The Daily Sentry: Relationship
Showing posts with label Relationship. Show all posts
Showing posts with label Relationship. Show all posts

Babaeng dawit sa hiwalayang McCoy at Elisse, nagsalita na: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

12:24 AM





Dawit ngayon sa hiwalang McCoy De Leon at Elisse Joson o mas kilalang “McLisse” couple ang isang babae na nagngangalang Mary Joy Santiago, na iniintriga ng mga netizens na naging “ka-third party” umano ni McCoy. 
 
Binahagi ng Facebook user na si Merrie Lette sa kanyang post ang mga screenshots ng naging pag-uusap daw nila ni Mary Joy.

 
Na-intriga umano si Mary Joy matapos na makita ng mga mapanuring mata ng mga netizens ang ngayo’y burado nang Facebook story ng babae kung saan kasama niya si McCoy.
 
Ayon pa sa chismis ng mga marites, nagkaroon umano ng ibang babae si McCoy kaya napabalitang hiwalay na sila ng partner na si Elisse.
 
Sinabi naman ni Mary Joy, na “hiwalay” na ang McLisse bago sila mag-usap ni McCoy.
 
“Oo kaya nakiki-chismis ka na wala ka naman alam?… Di mo pa siguro na-try i-message kahit isa sa mga sikat or artist. Hehe. Paganda ka muna. And btw, baka sabihin mo din kabit ako e. BREAK NA SILA BAGO KAMI MAG-USAP NI MCCOY, OK?”




 
Sinabi din ni Mary Joy na kahit ang esports player na si Tristan Cabrera o mas kilalang si “Yawi Esports” eh nag me-message din sa kanya.*
 
Walang kumpirmasyon naman na hiwalay na nga sina McCoy at Elisse. Ngunit, kung matatandaan ay nagpost si McCoy noong Disyembre 19 ng kanilang larawan ng anak na si Felize McKenzie.
 
“Lagi mong tatandaan na mahal kita.” Ayon pa sa caption ng post
 
“IKAW lang ang nakaka alam
IKAW lang ang makakaintindi sa akin
IKAW lang ang maasahan ko
IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay
IKAW lang ang lahat lahat ko”

 
“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,”





“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit.” pahayag ni McCoy sa kanyang Instagram post.

Totoo na raw! Hiwalayang Heart Evangelista at Chiz Escudero, kumpirmado na umano

3:26 AM

Larawan mula sa GMA News





Buwan pa lang ng Agosto ng umugong ang balitang hiwalay na ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa mister nitong si senador Chiz Escudero.
 
Noong una ay napansin ng mga netizens na inalis ni Heart ang kanyang apelyido sa kanyang pangalan sa Instagram pati na ang post ng aktres na tila wala na itong suot na wedding ring.

 
At nitong Lunes ay lumabas ang ulat mula sa Fashion Pulis na showbiz website ay kumpirmado na daw na hiwalay na nga ang dalawa, ito ay matapos ang pitong-taon na pagiging mag-asawa.
 
Sinabi din sa nasabing ulat na nagbigay na umano si Heart ng go-signal sa kanyang mga kaibigan at kakilala na kumpirmahin na ang totoong estado ng relasyon kay Chiz.
 
Samantala, hindi binanggit sa balita kung dumadaan na sa legal na proseso ng hiwalayan ang dating mag-asawa.
 
Sa mga naunang ulat ay pinabulaanan ng mga malalapit na kaibigan ni Heart ang balita, gayundin ang ina ng aktres at sinabing okay na okay ang relasyon nina Chiz at Heart. 




 
Pareho lamang daw abala ang dalawa sa kanilang mga trabaho lalo pa’t maraming engagements si Heart sa ibang bansa at mga endorsements.*
 
At magmula nang nagbukas ang 19th Congress ay abala na rin daw si Senator Chiz sa Senado. 
 
Matatandaan na lumabas din ang chismis na tila may third party na involved sa relasyon ng dalawa.
 
Sa isang YouTube vlog episode ng showbiz host at komedyanteng si Ogie Diaz, chinika niya na mayroon daw umano siyang source na nagpakita sa kanya ng larawan ng babae na isa daw abogado.
 
"May nag-send sa akin ng picture 'nung girl. Siyempre hindi naman ako, Ay 'wag kang maingay, siya 'yun.. Aah, may gano'n,"  ani Ogie




 
"Siyempre since pribadong tao yun, hindi para ilabas natin dito. Kasi baka mali 'yung picture 'di ba? Maiskandalo 'yung pamilya. Pero parang ano rin yata 'yun, lawyer din ata yun," dagdag pa ng host
 
Natanong din sa nasabing episode kung maganda ba ang babae na involved daw sa umano’y hiwalayan.

