The Daily Sentry: Entertainment
Showing posts with label Entertainment. Show all posts
Showing posts with label Entertainment. Show all posts

Kris Aquino at mga anak, nagbigay ng birthday surprise kay First Lady Liza Marcos

5:42 AM




Isang nakakatuwang sorpresa ang natanggap ni First Lady Liza Araneta-Marcos mula kina Kris Aquino at mga anak nitong sina Bimby at Joshua nang personal nila itong dalawin sa Malacañang.


Ibinahagi ni Liza nitong Linggo sa kanyang Facebook account ang isang larawan kasama ang magkakapamilyang Aquino. Makikita sa harap nila ang apat na birthday cakes na nakalagay sa isang cart.


Kapansin-pansin din ang suot nina Kris at Joshua na kulay dilaw, na matagal nang naging simbolikong kulay na iniuugnay sa pamilyang Aquino at sa mga kilusang kumontra noon sa mga Marcos. Kalaunan, naging kulay rin ito na malapit sa Liberal Party.


Sa caption ni Liza, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa ginawang surprise ng magkapatid.


“Thank you Kris, Josh & Bimby for the lovely advanced birthday cakes! Such a thoughtful surprise that truly warmed my heart. Feeling very blessed,” saad ng First Lady.


Magdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan si Liza sa Agosto 21—isang petsang may malaking kahulugan sa kasaysayan ng pamilyang Aquino.


Ito rin ang araw noong 1983 nang paslangin sa tarmac ng dating Manila International Airport si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ama ni Kris. Ang kanyang pagkamatay ang naging isa sa mga pangunahing pangyayaring nagpasiklab sa EDSA People Power Revolution noong 1986, na nagresulta sa pagpapatalsik sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Samantala, ang ina naman ni Kris na si dating Pangulong Corazon Aquino ang naging pangunahing katunggali ni Marcos Sr. sa kontrobersyal na 1986 snap presidential elections.


Sa kabila ng mabigat na kasaysayan at matagal na hidwaan sa politika ng dalawang pamilya, kapansin-pansin ang magandang relasyon ni Kris sa kasalukuyang First Family.


Itinuturing ni Kris sina Liza at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bahagi ng kanilang extended family. May ugnayan din sa dugo ang dalawang pamilya dahil sa tiyahin ni Liza na si Demetria Sumulong, na naging asawa ng maternal grandfather ni Kris na si Don Jose “Pepe” Cojuangco.


Mas naging malapit muli ang ugnayan nina Kris at Liza matapos makabalik sa Pilipinas ang TV host-actress kasunod ng ilang taong pagpapagamot sa ibang bansa.


Bago pa man makabalik si Kris, nauna nang dumalaw sa First Lady ang kanyang mga anak matapos itong hilingin sa kanila ng kanilang ina.


Mula noon, mas madalas nang nagkakaroon ng pagkakataong magsama sina Kris at Liza para sa tanghalian at iba pang simpleng get-together.


Dahil dito, naging usap-usapan din sa publiko ang tila paglalapit ng dalawang pamilya na minsang naging magkabilang panig sa isa sa pinakamahahalagang tunggalian sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas.


Sa ngayon, tila mas nangingibabaw na ang personal na pagkakaibigan at ugnayan ng dalawang pamilya kaysa sa mga hidwaang pampulitika ng nakaraan.


Robin Padilla, ipinagtanggol si Mariel Rodriguez sa mga kritiko: Mahiya naman kayo!

5:34 AM



 **Robin Padilla, umalma sa pambabatikos kay Mariel matapos muling kumalat ang lumang video**


Hindi pinalampas ni Sen. Robin Padilla ang sunod-sunod na batikos na ibinabato ngayon sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez matapos muling kumalat sa social media ang isang video na unang na-upload noong 2022.


Sa naturang video, ipinagtanggol noon ni Mariel ang kanyang mister laban sa mga kumukuwestiyon sa kwalipikasyon nito bilang kandidato sa pagka-senador.


Kabilang sa mga sinabi ni Mariel noon ang tungkol sa edukasyon at karanasan ni Robin, kabilang na ang pagkakaroon nito ng degree sa Criminology at ang naging karanasan niya habang nakakulong sa Bilibid.


Dahil sa muling pag-viral ng video, muling umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang celebrity couple. Marami ang bumatikos kay Robin at kay Mariel kaugnay ng mga pahayag sa lumang vlog.


Dito na nagbigay ng matapang na reaksiyon si Robin sa kanyang Facebook post.


Hiniling ng senador sa mga bumabatikos sa kanyang asawa na huwag nang gamitin ang lumang video upang ilihis umano ang atensyon mula sa mas mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.


Ayon kay Robin, tila ginagamit ang isyu tungkol sa vlog ni Mariel upang ilayo ang usapan sa ibang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.


> “Ika nga ng mga Kano, ‘Wag the Dog!’ Lilihisin lang ang isyu mula sa tunay na isyu, kaya taya ang asawa ko at si carding sungkit.”


Hindi rin niya pinalampas ang mga batikos laban sa asawa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nadamay din sa mga diskusyon online dahil sa isang larawan mula sa isang event sa Davao.


Dagdag pa ni Robin, dapat umanong ikonsidera ng mga bumabatikos ang mas mahahalagang problema sa halip na paulit-ulit na balikan ang isang vlog na ginawa ilang taon na ang nakalilipas.


