The Daily Sentry

Isang doktor nagulat sa naging trato sa kanya habang namimili ng groceries

3:54 AM
Viral ngayon sa social media ang post ng isang doktor matapos nitong ibahagi ang naging karanasan habang nag go-grocery sa Robinsons Eastwood supermarket.
Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao / Mga imahe mula sa kanyang Facebook account

Sa Facebook post ni Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao, ikinuwento nito ang nakakaiyak at nakakataba ng pusong pangyayari sa kanyang buhay.

Ayon kay Jumayao, matapos ang kanyang 24-hours duty, naisipan niyang mag-grocery bago umuwi. Habang nakapila na siya sa counter ay lumapit ang manager ng supermarket at binuhat ang kanyang pinamili sabay alok na mauna na ito sa priority lane.

Doc, dito po kayo sa priority counter,” sabi umano ng manager.

Nag dalawang isip umano si Dr. Jumayao na mauna na sa counter dahil lahat ay nakapila at ayaw niyang magkaroon ng gulo.
 Imahe mula sa Facebook account ni Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao

Naku po ma’am, hindi na po. Malapit na din naman ako sa counter,” sabi ng doktor.

Ngunit paglingon umano ni Dr. Jumayao sa mga kapwa niya nakapila ay nginitian siya ng mga ito at naisip niya na tila “go signal” na iyon upang mauna na siya.

Pati ang nakapila sa kanyang unahan ay sinabing mauna na siya.

Sige na, Doc. Mauna na po kayo maraming salamat po sa ginagawa ninyo,” sabi umano ng babaeng nasa harap niya.

Maging ang manager ay nagpasalamat kay Dr. Jumayao.

Lumabas umano siyang nakangiti habang pinipigilang maiyak dahil sa tuwang naramdaman. Aniya, hindi niya inakalang ganun kagaan sa pakiramdam ang ma-appreciate ang kanilang ginagawa.

Sabi nito, mas lalo pa umano nilang gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin “bilang isang manggagamot at lalo namin titibayan ang loob namin para sa inyo.”

Sa ngayon ay mayroon ng 122k reactions, 11k comments at 24k shares ang post ni Dr. Jumayao.

Basahin ang buong post:

“From my 24-hour duty, I made a last minute decision to grab a few groceries at Robinsons Eastwood before heading home. Forgive me for I was wearing my unironed scrubs from work. Don’t worry, it was a clean pair ­čśë. The queue at the counter was a tad long but I fell in line just like the usual. While waiting for my turn, the supermarket manager approached me, took my grocery basket and guided me to an open counter saying “Doc, dito po kayo sa priority counter”. I was very hesitant since everyone was patiently waiting for their turn and I didn’t want to cause a scene. So I replied, “Naku po ma’am, hindi na po. Malapit na din naman ako sa counter” but she insisted and carried my stuff to the closed counter beside. 

Looking back at the others who fell in line and waited for their turn, I was still hesitant to leave my spot. However, all of them smiled and what seemed like a “go signal” for me to go ahead. The lady in front of me even said “Sige na, Doc. Mauna na po kayo maraming salamat po sa ginagawa ninyo”. 

The manager who opened the counter also thanked me for what I do. I walked out the supermarket smiling but holding my tears (Promise naiyak ako) ­čśä. Hindi ko po inakala ganito pala kagaan sa loob pag sa harap mo mismo naramdaman na inaapreciate ka. Hanep! Sarap ng feeling makarinig ng ganyan lalo na pag pagod ka. ­čśü Yung pasasalamat ninyo ay bukod tanging nagpapatibay sa amin. Lalo pa namin galingan at paghuhusayan yung ginagawa namin. Lalo namin gagampanan ang sinumpaan namin bilang isang manggagamot at lalo namin titibayan ang loob namin para sa inyo. “❤️


Narito naman ang iba't ibang komento ng mga netizens:





***

Vendor at Construction Worker, ibinida kung bakit hindi sila magugutom kahit may krisis

1:19 AM
Isa sa hakbang na ginagawa ng gobyerno upang malabanan ang banta at hirap na dulot ng C0VID-19 ay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine at total lockdown sa buong Luzon at ilang probinsya sa ating bansa.