 
"Siguro hindi sila magkamukha. 'Yung magkasing ganda e hindi rin naman sila magkasing ganda. Mayroong sariling ganda 'yung girl, May sarili ring ganda si Heart. So nasa mata naman ng tumitingin 'yun," ayon kay Ogie 

Babaeng pinagtaksilan ng yumaong ex-BF, tatanggap ng P1M insurance money ng ex-BF na nakalimutan syang palitan bilang beneficiary bago ito sumakabilang buhay

2:54 AM


Halos lahat ng mga kababaihan ay walang ibang hangad kundi maikasal at makasama sa pagtanda ang lalaking kanilang pinakamamahal. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay itinadhanang maging ganoon ang kapalaran. 


Para sa isang babae na umaasang malapit na dumating ang araw na kanyang pinakahihintay, kung saan dadalhin sya sa altar ng kanyang lalaking pinakamamahal, wala nang mas sasakit pa sa pagiging engage subalit ilang buwan na lang bago kayo ikasal, ay bigla mong malalaman na pinagtataksilan ka pala ng lalaking inaasam mong makaisang dibdib. 


Ito ang nakakalungkot na sinapit ng isang babae mula sa kanyang yumaong ex-boyfriend na muntik pa umano nyang pakasalan. 


Ang sana’y matamis na pagsasama ay nauwi sa tila isang malaking bangungot para sa pinay na ito dulot ng kanyang masaklap at mapait na karanasan. Subalit makaraan ang isang taon matapos syang iwang luhaan, sumakabilang buhay ang lalaking nanloko sa kanya. 


Pagbabahagi sa social media ng babaeng tumangging mapangalanan, bagong engage pa lamang sila noon ng dati nyang nobyo nang magdesisyon silang sabay na kumuha ng life insurance policy. Ito ang dahilan kaya sila rin ang beneficiary ng isa’t-isa. 


Ngunit anim na buwan bago ang itinakdang araw ng kanilang kasal, nalaman nyang pinagtataksilan raw pala sya ng kanyang lalaking pakakasalan. 


Nagmakaawa umano sya sa kabit ng dati nyang boyfriend na layuan na nito ang lalaking ilang buwan na lang ay kanya nang magiging kabiyak, ngunit hindi sila tumigil. Nagmakaawa rin daw sya sa ex-boyfriend nya ngunit bigo syang mabawi ito mula sa kabit.


Kwento ng dalaga, sinabihan lang raw sya ng lalaki na tigilan na nya sila ng kabit nya dahil hindi na raw nya sya mahal. Kaya naman dalawang buwan umano bago sila ikasal ay tuluyan na syang iniwan ng lalaki na nakarelasyon nya ng limang taon. 


Sa hindi inaasahang pagkakataon, yumao ang lalaki. Ang biglaan nitong pagkawala ay labis raw nyang ikinagulat. 


Nalaman nya ang masamang balita matapos raw syang tawagan ng kapatid ng dati nyang nobyo, kung saan in-inform sya nito na makakatanggap raw sya ng P1,000,000.00 mula sa insurance policy ng kanyang ex. 


Aniya pa sa naturang social media post, ang kabit na ipinalit sa kanya noon ng ex-boyfriend nya ay gusto raw na kunin ang pera sa kanya dahil buntis umano ito at walang trabaho. Subalit wala raw syang balak na ibigay sa babae ang pera. 


Sa panahon ngayon na walang kasiguraduhan ang buhay lalo na’t may pandemya, marami ang nakapagisip-isip at napagtanto kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng ‘life insurance’. 


Salungat sa de@th insurance na syang sasagot sa gastusin sa burol at libing ng yumao, ang life insurance ay magbibigay ng malaking halaga sa naiwang mahal sa buhay ng namayapang tao, o ang tinatawag na mga beneficiary. Bukod pa dito, kapag ang policy owner ay nagkaroon ng malalang sakit, ang life insurance din ay may kakayahang magbigay ng malaking halaga sa kliyente na makakatulong sa kanya sa pagpapagamot. 




Narito ang nasabing post:


We were together for 5 years and just got engaged when we got life insurance policies kaya we were each other's beneficiaries. Then, six months before the wedding, he cheated on me. Pinatawad ko kase nanghihinayang ako sa 5 years and the fact that we were already engaged. Then two months before the wedding, he left me for the girl he cheated on me with.


