Pinay Nanny nakatanggap ng bagong cellphone at maraming pera mula sa kanyang employer matapos niyang mag resign. - The Daily Sentry


Pinay Nanny nakatanggap ng bagong cellphone at maraming pera mula sa kanyang employer matapos niyang mag resign.



Napakahirap maging isang Overseas Filipino Worker (OFW), bukod sa malayo ka sa iyong pamilya ay kailangan mo ring magtiis lalo na kung ang amo mo ay strikto at matapang. 
Screencap from KMJS

Sabi nga nila, swertihan lang ang pagkakaroon ng mabuti at mabait na employer. 

Samantala, viral sa TikTok ang video ng isang Malaysian employer na labis ang pagkalungkot nang maghiwalay sila ng kanyang kinuhang Pinay nanny.

Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Ismaniza ang video kung saan nasa airport sila ng pinay nanny na si Maria Teresa Campos dahil uuwi na ito ng Pilipinas.
Screencap from KMJS
Screencap from KMJS

Ayon kay Ismaniza, hindi raw si Maria ang first choice nila noong naghahanap sila ng helper taong 2016. Ngunit si Maria lamang ang available sa agency. 

Natatakot raw si Ismaniza dahil baka masama o pangit ang ugali ni Maria.

Ayon kasi sa agency, nagback out raw ang employer na kukuha sana kay Maria noon at kumuha ng ibang helper.

Dahil walang choice ay tinanggap ni Ismaniza si Maria. Ngunit ang kanyang takot at pagdadalawang isip ay napalitan ng saya dahil napatunayan niyang mabait, mapagmahal at masipag si Maria.

Naging strikto pa raw noong una si Ismaniza dahil ayaw niyang i-take advantage siya ng Maria. Ngunit hindi natakot ang Pinay, bagkus mas pinagbuti nito ang kanyang trabaho dahilan upang makuha ang loob at tiwala ng kanyang amo.

Matapos ang limang taon, hindi lang basta helper o nanny ang tingin ni Ismaniza kay Maria. Itinuturing na niya itong kapatid at mabuting ina.

Nang panahon na upang umuwi ng Pilipinas si Maria ay hindi napigilan ni Ismaniza ang mapaluha.
Screencap from KMJS

Dahil sa pagiging mabait ni Maria, hindi hinayaan ni Ismaniza na uuwi itong walang dala. Kaya naman binilhan niya ito ng bagong cellphone, bagong gamit at maraming pera.

Kahit may mga utang si Maria ay hindi na ito pinabayaran ng kanyang amo. Regalo na raw ng kanyang amo ito sa kanya.

Balang araw ay nais n
i Ismaniza na magtungo ang kanyang anak sa Butuan upang muli silang magkita ng kanyang nanny.

“She is perfect. Every day, she changes my son’s clothes. She cleans the house thrice a day."

"She really does a great job of taking care of the kids and the house. I never thought of Maria as my maid or helper. I think of her as part of my family. I don’t want her to leave. But she has to take care of herself and her family too. I gave her all those things because I want her to have a better life
,” sabi ni Ismaniza.

Narito naman ang pahayag ni Maria:

“Sobrang mabigat sa kalooban ‘yung tumalikod ka na, tinatawag ka pa. Na-feel ko talaga ‘yung pagmamahal sa akin ng amo ko.

Bago ako umuwi sa Pilipinas, binigyan ako ng amo ko ng bagong cellphone, bagong mga gamit. Nagbigay pa siya ng cash!
Screencap from KMJS

Hindi ko talaga in-expect na bibigyan nila ako ng ganoon kalaking pera.

‘Yung utang ko sa kanya, tulong na lang daw niya sa akin para mapa-repair ko ‘yung bahay namin dito sa Agusan.

Sobrang nagpapasalamat ako sa kabaitang ipinakita nila sa akin.

Hindi nila ako tini-treat bilang isang katulong. Tinrato nila akong parang pamilya.”

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: KMJS