> “Mahiya naman kayo! Baka kayo mismo ay binabaha na ngayon, pero ang isyu ninyo ay tungkol pa rin sa vlog ni Mariel noong 2022 at sa misis ni Sen. Bato.”


Nagpatuloy pa ang senador sa kanyang matapang na pahayag laban sa mga taong aniya’y nagpapagamit sa mga ambisyosong personalidad.


Samantala, naglabas din si Mariel ng panibagong video upang ipaliwanag ang kanyang naging pahayag tungkol sa kanyang asawa.


Nilinaw niya na hindi niya kailanman sinabi na si Robin mismo ang nag-draft, nag-akda o bumoto para maipasa ang Republic Act No. 8294.


Ipinaliwanag ni Mariel na ang tinutukoy niya noon ay ang personal na karanasan ni Robin sa usapin ng batas, partikular sa illegal possession of firearms, at kung paano maaaring direktang makaapekto sa buhay ng isang tao ang mga pagbabago sa batas.


Binanggit din niya na nais lamang niyang ipakita na mayroon nang firsthand experience si Robin tungkol sa epekto ng mga batas bago pa man ito naging senador.


Sa kanyang paglilinaw, iginiit ni Mariel na mahalaga ang buong konteksto ng kanyang sinabi upang hindi ito ma-misinterpret.


 “Context matters. Comprehension matters too.”


Sa kabila ng paglilinaw ng mag-asawa, patuloy pa ring pinag-uusapan online ang lumang video at ang mga naging pahayag ni Mariel tungkol sa kanyang mister.


Julie San Jose, binatikos matapos magperform ng 'Dancing Queen' sa loob ng simbahan

12:58 AM



Usap-usapan ngayon sa social media ang viral performance ni Julie Anne San Jose habang kumakanta ito ng “Dancing Queen” sa harap ng altar ng isang simbahan sa Occidental Mindoro.


Ang nasabing performance ay bahagi ng isang concert for a cause na tinawag na Heavenly Harmony in Concert' (Harana para kay Maria) ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.


Kabilang sa mga kinanta ni Julie Anne San Jose ay “The Climb” ni Miley Cyrus, “Edge of Glory” ni Lady Gaga at marami pang iba kabilang na ang ilang OPM songs.


Maraming mga natuwa lalo’t isa itong benefit concert pero marami rin naman ang nagtaas ng kilay lalo’t tila hindi yata angkop ang mga awiting kinanta ni San Jose para awitin sa loob ng simbahan na tila ba naging isang concert venue.


Nakalagay sa ticket ng nasabing concert na ang kikitaain ay mapapunta para sa improvement ng simbahan.


Narito ang full video:


Rendon Labador bumanat kay Carlos Yulo: 'Maliit ka na nga mayabang ka pa'

2:07 AM


Nagbigay ng isang payong kuya ang kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador kay 2-time Paris Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo.


Ayon kay Rendon:


"Naramdaman ko din yan bro, yung walang tao na gusto sumuporta sayo. INIWAN KO DIN ang pamilya ko katulad mo".


"Pero nagbagong buhay na ako ngayon at pilit kong itinama yung mga pagkakamali ko".


"Tandaan mo to bro 'Balewala ang mga medalya mo kung wala ka namang pamilya" itapon mo na lang yan kasi hindi bagay sa ugali mo".


"May oras ka pa para iwanan ang babaeng sisira sa buhay mo at bumalik sa babaeng nag bigay ng buhay sayo... ang nanay mo".


"Ayaw ko sana sabihin to, pero tingin kong deserve mo.. Huwag kang t*nga".


"Payong kuya lang yan. Magbago ka na hanggang may pagkakataon ka pa".


Sa isa pang post ay sinabi niya:


"Maliit ka na nga mayabang ka pa 🤦‍♂️ Dapat humble lang bro. Si Rendon Labador nga nag bago na, ikaw pa kaya?🤦‍♂️ Habang hindi pa huli ang lahat bro. Payong kuya lang ito.."

Gerald Anderson, nilinaw ang hindi pagsali sa politika: 'Buhay ng mga tao ang nakataya'

11:39 PM


Sa gitna ng mga usapan tungkol sa mga kilalang personalidad na nag-file ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections, nilinaw ni aktor Gerald Anderson na hindi siya nagbabalak pumasok sa mundo ng politika. Kamakailan, sumikat siya dahil sa kanyang mga bayaning hakbangin noong bagyong Carina.


Sa isang panayam sa pagbubukas ng kanyang liga na “Got Game 3x3” sa Polytechnic University of the Philippines, sinabi ni Anderson na bagamat siya ay nakatuon sa pagtulong sa mga tao, hindi siya interesado sa pagpasok sa larangan ng politika.



“Nagagalak ako na nasa posisyon ako kung saan makakatulong ako. Nagagamit ko naman yung platform ko eh. May mga kaibigan ako sa politika, alam ko na napakahirap nito, at hindi ako basta lalapit sa isang bagay na hindi ko pinag-aralan o hindi ako handa, dahil buhay ng tao ang nakataya,” pahayag ni Anderson.


Simula pa noong bagyong Ondoy noong 2009, aktibong nakikilahok si Anderson sa mga pagsisikap na makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad. Kamakailan, ang kanyang mabilis na pagkilos upang tulungan ang mga komunidad na sinalanta ng bagyong Carina ay nakakuha ng papuri sa social media.


Bilang karagdagan sa kanyang mga proyekto, nagsisilbi rin siyang auxiliary commander sa Philippine Coast Guard (PCG), kung saan siya ay ginawaran ng PCG Auxiliary Search and Rescue Medal at Ribbon dahil sa kanyang dedikasyon sa mga makatawid na layunin.