Halos mabaliw ako. I begged him to come back, I begged the girl to let him go. She was in her early twenties and had her whole life ahead of her. I was in my thirties and felt that my ex was my last chance. Sabi lang ng ex ko tigilan ko na siya kase hindi na niya ako mahal.


That was one year ago. I changed beneficiaries along the way, and I assumed he did too. Until last week, I suddenly got the news that he died. I was shocked because it was so out of the blue. But then I was even more shocked when days later his sister called me and said that I am still the beneficiary of his insurance policy, thus I will get around a million pesos in payout.


His girlfriend, the same girl he cheated on me with, wants me to give her the money because she's pregnant with their child and is unemployed. Honestly? I don't care. I have a million pesos to my name care of my cheating boyfriend. He and this girl destroyed my life and they didn't care about me back then. Why the hell should I care about them now? Buhayin mo anak mo, hindi ko kasalanan na hindi ako pinalitan as beneficiary.


Ogie Diaz, sinabing may nagpakita daw ng larawan sa kanya ng natsi-tsismis na umano'y nabuntis ni Chiz Escudero

3:34 AM
Larawan mula sa GMA at PEP





Buwan pa lang ng Agosto ng umugong ang balitang hiwalay na ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa mister nitong si Chiz Escudero.

 
Noong una ay napansin ng mga netizens na tinanggal ni Heart ang kanyang apelyido sa kanyang pangalan sa Instagram at may mga post din umano ang aktres na wala na siyang suot na wedding ring.


 
At noong nakaraang Thanksgiving Gala Night ng GMA-7 ay may mga nakapansin din na tila malungkot ang aktres at tila wala ito sa mood.

 
Ayon naman sa isang article ng PEP, naitanong na din sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa kung may problema ba ang dalawa sa kanilang relasyon, ngunit agad naman daw itinanggi ito ng mga napagtanungan.



Larawan mula sa Preview Ph


 
Pareho lang daw na abala ang dalawa sa kanilang mga trahabo.

 
Magmula nang nagbukas ang 19th Congress ay abala na raw si Senator Chiz sa Senado, at si Heart naman ay puno na rin daw ang schedule, kaya bihira lang sila nagtatagpo. 

 
Tila napapadalas rin ngayon ang aktres sa Paris, France kung saan ay napabalita na bumili daw ito doon ng sariling apartment. Marami din daw meeting at mga nakatakdang pictorial si Heart.*

 
Okay na okay daw ang mag-asawa kaya naman wala rin maisagot si Heart sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa balitang hiwalay na sila.

 
Samantala, lumabas din ang chismis na tila may third party na involved sa relasyon ng dalawa.

 
Sa isang YouTube vlog episode ng showbiz host at komedyanteng si Ogie Diaz, chinika niya na mayroon daw umano siyang source na nagpakita sa kanya ng larawan ng babae na isa daw abogado.

 
"May nag-send sa akin ng picture 'nung girl. Siyempre hindi naman ako, Ay 'wag kang maingay, siya 'yun.. Aah, may gano'n," ayon pa sa komedyante 

 
"Siyempre since pribadong tao yun, hindi para ilabas natin dito. Kasi baka mali 'yung picture 'di ba? Maiskandalo 'yung pamilya. Pero parang ano rin yata 'yun, lawyer din ata yun," dagdag pa ng host

 
"Kasi ang chika pa, chief of staff 'ata," ayon naman sa kasama niyang host na si Jegs

 
Nang tanungin naman kung maganda ba ang babae, sinabi niyang hindi raw ito kahawig ni Heart.


 
"Siguro hindi sila magkamukha. 'Yung magkasing ganda e hindi rin naman sila magkasing ganda. Mayroong sariling ganda 'yung girl, May sarili ring ganda si Heart. So nasa mata naman ng tumitingin 'yun," ayon kay Ogie

Tila kwento sa isang pelikula: Amo, pinakasalan ang yaya ng kanyang mga anak sa Amerika

1:15 AM
Larawan mula kay Krystle Romano (SWNS) 





Trending ngayon ang love story na mala-pelikula ng isang yaya na nakatuluyan at pinakasalan ng kanyang gwapong boss sa New York.

 
Kahit hindi makasundo ng yayang si Krystle ang kanyang boss na si Ben Romano, na 20 ang taon ang agwat ng edad sa kanya ay nauwi pa rin sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.