Dahil dito, mabilis na nagkakaubusan ang ibang mahahalagang produkto tulad ng pagkain, mga gamit pangkalinisan at pangangailangang pangkalusugan.



Puno man ng takot at hirap ang marami sa mga Pilipino ngayon, binigyang pag-asa at inspirasyon ang ilan nating kababayan ng isang trending post mula kay netizen Neriedel Corod, matapos niyang ibahagi kung paano sila naging handa sa panahon ng krisis, lalo na sa kinakaharap ng lahat na banta ng C0VID-19.

Ayon kay Corod, isa siyang street vendor at ang asawa naman niya ay isang construction worker.

"Hindi nla alam pano ko tiniis ang mga sale ng mall, makaipon lang.. Kung pano ako mgtinda sa kalagitnaan ng araw, hindi nila alam kung gaano kahirap gumising ng 3am araw-araw makapagtinda lang.. [Na] kakalungkot kasi ang baba ng tingin nla samin," ani ni Neriedel Corod.

Ipinakita din niya sa kanyang Facebook post ang ilang litrato ng kanilang nag-uumapaw na stock ng basic commodities na pinuri ng mga nakakita sa kanyang post.
Photo Credits: Neriedel Solitreno Corod | Facebook




Ayon kay Codor, hindi nya layunin ang mang-inggit o mag yabang. Ang nais lamang niya ay i-inspire ang kapwa niya Pilipino na kahit sila ay street vendor at construction worker lamang, may kakayahan ang bawat isa na makapag-ipon lalo na kung ginagamit natin ng wasto ang pera na nahahawakan natin dahil napakalaking tulong nito lalo na sa panahon ng sakuna at emergency.

Kaya nga, laking pasasalamat ni Codor na kahit may krisis ay hindi siya at ang kanyang pamilya maghihirap sa kawalan ng food supplies dahil nakapag-ipon sila ng maraming stock bago pa man ipatupad ang lockdown.

Nawa'y magsilbi ngang inspirasyon ang ibinahagi ni Codor sa ating mga kababayan ukol sa importansya ng pagtitipid at pag-iipon, maliit man o malaki ang perang ating napagtrabahuhan.

Ika nga ni Neriedel, "ipon muna bago luho!"






Source: Neriedel Solitreno Corod | Facebook

Estudyanteng ume-ekstra bilang construction worker, nagtapos na valedictorian

8:55 AM
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano / Facebook
Nakakabilid ang ipinamalas na kasipagan at determinasyon ng isang mag-aaral na si Michael Espa├▒ol na mula sa bayan ng Gueguesangen, Mangaldan sa Pangasinan.

Marami ang namangha sa naging kwento ng buhay ni Michael dahil habang nag-aaral ito ay nagagawa pa niyang magtrabaho bilang isang construction worker upang matustusan ang kanyang pangangailangan sa paaralan.

At dahil sa kasipagan at pagpupursigi ni Michael sa buhay ay nakatapos ito sa pag-aaral bilang isang valedictorian sa kanilang paaralan na mayroong average na 95 porsiyento.

Si Michael rin ang naging supreme student government president sa kanilang paaralan.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
"Na-overwhelm ako nu'ng nalaman ko po na ako po ang top-performing sa klase namin," pahayag ni Michael.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
Dahil kapos ang pamilya ni Michael ay natuto siyang dumiskarte ng pera sa pamamagitan ng pag-sideline bilang isang construction worker.

All around si Michael sa kanyang trabaho kaya naranasan na nitong tagabuhat, tagasinsil at tagapala ng simento. 

Kwento ni Michael, nakaka-ipon siya ng pambili ng kanyang school supplies at pangbaon sa kanyang kinikita na P250 kada araw ng kanyang pagtatrabaho.

“Kung kaya ko naman po kasi, ayaw ko nang iasa sa kanila,” ayon kay Michael.

Mananahi lamang sa isang factory worker ang kanyang nanay at messenger naman ang kaniyang tatay kung kaya naman minsan ay kulang ang sinasahod ng kanyang magulang para mapag-aral silang tatlong magkakapatid.