Sa kabila ng mga mungkahi mula sa ilan na pumasok siya sa politika, sinabi ni Anderson na nakatuon siya sa kanyang mga kasalukuyang proyekto, kabilang ang kanyang basketball league, ang “Got Game 3x3.” 


“Masaya ako. Yung mga teams na sumali, kalidad. Isa itong platform para sa mga basketball players natin,” dagdag niya.


Kasabay nito, naghahanda rin si Anderson para sa kanyang pagbabalik sa teleserye sa seryeng “Nobody,” na magiging isa na namang mahalagang hakbang sa kanyang karera.

Beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa galit kay Carlos Yulo: 'Turuan mo ang GF mo na igalang ang nanay mo'

7:46 AM



Sa isang video ay kitang-kita ang galit ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropeza kay Olympic gold medalist Carlos Yulo tungkol sa issue nila ng kanyang ina na si Mrs. Angelica Yulo.


Narito ang mga mensahe ni Ms.Elizabeth sa video na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account:


"Masyado ng matindi ang tabas ng dila ng batang ito,hindi kona kinaya."


"Hindi po ako sang ayon.wala po akong pakialam don s gf nya kung sino man yun.siya bilang anak hindi dapat nagtatrato ng magulang ng ganyan.kahit Anong sabihin Mali po yun."


"Yung pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad.ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa.ki Nanay mo man o hindi.Pero lalo na kung Nanay mo."


"Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano ano dun sa babaeng pinang galingan mo kaya ka nabuhay."


"Hindi po kasalanan ng Ina o ng anak na maging anak sila.Sila ang namili ng magulang nila.You Caloy marami kang di alam.Alam mo masyadong matigas na ang puso mo."


"Sino ba ang nagturo sayo nyan?.di ka naman siguro tinuruan ng Nanay mo ng ganyan.kahit ano pang kasalanan ng Nanay mo Nanay mo pa rin yan.kahit na gaano kasama ang Ina, Ina mo parin yan tatandaan nyo yan.kung nagkaroon ng kasalanan ang Nanay mo sayo so what?kailangan mo din bang maging bad?"


"Hihiyain mo yung mother mo tatawagin mong magnanakaw.Tandaan mo,your self galing sa Ina mo hanggang sa ma***tay ka.! kahit pa**y na ang Ina mo."


"Yan ang tutulong sa health mo yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete Ta*ga!."


"Nasasaktan ako pag may batang nagsasalita ng ganyan.khit masama ang Ina kht bugaw ang Ina mo Ina mo pa rin yan.wg mong ssbhing hindi mo kasalanan na pinanganak ka.masakit para saakin yang ganyan kasi tuwing manganganak ang isang babae yung buhay nya ang isang paa ay nasa hukay na."


"Sabi nga Nanay ko pag naga*alit saakin mabuti pa sinak*l na kita ng maliit kapa.salita lng po yun pero ang ibig sbhn nun iniluwal ka nya at hindi mo rin pwedeng sbhin na pinabayaan ka.kaya ka nga naging athlete kaya nga ang lusog mo.kaya nga ganyan ang hitsura mo."


"Kung may puso kang tao kung may kasalanan man ang Nanay mo patawarin mo.Yung binabastos sa social media wag babalik at babalik yan sayo."


"Atsaka yung sinasabi tungkol sa pagdadala mo ng babae sa bahay kung saan ka nakatira kasama mga magulang mo ,obligasyon mo na sbhan yung babaeng dadalhin mo na magdamit ng maayos ."


"Ang unang dpat magpakita dun s gf ng pag galang sa Ina ay Ikaw.hindi nya igagalang Nanay mo kung hindi mo igagalang ang Nanay mo."


"Ngayon gold medalist ka pa nmn ibig sbhn wow macho ka galing mo pero talong talo ka ng syota mo.kayang kaya kang maempluence."


"Proud na proud ako nung nanalo ka.. so proud.Pero nung lumabas ung issue nyong mag ina tapos salita ka ng salita ng salita.Yung una palang n lumabas kau ng gf mo na nag video kau na nandun kau s kama nakapajama lng tpos ung gf mo ,Na shock na ko sabi ko ayy.. ito gold medalist pa nmn to tapos ung gf nya di mn lang sabihan, magbihis ng maayos.It's on you,yung gf mo what has she got to loose?You? A lot.."


"Di mo ba napansin?daming galit sau .basta kahit ganun kasama ang ina kahit ganun kalaki ang kasalanan Ina mo pa rin yun."


"Kung ayaw mo sa kanya, lumayo ka nlng.wag kana magsalita ng kung anu ano.bkit? Kasi babalik yan sau.yun lang..Hindi ako mgsasabi ng pasensya na kasi galing yan s dibdib ko at s pag iisip ko."


Narito ang full video:



Boy Abunda sa isyu ng pamilya Yulo: 'Walang pwedeng gawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad'

11:35 AM


 ‘MAG-USAP KAYO’


"Walang pwedeng gawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad. But that's me, and I will not impose that on anyone.”


Eto ang opinyon ni King of Talk Boy Abunda nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo.


"Do I know the story of Carlos Yulo and the mom (Angelica Yulo)? I don't... I can only pray... na sana ngayon na maganda-ganda na ang buhay n'yo, mag-usap... maybe kailangang tumahimik muna?”, dagdag niya.