 
Si Krystle Romano, 30, mula sa New York, ay nagsimulang magtrabaho bilang isang yaya para sa single father na si Ben Romano, 50, na nagtatrabaho sa isang real estate, noong Oktubre 2014.

 
Inaalagaan ni Krystle ang mga anak ni Ben na sina Francesca na noon ay 14 pa lang, si Juliana na 12 noon, at Salvatore na 10 gulang naman.


Larawan mula kay Krystle Romano (SWNS) 


 
Hindi pa nga daw gusto ni Krystle noong una ang ugali ng kanyang amo na si Ben pero pinili niyang manatili bilang yaya dahil gusto niya ang mga anak nito.

 
Ayon pa kay Krystle, bastos daw at mayabang si Ben at hindi rin siya nito kinakausap. At kung sasabihin man o instructions ay dinadaan nito sa panganay na anak na si Francesa.

 
Ganoon din pala ang pakiramdam ni Ben sa nanny ng mga anak, hindi niya ito gusto at gusto pa nga niyang palitan.*

 
Ani Ben, hindi umano magaling na yaya si Krystle, ngunit dahil mahal ito ng kanyang mga anak, binigyan niya ng pagkakataon.

 
‘The first time I met Krystle she had arrived 12 hours early for her job interview as a nanny as she mistook 7pm for 7am,’  kwento pa ni Ben

 
‘She was not a good nanny – she did the bare minimum, she never cooked homemade meals.


 
‘She would usually turn up at 6.30am looking like she had been at the disco the night before, she wore high heels and short dresses, her hair was a mess.’
Dagdag pa nito


Larawan mula kay Krystle Romano (SWNS) 


 
Makalipas ang tatlong buwan ay nakita ni Krystle ang ibang side ni Ben at ganoon din ito sa kanya.

 
‘I kept my distance but one day she turned up dressed up really nice and I thought: “No Ben, don’t mix business with pleasure,”’ ayon pa kay Ben *

 
Nagbago ang lahat nang dahil sa isang simpleng text na naging mahabang usapan sa gabi.

 
‘I texted him when his kids went to Florida to check they had gotten there safely but the next thing I know we were texting until 4am,’ pag-alala ni Krystle


Kalaunan ay naging magkasintahan ang dalawa. Sa simula ay tinago muna nila ang kanilang relasyon ng apat na buwan na lalo pang lumalim.

 
Dahil kapwa mahal na mahal na nila ang isa’t-isa ay umanin na sila sa mga anak ni Ben.

 
Hindi ito agad natanggap ng mga anak at pamilya ni Ben, dahil na din sa agwat ng kanilang edad.

 
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang na magpropose si Ben kay Krystle sa isang gondola sa Venice, Italy noong July 2016. Agad na kinasal ang magkasintahan ng sumunod na taon.

 
‘At first I was apprehensive because I didn’t want to mess up the household dynamic, but we complement each other so well and she has never done anything wrong in my eyes, she is a solid good person.’ Ayon kay Ben

 
May mga tao din daw na nag-aakusa na isang ‘gold-digger’ si Krystle at pera lang ni Ben ang gusto nito, ngunit tinatawanan nalang nila ito.

Mga netizens nakakaamoy ng hiwalayan: Sunshine Cruz at Macky Mathay, break na daw matapos ang nakakaintrigang post ng aktres

4:03 AM





Malakas ngayon ang ugong na hiwalay na daw ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay at ngayon pa lang ay marami na ang nanghihinayang kung totoo man ang balitang ito.

 
Noong September 22, 2022 nag simula ang chismis nang magpost ang aktres sa kanyag Instagram account tungkol sa kanyang mga “realizations”.


 
“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days.

 
“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best,” ang simulang pagbabahagi ng aktres.





“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

 
“So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang mag reklamo.

 
“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it,”
ayon sa dating misis ng aktor na si Cesar Montano

 
Maliban dito ay nasagap din ng mga matatalas na netizens na nag-unfollow na umano si Sunshine sa Instagram account ni Macky at wala nang bagong post ang aktres tungkol sa kasintahan. *

 
Dahil dito, naghihinala ang mga followers ni Sunshine na may pinagdadaanan ang dalawa sa kanilang relasyon.

Sa post na ito ay nagpaabot naman ng suporta ang pinsan ni Sunshine na si Donna Cruz.

 
“God will work things together for our good, Shine! Love and miss you!
 
“And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose. (Romans 8:28 NKJV).” Ayon sa dating singer-actress


 
Ang kaibigan naman niyang si Ruffa Gutierrez ay nagbigay din ng mensahe para sa celebrity mom.