Ayon umano sa ama ni Michael, malaki ang pasasalamat nito dahil kahit hirap sila sa buhay ay nakapag-tapos ang kanilang anak bilang valedictorian.
Larawan mula kay Councilor Aldrin Soriano
"Nagpapasalamat ako sa anak ko na kahit hirap na hirap kami, nakapagtapos siya nang ganu'n," banggit ng ama ni Michael.

Gayunpaman, sa kabila ng nakaka-inspire na kwento ni Michael mayroon pa rin umano siyang naririnig na hindi maganda sa ibang tao.

"Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, 'wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin," giit niya.

Pinatunayan lamang ni Michael na hindi hadlang ang hirap ng buhay para magtagumpay sa pag-aaral at abutin unti-unti ang mga pangarap sa buhay.

****

Indian Restaurant na nag-aalok ng libreng pagkain sa mga tao, ibinida ng netizen

12:27 AM
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong bansa bunsod ng kumakalat na sak1t na COVID-19, madami ngayon sa ating mga kababayan ang nagugutom dahil karamihan sa mga ito ay walang mga trabaho.

Kung kaya naman sa panahong ito ay kailangan ng bawat isa na magtulungan sa abot ng makakaya upang malagpasan ang dinaranas na pagsubok na ito.

Gayunpaman, viral ang post ng isang netizen na si Jirah Joy Padama kung saan ay ibinahagi nito ang kabutihang loob ng isang lalaki na nag-aalok na libreng pagkain sa mga taong dumadaan.

Ang lalaking ito ay napag-alamang isa umanong Indiano na nagmamay-ari ng isang Indian food restaurant na "Star Punjabi Dhabu".
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Pagbabahagi ni Jirah, naglalakad sila kasama ang kanyang kaibigan upang maghanap ng mabibilhan ng ulam ay nadaan nila ang kainan na ito at inalok sila ng lalaki na kumain ng libre sa kanyang restaurant.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
"While naglalakad kami para maghanap ng mabibilhan ng ulam.. nadaanan namin itong Indian food restaurant. Then, tinawag kami ng may ari kain daw libre, nagpapakain daw sya ng free dahil sa pandemic situation.. ayon kay Jirah.

Kwento pa ni Jirah, ilang beses raw nilang inalok na magbayad sa kanilang kinain ngunit ilang ulit din itong tumanggi na kunin ang bayad dahil tulong raw niya ito sa mga tao.

"Ilang beses kami nag alok na magbayad pero ayaw niya talaga." dagdag pa nito.

Ayon raw umano sa lalaking Indiano, nagpapakain siya ng libre sa mga tao dahil ramdam nito ang hirap ng bawat mamamayan bunsod sa nararanasan ngayong pandemic ng buong mundo.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Nakakatuwang isipin na kahit iba ang lahi ni kuya ay nagagawa pa rin niyang tumulong at maki-isa. Patunay lang na kahit sa oras ng krisis ay madami pa rin ang mga taong mabubuting loob na handang tumulong sa mga nangangailangan.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Basahin ang buong post ni Jirah sa ibaba:

"While naglalakad kami para maghanap ng mabibilhan ng ulam.. nadaanan namin itong Indian food restaurant. Then, tinawag kami ng may ari kain daw libre, nagpapakain daw sya ng free dahil sa pandemic situation.. Ilang beses kami nag alok na magbayad pero ayaw niya talaga.. Bait naman super nakaka good vibes si sir.. Kahit iba nationality niya gusto niya pa rin tumulong sa mga pinoy @StarPunjabiDhabu God bless you Po."

****

Isang lola patuloy na nangangalakal sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantîne

11:39 PM
Sa ipinapatupad na Enhanced Communîty Quarantîne ng ating gobyerno dahil sa kinakaharap na krisis ng ating bansa at ng buong mundo, mayroon sa ating mga kababayan ang hindi mapipigilang lumabas ng kani-kanilang tahanan upang maghanap-buhay.
Lola Rosa / Photo credit to Rolly Guiam

Ito ay dahil kailangan nilang kumita ng pera upang mayroon silang maipakain sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang lola mula sa Guagua, Pampanga na patuloy ang pangangalakal sa kabila ng ipinatupad na EÇQ.