"I have to sit down with Mrs. Yulo to be able to understand as an interviewer, ngayon na sobra nang toxic, na sobra nang masalimuot itong kuwentong ito, kung isa lang ang makakausap mo, you exacerbate the problem e!


"I would be pretentious to say I'm not interested to do an interview with both of them. I'd 'love' to do an interview with 'both' of them.


"Yung agam-agam halimbawa ni Carlos na 'Would I actually do an interview with Boy Abunda who is [makananay]?' Valid yon! But at the same time, hindi naman.


"But I'd love to do an interview separately with the mother and... kahit si Chloe, I'm interested! I'm really interested—Ano e, teleserye material e!"


Narito ang buong video:



Kilalang doktor may komento tungkol sa pahayag ni Carlos Yulo: 'Pinagpapala tayo dahil mabait ang Panginoon'

9:07 PM


May pahayag ang sikat na doktor na si Dr. Richard Mata tungkol sa sinabi ni Carlos Yulo na kaya siya bine-bless ng Panginoon ay dahil mabait siya.


Sinabi ni Doc Mata na ang dahilan ng pagbless ni Lord sa isang tao ay dahil ‘God is good’ at pinagpapala tayo ng Panginoon kahit hindi tayo worthy ibless.


Narito ang buong post ni Dr. Richard Mata:


Kung hindi ako mabait na tao.

Hindi ako ibe-bless ni Lord ng ganon.

-CARLOS YULO


Not necessarily, sabi ng Bible “the goodness of God leads you to repentance.” (Romans 2:4)


So a lot of times God blesses us even when we are not worthy. 


God just blesses by Grace for us to reflect how good He is and eventually it will lead us to repent of our mistakes and come back to Him.


So kapag pinagpala ka, wag mong sabihing ang bait ko siguro, bagkos, sabihin mong, “ang bait Mo Lord, change me for Your Glory!


Klinaro naman ni Doc Mata na hindi lang para kay Carlos Yulo ang kanyang mensahe pero para ito sa lahat.


“The message is for all of us. Not pointing on Carlos”, aniya.


Umani rin ng ibat-ibang komento mula sa netizens ang naging pahayag ni Caloy.


“You are blessed not beacuse you are good, but because God is good! Always remember this, Caloy,” saad ng mga netizens.

Kilalang Doktor, sinalungat si Pokwang: 'Sino ang tutulong sa mga magulang kung hindi ang mga anak?'

9:49 PM


 

Ang kilalang celebrity pediatrician at content creator na si Dr. Richard Mata, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa naging pahayag ng komedyanteng si Pokwang na nagsasabing hindi obligasyon ng mga anak na tulungan ang kanilang mga magulang sa kanilang pagtanda. Sa opinyon ni Pokwang, mas mahalaga na hayaan ang mga anak na itaguyod ang kanilang sarili at mga pamilya.


Hindi sumang-ayon si Dr. Mata sa opinyon na ito. Ayon sa kanya, hindi lahat ng magulang ay may kakayahang suportahan ang kanilang sarili kapag sila ay tumanda na o magretiro. Ipinunto rin niya na marami ang nagsusumikap ngunit hindi lahat ay nagiging matagumpay, kaya’t mahalaga na suportahan ng mga anak ang kanilang magulang kung kinakailangan.


"Of course, dream ng lahat ng magulang na well off sila pagtanda nila, pero ang buhay mahirap espellingin," ani Dr. Mata. Dagdag pa niya, hindi laging nagiging sapat ang ipon o kita ng mga magulang sa kanilang pagtanda, kaya't mahalaga ang suporta mula sa kanilang mga anak. Bagaman hindi ito itinuturing na isang responsibilidad, tinanong ni Dr. Mata kung sino ang tutulong sa mga matatandang magulang kung hindi ito gagawin ng kanilang mga anak.


"Hindi lahat may kaya pagtanda kahit nagsumikap. Hindi pwedeng hayaan ng anak ang mga magulang sa kanilang kahirapan. So yes, hindi responsibilidad, pero sino ang tutulong—ang gobyerno?" dagdag pa ni Dr. Mata, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng pamilya lalo na sa mahirap na kalagayan.


Ang diskusyon na ito ay nagbukas ng usapin tungkol sa tradisyonal na mga pananaw sa utang na loob at responsibilidad ng mga anak sa kanilang mga magulang, na patuloy na pinag-uusapan sa lipunan ngayon.

Ai Ai muling sinita si Chloe: 'Girlfriend ka palang, di ka pa asawa'

1:37 AM



Nagbigay ng payo ang batikang komedyanteng si Ai Ai delas Alas kay Chloe San Jose, ang girlfriend ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, hinggil sa pakikitungo nito sa ina ng kanyang kasintahan.


Sa isang panayam na ibinahagi ng Bandera, sinabi ni Ai Ai na napakahalaga ng maayos na relasyon ni Chloe sa ina ni Carlos. Ayon sa kanya, kung wala ang ina ni Carlos, maaaring hindi rin siya magkakaroon ng boyfriend ngayon.


Dagdag pa ni Ai Ai, bilang girlfriend, makabubuti para kay Chloe na magkaroon ng magaan na pakikitungo sa ina ni Carlos upang maiwasan ang anumang tensyon sa kanilang relasyon. Binanggit din ni Ai Ai na ang tamang pakikisama sa pamilya ng kasintahan, lalo na sa mga magulang, ay magiging susi sa isang mas maayos at harmoniyosong pagsasama.