 
 “Sending you hugs, Shine. Hope .you’re doing okey now” ani Ruffa




 
Ang mga sumunod na post naman ni Sunshine ay tungkol na sa kanyang mga anak kabilang na ang larawan na magkakasama sila ng iba pang mga anak ni Cesar pati na ang bagong karelasyon ng aktor.


Afam, rumesbak para sa kanyang "girl bestfriend", mag-sasampa ng reklamo laban sa asawang Pinay

1:53 AM

Larawan mula sa Facebook post


  

Matatandaan na nag viral ang isang Facebook post ni Jorryme Vodisek nang ibahagi niya ang kinahinatnan ng kanyang relasyon at pinaka asam-asam na kasal sa kanyang foreigner na boyfriend na umano’y inagaw ng “girl bestfriend’ nito.

 

Ayon pa sa post ni Jorryme, imbes na honeymoon nila ng asawang si Ales Vodisek kinagabihan ay busy daw ito sa pag-comfort sa bestfriend nitong si Shaira Mae Bayonas.


 

“Naging girl bestfriend din naman ako pero never po akong umastang asawa,” ani Jorryme

 

“Dream wedding nga nahimong worst nightmare (Dream wedding na naging worst nightmare),” dagdag pa nito



Larawan mula sa Facebook post


 

Kaya naman, nagpaubaya na daw si Jorryme at siya na ang lalayo para sa dalawa.



Larawan mula sa Facebook post


 

“Hi dzaii SHAIRA MAE BOYONAS since blinock mo na ako, dito tayo mag-usap. Wala na akong pakiaalam kung hanggang saan tayo umabot, i will fight for my right. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin, mamamatay ako nang maaga kung hindi ko maipalabas ang nararamdaman ko,”  sey ni Jorryme sa isang post kalakip ang mga screenshots ng usapan nila ni “girl bestfried” *

 

Bakit ganyan kayo ka-walang puso? Hanggang kailang ako mag-aadjust para sa inyong dalawa? ‘Di ba nag-usap na tayo na dumistansya ka na sa kanya? NAG-USAP NA TAYO ‘DI BA? ANONG GINAWA MO, AKO LANG YUNG BLINOCK MO PARA ‘DI NA KITA MAISTORBO. Baliktad na pala ang mundo ngayon? Ang asawa na mismo ang mag-adjust sa BESTFRIEND? Wala na akong pakialam kung mapapahiya tayong lahat. GUSTO MO PALANG SUMIKAT, TUTULUNGAN KO KAYO PARA MAS MADALI. SAYO NA YANG ASAWA KO KUNG GUSTO MO. Magsama kayo dalawa, parehas naman kayo ng utak,” dagdag na litanya ng legal na asawa ng dayuhan



Larawan mula sa Facebook post


 

Matapos ang viral na post na ito ay nagbahagi naman ng kanyang pahayag si Ales sa social media upang linawin ang naging isyu, lalo na ang pag-astang asawa umano ni Shaira Mae.

 

Sa kanyang post ay pinabulaanan ni Ales ang mga sinabi ng Jorryme at aniya, puro kasinungalingan lahat ito.*

 

“This is to clarify to the issue about us. Only one thing i will say. I did not distance myself from jorryme because of Shaira. I distance myself because of other reasons. Everything on Facebook what jorryme is posting is all lies,”  sey pa ng afam



Larawan mula sa Facebook post


 

Pinagtanggol din ni Ales si Shaira at aniya, mabuting tao ito at sana ay tigilan na ang panghuhusga dito.

 

“Also the photos you saw me with Shaira on the wedding day is by a photographer say. So i don’t think there is a problem on it. Shaira is my best women she is my only family there. Stop saying bad comments to Shaira because you don’t know the whole story and definitely you don’t know the truth. Shaira is a good person, so don’t judge her just because of what you saw in facebook,” paliwanag ni Ales


 

Ayon pa sa dayuhan ay may kaukulang legal na aksyon silang gagawin laban sa asawang si Jorryme at sa mga nagpapalakalat ng mga kasinungalingan.

 


Jeric Raval at Aljur nag-usap ng lalaki sa lalaki: 'Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’

3:48 AM



 


Kahit kabi-kabila ang intriga tungkol sa hunk actor na si Aljur Abrenica ay nananatiling tikom ang bibig nito tungkol sa umano’y pag bubuntis ni AJ Raval na napapabalitang kasintahan niya.

