LOOK: Pagtulong ng mga pulis sa isang Nigerian umani ng papuri - The Daily Sentry


LOOK: Pagtulong ng mga pulis sa isang Nigerian umani ng papuri



Naging viral sa social media ang pagtulong ng mga pulis sa isang Nigerian national na humingi na tulong sa kanila.
Photo from Hanep TV Facebook Page

Ayon sa Facebook page na ‘Hanep TV’, kasalukuyan umanong nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis ng lapitan sila ng isang Nigerian. Naubusan umano ito ng pamasahe papuntang Quezon City.

Hindi naman nagdalawang isip ang mga pulis na tulungan ang Nigerian. Pinakain pa umano nila ang foreigner sa isang karenderya dahil mukhang gutom na gutom ito. Nag ambag-ambag din ng pera ang mga pulis upang makauwi at makarating ang Nigerian sa kanyang pupuntahan.
Photo from Hanep TV Facebook page

Sa ngayon ay umabot na sa 223k reactions, 27k comments at 76k shares ang Facebook post na ito.

Narito ang buong post ng Hanep TV:

"Guys! pasikatin natin ang mga pulis na ito..

habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis na ito, may lumapit sa kanilang isang Nigerian national, naubusan daw sya ng pera pamasahe papuntang United Church of Christ sa Quezon City, wala na daw sya ibang malapitan, naawa naman ang mga pulis na ito dahil gutom na gutom ang nigerian pinakain muna nila ito at nag ambag ambag ang mga pulis ng pera para kay kuya para makauwi at makapunta sa pupuntahan.. maraming salamat mga Sir, saludo kami sa inyo.. God bless you."



Maraming netizen naman ang natuwa at saludong saludo sila sa kabaitan ng mga pulis.




***