", sinasaktan raw ng kanyang employer si Liza at pinapatulog sa loob ng CR.
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW

Lahat ng gamit ni Liza ay nasa loob din ng CR at tanging ilang piraso ng ‘carrots’ lamang ang kanyang kinakain. 

Ayon sa mga netizens, mabuti raw ay nakakagamit pa ng cellphone si Liza upang humingi ng tulong at sana raw ay ma-aksyonan na agad ang kanyang sitwasyon.
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW

Wala ng iba pang detalye ang nabanggit sa nasabing post.
Photo credit: OFW JOIN FORCE - Ang Boses at Kakampi Ng Mga OFW

Napakahirap sa mga OFW lalo na sa mga babae ang tumakas at humingi ng tulong sa Saudi. Minsan ay mas napapasama o napupunta pa sila sa mas delikadong sitwasyon kapag nagkataong ni-rescue sila ng napapadaang mga sasakyan.

Hindi kasi masasabi kung talagang tutulungan sila o ipapahamak.

Sa ngayon ay wala pang ibang impormasyon sa kalagayan ni Liza.


***