 

At kahit matagal na ang chismis ay wala pa ring diretsahang pag-amin si Aljur kung sila na nga ba ni AJ, na anak naman ng beteranong aktor na si Jeric Raval.


 

Sa naging panayam noon ni AJ ay sinabi niyang kung sakali man na maging mag dyowa nga sila ni Aljur ay hindi naman daw niya ito itatago sa publiko.

 

“Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao. Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” ani AJ sa isang panayam sa Vivamax b0mbshell.

 

Tila naman hindi tutol si Jeric na mabuting tao si Aljur pero para sa kanya ay kailangan pa rin niyang paalalahanan ang anak kung sakali man na maging magkarelasyon nga ang dalawa.





 

Sa isang episode ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay kanyang nakapanayam ang beteranong aktor at nabanggit nito na nakausap niya si Aljur noong nakaraang buwan at nagkausap na daw sila.*

 

“Nag-usap na naman kami (ni Aljur) nang lalaki sa lalaki. Sabi ko, ‘Tatlong bagay lang ang hihingin ko sa ‘yo, anak, kung talagang mahal mo yung anak ko. Iayos mo muna yung buhay mo, iayos mo muna yung sarili mo.

 

“’Lahat nasa ayos, lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada yung anak ko. ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’

 

“Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person,” kwento ni Jeric

 

Naitanong din ni Ogie kung totoo nga bang buntis si AJ, ang chismis na di mawala-wala.

 

“Sabi ko nga kay Bats (tawag niya sa anak) bakit kaya hindi mo sagutin? Sabi sa akin, ‘nagsawa na ako sa kasasagot ‘Tay Eric, three months ago, four months ago.’


“Sabi ko asan ka ba ngayon at sabi nga niya nagsu-shooting siya. Nasa Angeles sila ngayon tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva.


 

“Hindi (buntis). E, bakit siya nagsu-shooting? Saka kung buntis, e, di mabuti at least hindi pala siya baog. Ha-hahaha!” sey ng aktor na natawa ng malakas

 

Kung matatandaan ay naging malaking usap-usapan noong nakaraang taon na si AJ daw ang naging third party na naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Kylie at Aljur. Ang balitang ito ay paulit-ulit namang itinanggi ni AJ.  

Isang Briton nagpapadala ng £400 kada buwan sa kasintahang Pinay kahit laban sa kagustuhan ng kanyang pamilya: ' I’m following my heart. It’s my choice'

12:25 AM
 
Si Shaun at Christine (larawan mula sa Discovery+)



Isang lalaking Briton na sumali sa bagong season 90 Day Fiance UK ang nagbahagi ng kanyang kwentong pag-ibig. Inamin niyang nagpapadala siya ng £400 o P27,000 bawat buwan para suportahan ang kanyang Pinay na kasintahan at ang kanyang apat na anak sa Pilipinas, nang labag sa kagustuhan ng kanyang pamilya.


Ang 90 Day Fiance UK ay isang reality series, ang show ay susubaybay sa buhay ng walong tao sa UK na nasa long-distance relationship kung saan ay kabilang ang 41-anyos na si Shaun.


Si Shaun ay may kasintahang 42-anyos na Pilipina na nagngangalang Christine, na nakilala niya online sampung taon na ang nakakaraan.


Si Christine ay residente ng Antipolo dito sa Pilipinas habang si Shaun naman ay nasa Hampshire sa South East England. Ang kanilang relasyon ay nagbunga ng isang anak.


Larawan ni Shaun mula sa Discovery+


Ayon kay Shaun, nagpapadala siya sa kasintahang Pinay ng £400 kada buwan, sa pag-asang makakalipat si Christine sa UK balang araw.


“From all these eight years I’ve been with Christine, I wouldn’t know how much money I would have sent her. But all I know is it’s in the hundreds of thousands. It’s worth every penny,” ayon sa Briton *


“After I’ve sent Christine the money, there’s enough for me to pay my bills at least, and then when I look again, I’ve got about £50-£60 for myself, and that’s more than enough to see me through the month.” Aniya pa


Si Shaun ay nagta-trabaho bilang isang cleaning manager, at sabi pa niya ay nag-iipon din siya para sa kasintahan at para sa gagastusin upang maproseso ang divorce ni Christine sa dating asawa nito.