Ibinahagi rin ni Ai Ai na lagi niyang binibilinan ang kanyang mga anak na magkaroon ng magandang ugnayan sa pamilya ng kanilang magiging asawa o partner. Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa mga in-laws ay isang mahalagang pundasyon para sa masaya at matatag na relasyon sa hinaharap.


Narito ang video: 



Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Mula sa kanyang pagkabata, nagsimula siyang mag-ensayo at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan lalo niyang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Coach Gerald Fajardo sinagot si Chloe: Sinira mo ang pamilya nila

10:49 AM


 

Matapang na sinagot bi Coach Gerald Fajardo lahat ng patutsada ni Chloe San Jose laban kay Mrs. Angelica Yulo.


“After mo isiksik ang sarili mo sa pamilya nila, biglang itutulak mo sila palabas? Buo ang pamilya niyan. Sinira mo,” sabi niya.


“Nasubukan mo bang magpasalamat man lang kasi nakilala mo 'yung anak? Nagkaroon ka ng Caloy at sila ang nawalan... Goal mo pa rin talagang punuin ng galit ang puso ni Caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba Well... Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban!,” dagdag ni Coach Gerald.


Narito ang buong post ni Coach gerald Fajardo: 


Sa usaping interview, 

Una ni Angelica - napahiya sya diba? 


Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE...


Pangalawa si CALOY - napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE...


MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.


Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba... Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.


Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? - well in fact di ka naman nakapasa. Sumahin mo yung mga subscriber's na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY ...  


Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw. 


Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.


After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo...


Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO... Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.


Diba, after kausapin si caloy... Para sa paghahanda sa Olympics .


Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY ...

Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo.

Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo?

Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka? 

Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat.  Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all 

around payan!!!

At isa pa ha,...


Yung nakilala mo si caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano?


Diba gumawa ng paraan si caloy para mabuo ang pamilya mo.


Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng “gagapang ka sa lupa” pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun? Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya? Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya.


At yung sinasabi mong nakapagpatawad na kayo? Bakit? Kasali ka ba sa pamilya? Pera mo ba yun? 


Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.


+ikaw CHLOE.. Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan...


Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?


Well... Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin. Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat...

Chloe San Jose bumanat kay Mr. Andrew Yulo: 'Bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa'

7:19 AM


Mainit na usapin ang nabuo matapos magkomento ang ama ni Carlos Yulo, si Mark Andrew Yulo, sa isang post ng kanyang anak sa social media. Sa kanyang komento, ipinahayag ni Mark Andrew ang kanyang kasiyahan sa mga narating ni Caloy, ngunit binigyang-diin niya na dapat itong mag-sorry sa kanyang ina na sinabihan umano ni Caloy ng "magnanakaw." 


Hindi naman ito pinalampas ni Chloe San Jose, at agad itong nagbigay ng kanyang saloobin sa naturang komento. 


Sinabi ni Chloe, "Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag-comment nito. Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa before po siya mag-qualify sa Olympics last year."


Dagdag pa ni Chloe, ibinahagi niya ang ilang pangyayari noong nakaraan na ayon sa kanya ay naging dahilan ng kanilang alitan. Ayon kay Chloe, "Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag-sorry ni Caloy at nag-try makipag-usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito?" Gayunpaman, binigyang-diin ni Chloe na nakapagpatawad na sila ni Caloy at patuloy silang nagdarasal para sa kapayapaan at paggabay. 

Isang abugado dismayado kay Carlos Yulo: I don't care if he is the best gymnast

1:21 AM



Nag-viral ang post ng isang abugado na si Atty. Joel Rodriguez Dizon kung saan ay sinabi niya na dismayado sya sa Olympic champion na si Carlos Yulo.


Ayon sa kanya: “Those two gold medals can only get less and less talked about as the years go by. But mothers---mothers will stay forever priceless, forever irreplaceable.”


Narito ang buong post ni Atty. Joel R Dizon: 




It's an incredible struggle for me to be proud of a boy who did not care that his mother was not present in Malacañan Palace for this once-in-a-lifetime experience.


If he had skipped the Malacanan rites because his mother couldn't be there, that would have gone down in history as the greatest tribute a child ever gave to the woman who gave birth to him.


He had the chance but he blew it.


Time will come when winning Olympic medals will become commonplace, even routine, for Filipinos as advancements in sports technology  and scientific training methods continue to level the playing field of world athletics.


 Those two gold medals can only get less and less talked about as the years go by.  Hidilyn Diaz will attest to that. Even greatness will fade, speed will decay, luster will dim, bluster will mellow, pride will erode and in the end our bodies break down, our health will fail. Muhammad Ali and Mike Tyson are proofs of that.


But mothers---mothers will stay forever priceless, forever irreplaceable.  But unacknowledged mothers will forever be sobbing in some lonely corner somewhere.


Foxy women and sultry girlfriends, any which way they undress, will forever be self-objectifying, crass, cheap and irrelevant distractions.


Choosing who to honor was a no-brainer. 


The boy really blew it bigtime.*


Source: Atty Joel Rodriguez Dizon

Yexel Sebastian nagsalita na sa kinasasangkutang isyu tungkol sa investment scam

9:09 PM


 

Si Yexel Sebastian, isang kilalang content creator, kasalukuyang kinakaharap ang kontrobersiyal na isyu ng investment scam. Ibinunyag ng ilang mga biktima ang kanilang negatibong karanasan sa mga investment scheme na inialok ni Yexel sa social media. 