Sa Facebook live ng netizen na si Rolly Guiam, nakita niya si lola Rosa sa kahabaan ng Betis habang tulak tulak ang kanyang kariton na may lamang mga kalakal at wala rin itong suot na facemask.
 Lola Rosa / Photo credit to Rolly Guiam

Lola Rosa / Photo credit to Rolly Guiam

Ayon kay lola Rosa, pambili umano sana niya ng bigas ang kikitain sa pangangalakal. Mapapanood sa video na mayroon ding isang lalaki na nag-abot ng pera sa lola.

Ipinaliwang ni Rolly kay lola na bawal na ang lumabas dahil sa kumakalat na v├«rus. Pinauwi narin niya si lola Rosa, matapos itong bigyan ng bigas, noodles, de lata at alcohol.

"Ipagpaumanhin po ng lahat ngunit kailangan po natin suwayin si lola sa pangangalakal para sa banta ng krisis pangkalusugan dahi sa covîd. Aksidente po natin nadaanan ang isang lola. On the spot po natin binigyan ng bigas delata at noodles si lola," ayon sa post ni Rolly.

Sa ngayon ay umabot na sa 97k views ang video ni Rolly.

Panoorin ang video sa ibaba:



Hindi naman napigilan ng mga netizens na magbigay ng kanilang reaksyon matapos mapanood ang video.




***

Nurse namigay ng relief goods sa mga homeless people na madadaanan niya pauwi

3:33 AM
Humanity does really exist. A simple gesture can define it.
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

Ito ang sinabi ng netizen na si Hafiz Marohombsar matapos niyang masaksihan ang kabutihang loob ng kanyang katrabahong nurse.

Kwento ni Hafiz, pagkatapos ng kanilang trabaho ay niyaya siya ng kanyang kaibigang nurse na maglakad na lamang pauwi dahil hindi nila naabutan ang free shuttle at isang oras pa bago dumating ang susunod na service.

Aniya, bumili raw ang kanyang kaibigan ng pagkain at tubig sa 7/11 upang ibigay nila sa mga taong natutulog sa kalye na kanilang madadaanan.
 Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

Nag-alok rin umano si Hafiz sa kaibigan na maghati sila sa ginastos ngunit tinanggihan siya nito.

I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain,” sabi nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 11k reactions at 5.3k shares ang post ni Hafiz.

Narito ang buong post:

“Humanity does really exist. A simple gesture can define it. ❤️

I just got home from a long walk with my colleague after our 3pm-11pm shift. Since our free shuttle left early and it would take about an hour before the next trip, my workmate convinced me to walk instead as she did it already for several times alone and was planning something a good idea.
Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

So, she brought me to 7/11 first to buy some goods for the homeless people. Sabi niya sakin, ibibigay daw namin sa bawat taong madadaanan namin na natutulog sa kalsada. If magkulang daw, may 7/11 pa naman sa next street to buy additional food—which it really happened.

While we were buying food, sabi niya na sana di sila tinaboy ng mga officers since quarantîned ang people. So, ayun na nga. Inisa-isa namin bigyan ang mga homeless people na nadadaanan namin until sa makarating kami sa kanto ng place niya. Nakabili pa kami ng additional food kasi nagkulang.
 Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain.

According to her, sa pangatlong beses niyang naglakad pauwi, she noticed na maraming natutulog sa kalsada especially matatanda. Pano daw sila sa panahong ito? Pano sila nakakakain? Does someone even care about them during this crisis?

God bless her! ­čĺë❤️


***

Larawan ng tatlong nurse na nag-bisikleta patungo sa ospital, kinabiliban

6:19 AM
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong bansa para labanan ang kumalakat na coronav1rus (COVID-19), mahigpit na pinagbabawalan ang mga tao na lumabas sa kanilang mga tahanan ganoon din ang pagbyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Dahil dito ay maraming apektado at naghihirap na mamamayan dahil karamihan dito'y hindi makapagtrabaho at wala ng maipakain sa kanilang mga mahal sa buhay.