“I don’t have the money, but I am going to be saving up for it and then we can get married. Yes, they’re still married, but they don’t live with each other. I don’t feel jealous about it, because I know she loves me, and I love her,” kwento ni Shaun


Larawan ng kasintahan ni Shaun na si Christine (mula sa Discovery+)


Samantala, ang pamilya at mga kaibigan umano ni Shaun ay nag-aalala sa sitwasyon nila ni Christine, ngunit aniya wala siyang pakialam dahil mahal niya ito.*


Ani Shaun, kinuwestyon din siya ng kanyang mga magulang kung bakit siya nagpapadala ng pera sa kasintahan.


“When I started sending her money, my parents and all my friends started saying, ‘Why are you sending her money?’ But, to be honest with you, I don’t really care, I’m following my heart. It’s my choice. So, you either be part of me in the circle, or you’re not.”


“Well, one, it’s got nothing to do with you, and two, mind your own business. What the heart wants, the heart gets. Alright? I chose this path for me,” pahayag pa ng Briton


Bago pa daw dumating sa buhay ni Shaun si Christine ay mag-isa lang siya sa buhay at madalas na nakakaramdam ng lungkot sa buhay hanggang sa makilala niya ang babaeng magpapasaya sa kanya.


Dahil sa pagiging masiyahin ni Christine, nahulog si Shaun at sigurado siyang si Christine na ang babaeng hinihintay niya.


‘I like her quirkiness, I like how she acts silly, you know. But it’s just the way she is, she doesn’t care what people think of her. She just goes out and has fun,’ aniya


Ang plano ni Shaun ay makasama niya si Christine sa UK at inaayos na din nila sa kasalukuyan ang kanilang mga papeles upang makalipad na si Christine at makapiling si Shaun.


Sa kasalukuyan ay sa pamamagitan ng video call nag-uusap ang mag-kasintahan at paminsan-minsang umuuwi si Shaun sa Pilipinas para makasama si Christine. 



Ruffa Gutierrez sa umano'y engagement ni Yilmaz: “I don’t know kung pinapaselos lang niya ako or totoong kinasal na siya."

10:48 PM

 


Sa isang episode ng YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo nitong July 14, 2022 ay kanyang nainterview si Ruffa Gutierrez at napag-usapan ang tungkol sa dating asawa ng aktres na si Yilmaz Bektas.

Nagkwento si Ruffa na marami na daw ang nagbago simula noong nagkaroon muli ng komunikasyon si Yilmaz sa kanilang mga anak.


Matatandaan na nito lamang Hunyo ay nagkaroon ng reunion ang mag-aama sa Turkey matapos ang 15 years na hindi pagkikita.

Si Ruffa at ang businessman na si Yilmaz mula sa Istanbul, Turkey ay kinasal noong 2003, ngunit naghiwalay noong 2007 dahil sa umano'y pananakit ni Yilmaz.

Naikwento ni Ruffa na gusto niyang lumaking masaya ang mga anak niya.

"Importante talaga sa akin yung happiness ng mga anak ko. I think they deserve to grow up with a father and I don't wanna take that away from them. Di ba."

"I have to really be patient. Have a lot faith. Trust in God. And I know that this is gonna be the start of something beautiful."ayon pa kay Ruffa

Sa nasabing vlog ni Dra. Vicki, natanong niya si Ruffa kung napatawad na ba niya ang dating asawa.*





“A long time ago. I’ve forgiven him...” sagot ni Ruffa

Sabi pa ng aktres ay naging maluwag na sa dibdib nya na makipag kita sina Lorin at Venice kanilang ama at nawala na rin ang takot ni Ruffa kay Yilmaz.

“If I was fearful, then I wouldn’t send them. I sent Lorin and Venice to Istanbul.

“I just felt really light about it. I prayed about it.”
Aniya

Nabanggit ni Ruffa na bilang Muslim si Yilmaz, puwedeng magkaroon ito ng higit sa isang asawa. Ngunit, kailangan muna daw kunin ang approval ng unang asawa.


Dahil dito ay nausisa ang aktres kung engaged na ba si Yilmaz ngayon.

“Well, he said that he’s engaged, but this is like the 10th engagement, so I don’t believe him.

“I don’t know kung pinapaselos lang niya ako or totoong kinasal na siya.”
Sagot ni Ruffa *





Nang tanungin si Ruffa kung talagang walang "come back" sa muli nilang paguusap ni Yilmaz; "Wala. Walang return of the comeback, ano lang to comeback reunion talaga ng mga anak ko at si Yilmaz."

Sa buong interview ay naging matipid ang sagot ni Ruffa tungkol sa kanyang love life.

Sinabi rin ni Ruffa na hindi nagbibigay noon ng suporta si Yilmaz sa kanilang mga anak.