Ayon sa kanila, marami ang nag-invest, ngunit hindi nakatanggap ng inaasahang kita. Ang mga ganitong isyu ay nagpapakita ng pangangailangan na maging maingat sa mga investment offers, lalo na mula sa mga hindi kilalang personalidad. 


Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon hinggil sa isyung ito, at naglalakbay ang mga pag-aalala hinggil sa mga financial scam na nagagamit ang impluwensya ng social media upang makapanloko.


Ngayong araw lang ay naglabas ng kanyang statement si Yexel sa kanyang Facebook account. Narito ang kanyang buong pahayag:


Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya,

Ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko mai ayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.

Pati kaligtasan namin ay nalaganay na sa alanganin, Masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin

ni Mikee and Zyph .

kaya palagay ko ito na ang tamang panahon 

April 7 2022,

Nun sumama kami sa Ribbon Cutting na naganap 

sa isang Legit

Casino sa Clark Pampanga .

after Ribbon Cutting

Nagkaroon ng Malaking Event kung saan pinasalamatan ni

Boss HP aka

Hector Pantollana Lahat ng matataas na tao sa Casino

at iba pang Casino Branches

Legit ang Junket.

Legit lahat ang tao.

at Legit ang Operation

Hindi yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka branch sa isang Casino na Legal, 

para magka Junket kung illegal ito.

Yan ang pagkaka alam namin lahat ayon sa nakita ng mga mata namin nun panahon nayun.

Maraming saksi nyan at maraming tao ang nakita ako jan at si Mikee. Isa lang kami sa participants nun gabi nayan at alam ng lahat ng tao yan nun gabi nayun........


Narito ang umano'y video:

Totoong dahilan kung bakit nakick-out sa Sorsogon ang Kamikazee

8:44 PM


Ang Kamikazee, isa sa mga sikat na rock bands sa Pilipinas, ay naging kontrobersiyal nang hindi natuloy ang kanilang concert sa Sorsogon dahil sa mga ulat ng masamang ugali ng banda. Ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanilang mga tagahanga at sa industriya ng musika.


Ayon sa ilang ulat, may mga insidente ng hindi magandang asal mula sa ilang miyembro ng Kamikazee sa oras ng kanilang pagbisita sa Sorsogon. Kasama na rito ang mga kuwento ng pagiging late, pagmamaldita, at pagsusungit sa mga lokal na staff at volunteers.


Ang mga tagahanga na nag-aabang nang matagal para sa kanilang idolong banda ay lubos na nadismaya sa mga pangyayaring ito. Ibinahagi ng ilan sa kanila ang kanilang saloobin sa social media, kung saan lumikha ito ng malawakang pagtutok sa isyu.


Sa gitna ng kontrobersiyang ito, hindi pa rin naglabas ng opisyal na pahayag ang banda. Subalit, naging napakahalaga ito bilang aral para sa lahat ng mga nasa industriya ng musika tungkol sa kahalagahan ng respeto at professionalismo.


Sa kabila ng isyu na ito, ang Kamikazee ay may malawak na bilang ng mga tapat na tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanila. Ngunit ang pangyayaring ito ay patunay na ang musika, kahit gaano pa ito kagaling, ay hindi tanging dahilan upang turingan ang isang artista o banda na may magandang attitude sa kanilang mga tagahanga at sa industriya ng musika.

Dekada 90 sexy star na si Sabrina M, inilantad na siya ang huling nakarelasyon ni Rico Yan at hindi si Claudine Barretto!

1:00 AM
Ikinagulat ng mga tagahanga ng yuamong matinee idol na si Rico Yan ang matinding rebelasyon mula sa dating bold star na si Sabrina M sa isang presscon sa unang pagkakataon.

Hindi makapaniwala ang mga netizens sa ibinunyag ng aktres dahil sa tagal ng panahon ay ngayon niya lamang isinapubliko ito.




Hindi si Claudine Barretto kundi siya daw ang huling naka-relasyon ni Rico. Ang tambalang minahal at kinakiligan ng maraming mga tagahanga ay tila nabulabog sa balitang ito.

"Ang image ni Rico Yan is wholesome. Ako nagpapasexy ako nuon sa movies. So kung nagka-issue kaming dalawa, maraming masasabi sa akin. So better kung nagkaroon kami ng relasyon, itinago na lang namin 'yon." Paliwanag ng sexy actress kaya daw nanatili silang tahimik tungkol sa kanilang relasyon.

Paglalarawan pa nito, "Napakabait ni Rico Yan. After Claudine naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon, Taon! Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan, eh!"

Dahil sa kanyang imahe ay puro pambabatikos daw ang natatanggap nito noon ngunit palagi naman daw siyang ipinapagtanggol na yumaong matinee idol.

Iginiit nito na siya ang huling karelasyon nito hanggang sa mga huling sandali ng batang aktor.

Sa katunayan ay alam daw ito ng kapatid ni Rico na si Bobby Yan.

"Hindi madalas pero dumadalaw ako.(sa puntod) Nanduon ako ng burol at libing. Inabutan pa ako ni Bobby Yan ng bulaklak para ibigay kay Rico. Alam ni Bobby na naging kami. We're discreet. Secret.

"Nagpupunta siya sa bahay at minsan naman nagpupunta ako sa condo niya. Minsan sa resort. Kilala rin ako noon at Rico Yan na siya. More than two years kami."

Ayon pa rito ay hindi ito linggid sa kaalaman ni Claudine, "Alam po ni Claudine na naging kami, pero never pa namin pinagusapan po."