Doble naman ang hirap at pagsasakripisyo ng mga kababayan nating frontliners tulad ng mga doktor, nurse at mga sundalo na handang magsakripisyo ng kanilang sariling buhay para lang gamutin ang mga naapektuhan ng nasabing v1rus.

Gayunpaman, viral sa social media ang larawan ng tatlong nurse kung saan ay nakasakay ang mga ito sa bisikleta patungo sa pinagtatrabahuan nilang ospital.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Ayon sa netizen na si Aldo Nelbert Banaynal na siyang nagbahagi ng mga larawan sa kanyang Facebook account, patungo umano ang tatlong nurse sa Chong Hua Hospital sa Cebu.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
"Spotted Three frontliners (2 nurses and an orderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban road. When they rested, i approached and asked them from which hospital theyre from. Im shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente." ayon kay Banaynal

Ayon pa kay Banaynal, mayroon naman daw silang service na bus ngunit limitado lamang ito at hindi raw umano tugma ang byahe sa kanilang iskedyul.

"They said that there are service buses for them but its only limited and it doesnt go well with their duty schedule." sabi ni Banaynal

Napansin naman ni Banaynal na tila pare-parehas ang gamit nilang bisikleta kung kaya tinanong niya kung nirentahan lamang nila ang mga ito at sinabi nilang ibinigay umano sakanila ng isang mabuting abogado.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
"Whats more interesting, i noticed theyre bikes were kinda identical, i asked them if it was rented. They said it was given to them by a certain lawyer." dagdag pa ni Banaynal 
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Basahin ang buong post sa ibaba:

"Spotted Three frontliners (2 nurses and an orderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban road. When they rested, i approached and asked them from which hospital theyre from. Im shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente... They said that there are service buses for them but its only limited and it doesnt go well with their duty schedule.

"Whats more interesting, i noticed theyre bikes were kinda identical, i asked them if it was rented. They said it was given to them by a certain lawyer.

"*akoy naluoy para nila.. I hope matagaan pa ni sila ug saktong pagtagad sa gobyerno.

"And para atong good samaritan na abogado, saludo ko nimo...dako maau kag natabang.

****

Genius Quarantine 'Snack System' ng Isang Mommy, patok sa Social Media

5:46 AM
Photo Credits: Stephanie Craig, Facebook

Patok na patok ngayon sa social media ang post ng isang 'working momma' matapos niyang ibahagi sa Facebook ang kanyang nakatutuwang pakulong 'snack system' para himukin ang kanyang siyam (9) na taong gulang na anak na gumawa ng mga gawaing bahay habang nakasailalim sa home quarantine.

Tampok sa post ni Stephanie Craig mula sa Austin, Texas ang dalawang litrato na nagpapakita ng mga listahan ng mga basic activities na may kaukulang credit points o amount na pwedeng pamilian ng kanyang anak.


Screen-Shot-2020-04-01-at-8-35-46-PM


Sa ikalawang litrato naman makikita ang mga rewards (snacks at activities tulad ng 'TV time, Xbox time at Switch Time') na pwedeng paggamitan ng mga nakuhang nitong credit points mula sa kanyang mga na-accompish na tasks.

Screen-Shot-2020-04-01-at-8-36-01-PM

Sa naturang Facebook post ay nabanggit ni Craig ang hirap na kinakaharap ng mga inang tulad niya lalung-lalo na sa paglibang sa mga bata upang hindi sila mabagot. Dagdag pa niya, kina-kailangan talagang maging resourceful at innovative ang mga mommies para libangin ang kanilang mga anak.

Narito ang buong post: 




Umani ng napakaraming positibong komento ang naturang post ni Stephanie sa mga netizens.


 Sa katunayan, ang total post shares nito ay malapit ng umabot sa halos 400,000 sa Facebook.





Tunay nga na mababawasan ang pagka-inip natin sa bahay isa kung tayo lamang ay magiging malikhain habang tayo'y naka-community quarantine.


Source: Stephanie Craig | Facebook