Pero aniya, “It’s payback time. I know that he will [give support] now, I think so...

“Kasi feeling ko hindi niya nakikita yung mga bata [dati], so he wants me to suffer.

“May ganoon siyang ugali, ‘Okay, ikaw ang lumayas, di, ikaw magdusa,’ parang ganoon ang feeling.”

Inamin naman ni Ruffa na marami siyang sakripisyong ginawa sa relasyon nila ni Yilmaz, at hindi niya alam kung kaya pa niya itong gawin muli sa magiging karelasyon.

Nagpagtanto rin niya na dapat ay maging best friend muna ang makakarelasyon, kung sakali man, para tumagal.

Nang tanungin siya kung naging best friend ba ni Ruffa si Yilmaz…

“Our relationship naman is different because, number one, I married him. Number two, we have kids together.

“Although I haven’t seen him 15 years, a lot of the things I did for Yilmaz, hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon sa buhay ko. Unless he’s my forever love.”
tugon naman ng aktres

Victor Consuji nagsampa ng kasong adultery sa dating asawa na si Maggie Wilson at sa umano'y karelasyon nitong si Tim Connor

7:38 PM

Maggie Wilson with Tim Connor (Photo from PEP Ph) | Victor Consuji (Photo from Fashion Pulis)



Matinding usap-usapan ngayon sa social media ang pagsampa ng kasong adultery ng businessman na si Victor Consuji sa kanyang dating asawa na si Maggie Wilson at sa kasosyo nito negosyo na si Tim Connor na umano’y karelasyon ng huli.

 

Mas lalong natulala ang mga netizens nang lumabas sa social media ang mga larawan ng tila mga dokumento ng katunayan.


 

Sa official Facebook page ng One PH, naka-post ang mga larawan ng opisyal na resibo, sertipikasyon, at impormasyon tungkol sa kasong isinampa laban kina Maggie at Tim.

 

Base sa mga mapanuring mata ng mga netizen, ang kaso ay tila naisampa noong June 30, 2022, na ilang linggo na ang nakakaraan bago ang kasallukuyang isyu ni Maggie sa kanyang tahanan.

 

Kapansin-pansin din ang inirekomendang halaga ng piyansa na Php 36,000 ayon sa mga larawang naka-post online.




 

Ayon naman sa naunang ulat ng PEP PH, hinihinalang magkarelasyon ang dalawa dahil sa nakikitang pagkakalapit nila.

 

Si Maggie ay Filipino-British na Bb. Pilipinas World 2007 titlist, model, host, at may negosyong may kinalaman sa interior design. 

 

Si Tim ay isang British-Thai business mogul. Siya daw ay apo sa tuhod ng yumaong prinsesa ng Thailand (Her Serene Highness Princess) na si Mom Chao Jayankura.*



At noong ika-34 kaarawan ni Tim, nitong April 20, 222, inihayag ni Maggie sa isang Instagram post  kung gaano siya kasaya sa piling ni Tim.

 

"I have never rolled my eyes or bickered with someone so much in my entire life. LOL!

 

"This guy always says exactly what he means and is the most honest person I’ve ever met.

 

"He tells you like it is even if it stings but I love that nothing is ever sugar coated.

 

"He’s always up for a chat about anything under the sun, even if the topic is a hard conversation to have," saad ni Maggie sa kanyang post




 


Ayon pa kay Maggie, ramdam niya ang pagpapahalaga ni Tim sa kanya.

 

"He keeps me on my toes and makes sure I stay focused. He always pushes me to be a better person, to get out of my comfort zone and be better at what I do.*

"Thank you for reminding me of what kind of woman I can become. 


"You never fail to empower me even if sometimes, you try to steal my thunder!"

 

 "So happiest of birthdays to this one @iamtimconnor 

"I’m so happy that I get to celebrate this birthday with you and many more to come!" mensahe pa ni Maggie kalakip ang isang heart emoji.

 

Samantala noong December 2021 ay itinanggi ni Maggie na nakarelasyon niya si Tim noong sila ay mag-asawa pa ni Victor.



Maggie Wilson with Tim Connor (Photo from PEP Ph)


 

Napansin ng mga netizens na madalas silang magkasama mula nang inilabas ng dating beaty queen na hiwalay na ng dating asawa noong September 27, 2021.


 

Si Maggie ay 11 isang taon ng kasal sa businessman at property developer na si Victor Consunji, ngunit sila ay naghiwalay noong September 2021.