"Wala namang problem kasi noong naging kami, wala na sila ni Claudine. Hindi ko naman inagaw si Rico sa kanya noong sila pa. Nagkaroon sila ng movie na 'Got To Believe' pero wala na sila nu'n. Kmai na nu'n at alam ko meron na ring iba si Claudine noon."


Samu't sari ang reaksyon ukol sa paglalantad na ito ni Sabrina M. Ito nga ba ay isa lamang paraan para siya'y mapagusapan at makilala o isang katotohanang hindi na mapapatunayan pa ni Rico Yan na matagal ng namayapa.

Sinu-sino nga ba ang mga bagong hosts sa Eat Bulaga? Ibinulgar na!

10:25 PM


Matapos ang pagkalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE Inc., may mga bago nang pangalan na lumutang bilang mga magiging host ng ‘Eat Bulaga’.


Ayon sa source ni Jun Lalin, editor/columnist ng Abante entertainment, magbabalik na sa telebisyon ang ‘Eat Bulaga’ sa darating na Lunes at makakasama na rin ang mga bagong host.


Kabilang sa mga host ay sina Paolo Contis, isang kilalang komedyante, kasama sina Betong at Buboy Villar, at ang dating miyembro ng ‘Tropang LOL’ na si Alexa Miro.




Kasama rin sa mga ito ang dating host ng ‘It’s Showtime’ na si Kuya Kim. Ngunit si Kuya Kim ay mapapanood lamang tuwing Sabado dahil sa ibang programa naman siya, ang ‘TiktoClock’, mula Lunes hanggang Biyernes.


Bukod pa sa mga nabanggit, ayon pa sa source ni Lalin, mayroon pang ibang mga host na papasok sa programa.


Kamakailan lang ay nagpaalam na sina TVJ at iba pang host mula sa TAPE. Bukod sa TVJ, lumisan na rin sina Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Allan K.


Bagamat may mga nawala sa programa, masasabing ang mga bagong host ay nagbibigay ng pag-asang muling magiging matagumpay ang ‘Eat Bulaga’ sa susunod na yugto nito. Sa kanilang mga kakaibang talento at personalidad, umaasa ang mga manonood na dadami ang saya at ligaya na hatid ng programa.


Malaking hamon sa mga bagong host ang punuan ang mga bakante sa puso ng mga manonood. Ngunit sa kabila nito, umaasa ang lahat na magiging matagumpay ang paglulunsad ng bagong era ng ‘Eat Bulaga’ sa pamamagitan ng kanilang mga bago at mapagkakatiwalaang mga host.


Kaya't abangan natin ang makulay at nakakaaliw na mga tagisan ng talino at husay sa darating na mga araw. Magsisilbing inspirasyon ang mga bagong host ng 'Eat Bulaga' sa iba pang mga programa sa telebisyon, at mapapatunayan nila na bagama't nagbago ang mga mukha, ang tunay na puso at diwa ng programa ay nananatiling buhay at masigla.

Ben Tulfo binanatan si Rendon Labador: "Mukha kang kengkoy kolokoy ka"

9:36 PM


Sa mundo ng social media, napakadaling magpakalat ng mga salita, banta, at kritisismo. Madalas, ang mga ito ay nagdudulot ng mga kaguluhan at hindi magandang epekto sa tao at sa komunidad. Kaya naman, mahalagang mag-ingat tayo sa mga pinagsasabi natin lalo na kung ito ay laban sa isang kilalang personalidad tulad ni Michael V.


Sa isang viral na video, nakita natin ang pagbabanta ni Rendon Labador kay Michael V. Sa video, sinabi niya ang kanyang mga hinanakit laban sa sikat na artista at ang kanyang mga proyekto. Gayunpaman, hindi nagustuhan ng BITAG host at producer na si Ben Tulfo ang ginawang ito ni Rendon at naglabas ng kanyang kritisismo.


Sa kanyang mga pahayag, sinabi ni Ben Tulfo na hindi porke't sikat na personalidad ang ibig sabihin ay pwede nang banggitin ang pangalan nila sa negatibong paraan. Bilang isang media personality, nagbibigay siya ng halimbawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-iingat sa mga salita na ginagamit niya sa publiko.


Kailangan maunawaan na may mga tao sa media at showbiz industry na nakakatanggap ng malawak na paghanga at pagmamahal mula sa mga tagahanga. Kaya naman, hindi ito dapat ginagamit para magpasikat o manira ng kapwa. Mayroong mga tao sa industriya na may magandang hangarin sa kanilang mga proyekto at hindi dapat silang binabalahura o inaabuso sa anumang paraan.


Hindi rin dapat ginagamit ang social media bilang paraan upang magbanta o maglabas ng hindi magandang salita laban sa ibang tao. Hindi dapat ginagamit ang platform na ito upang magpakalat ng kaguluhan at hindi makatwiran na mga pahayag.


Mahalaga na sa bawat salita na binibitiwan, mayroong pag-iingat at pagtitiyaga sa pagpapakalat ng tamang mensahe. Ang pagiging responsable sa ating mga pananalita ay hindi lamang para sa atin, kundi para sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa atin.


Sa huli, ang mensahe ni Ben Tulfo ay hindi lamang upang pagalitan si Rendon Labador, kundi upang magbigay ng paalala sa ating lahat na magpakalat ng paggalang at pagpapakita ng mabuting halimbawa sa publiko. Ang mga salita ay may bisa at hindi ito dapat ginagamit upang makapanakit ng ibang tao. Kaya naman, mag-ingat tayo sa ating mga pananalita at magpakita ng respeto sa lahat ng mga tao sa ating paligid.


