Filipina Domestic helper, nahuli ng kanyang amo na nagnanakaw ng pera - The Daily Sentry


Filipina Domestic helper, nahuli ng kanyang amo na nagnanakaw ng pera



Hindi maikakaila ang hirap at sakrispiyo ng ating mga kababayang nagtratrabaho sa ibang bansa dahil tinitiis nila ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang makapag-ipon ng pera.
Photo credit: Harold Aducayen

Minsan ay nakakaranas pa sila ng pangmamalupit ng kanilang mga amo. Ngunit marami rin naman ang nagkakaroon ng mabait at mabuting employer.

May mga kasambahay na itinuturing na ngang kapamilya ng kanilang mga amo dahil sa kabutihan at katapatan na kanilang ipinapakita.

Kaya naman nakakalungkot ang nangyari sa isang Pinay domestic helper na nahuli umano ng kanyang amo na nagnanakaw ng pera upang maibigay sa kanyang anak dito sa Pilipinas.
Photo credit: Harold Aducayen
Photo credit: Harold Aducayen

Sa isang video na in-upload sa Youtube ni Harold Aducayen, makikita ang kasambahay na nakaluhod habang umiiyak at humihingi ng tawad sa kanyang mga amo.

Ayon sa video, hindi lang daw isang beses nagawang magnakaw ng pera ng ating kababayan, pang sampung beses na raw niya itong nagawa.

Hindi nabanggit ang pangalan ng OFW at kung anong currency ng pera ang kanilang pinag uusapan.
Photo credit: Harold Aducayen

Sinabi ng Pinay na kumuha siya ng 1000. Patuloy siyang humihingi ng tawad habang umiiyak ngunit tumawag na ng pulis ang kanyang amo.

Panoorin ang video sa ibaba:

Sana ay magsilbing aral ito sa ating mga kababayan sa ibang bansa na mag-ingat at huwag gagawa ng masama dahil napakahirap makulong lalo na’t wala ka sa Pilipinas.

Para naman sa mga taong may kapamilya o kamag-anak na OFW, huwag sana ninyo silang i-pressure pagdating sa pera dahil hindi natin alam ang hirap at sakripisyo na kanilang pinagdadaanan makapagbigay lamang ng ating mga pangangailangan.


***