“Sinasabi ko lang, maghinay-hinay ka sa banta mo at binibitaw mo against Michael V. Napakatalinong taong yan walang tinatapakang tao yan at maraming humahanga at nagmamahal sa fans niya tapos gaganyanin at babastusin mo lang sa vlog, eh ikaw kaya ang ganyanin ko, anong pakiramdam mo dun, huh? Alam mo si Michael V. Kaibigan at kumpare ko yan inaanak ko yung unica hija niya at maayos siya nagpapaalam sa akin kung gusto nyang gayahin ang programa ko upang gawin ang parody version sa comedy show sitcom niyang #BubbleGang na halos tatlong dekada nang namamayagpag sa telebisyon at palagi niyang nababanggit ang BITAG, ginawa niyang ‘Sumbong-sumbong, Kay bonggang bongga Bongbong’. Alam mo gusto mo lang kumita sa video para yumaman ka kaya lang napaka hambog mong tao ka eh, hehe tao ka nga ba talaga huh rendon o sadyang yang utak mo may putok sa buho! Kung pwede nga lang ako mismo ang titira sa’yo ng ganyan, eh. Read my lips!”, pagtatapos ni Ben Tulfo.

Michelle Dee, deadma sa mga bashers na nagsasabing di niya deserve manalo sa Miss Universe Philippines 2023

9:15 PM

 Hindi nakapagtatakang mayroong mga pumutak na kritisismo matapos maproklama si Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023. Ayon sa ilan, hindi raw dapat siya ang nanalo.





Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa resulta ng patimpalak dahil ayon sa kanila, mas karapat-dapat umano ang ibang kandidata sa titulo. Ang mga kritiko ni Dee ay nagtutol sa pagkakapili sa kanya dahil sa kanyang kakulangan sa karanasan sa pagsali sa mga beauty pageant. Bukod pa rito, marami rin ang nagtatanong kung totoo bang walang dayaan sa nasabing patimpalak dahil sa kanyang huling laban, nakatanggap si Dee ng mas mababang boto mula sa judges sa swimsuit at evening gown competitions kaysa sa kanyang mga kalaban.


Ngunit, mayroon din namang mga supporters si Michelle Dee na nagpapahayag ng kanilang suporta at pagbati sa kanyang tagumpay. Ipinagtanggol din siya ng ilan sa mga hurado ng patimpalak, na sinabing karapat-dapat siya sa titulo dahil sa kanyang kagandahan, talino, at paninindigan.


Sa kabila ng mga kritisismo, nanatili pa rin ang ngiti sa mukha ni Michelle Dee at pinasalamatan niya ang mga taong sumusuporta sa kanya. Ayon sa kanya, hindi niya inakala na mananalo siya, ngunit nagpursigi siya dahil sa kanyang pangarap na magbigay ng inspirasyon sa iba.


Hindi rin nagpatinag si Michelle Dee sa mga kritisismo, at sinabi niya na hindi niya pinapansin ang mga ito dahil alam niya na hindi niya maaaring pagsilbihan ang lahat ng tao. Sa halip, nagtutulungan raw sila ng mga kandidatang nakasama niya sa patimpalak na magtulungan at magbigay ng inspirasyon sa isa't isa.


Sa kabila ng mga pagtutol, si Michelle Dee pa rin ang kinilala bilang Miss Universe Philippines 2023 at naging inspirasyon sa mga taong nangangarap na magtagumpay sa buhay.

PBB House, ginigiba na ayon kay Direk Laurenti Diyogi: "Katapusan na"

8:51 PM



Sa loob ng 17 taon, naging saksi ang Pinoy Big Brother House sa iba't ibang mga pangyayari at kaganapan sa loob ng loob ng showbiz industry. Ngunit, ngayon ay nagsisimula na ang demolition ng kalahati ng nasabing bahay na matatagpuan sa Scout Albano Street na ngayo'y Eugenio Lopez Drive, Diliman, Quezon City.


Ayon kay Direk Laurenti Dyogi, Head ng ABS-CBN TV Production at Star Magic, nagbigay ito ng maraming magandang alaala at kahit nakakatakot na karanasan sa kanila sa loob ng mga nakalipas na taon. Ito ay nagsilbing tahanan ng kanilang mga opisina, brainstorming space, pantry, hosts' dressing rooms, mini studio na mayroong control room at mga living quarters lalo na sa mga nakaraang 'lock-in seasons' ng programa.


Sa kabila ng mga magagandang alaala sa bahay na ito, kinakailangan na itong bitawan ng Kapamilya network dahil magtatapos na ang kanilang lease contract sa lugar na ito. Ito ay naging bahagi ng programa mula pa sa unang season ng Pinoy Dream Academy noong 2006.


Bukod sa Pinoy Big Brother, marami pang mga programa ng ABS-CBN ang naging bahagi ng nasabing bahay. Hindi maikakaila na ito ay naging isang bahagi na rin ng buhay ng mga manonood at kalahok ng mga programa ng Kapamilya network.


Ngunit, hindi naman ito ang katapusan ng mga programa ng ABS-CBN. Tuloy pa rin ang mga proyekto at programa ng network sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.


Sa kabila ng lahat, nakakaantig pa rin ang pagkawala ng isang bahagi ng kasaysayan ng showbiz industry sa bansa. Sana'y mas marami pang mga alaala at karanasan na mabuo sa mga susunod pang mga programa na magiging bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.