"Nakapagtataka" 48-anyos na si Rachel Alejandro, bakit nga ba hindi pa rin nagkakaroon ng anak? - The Daily Sentry


"Nakapagtataka" 48-anyos na si Rachel Alejandro, bakit nga ba hindi pa rin nagkakaroon ng anak?



April 9, 2011 nang ikasal sa Boracay beach ang noo'y 36-anyos na singer at aktres na si Rachel Alejandro sa kanyang Spanish boyfriend na si Carlos Santamaria (30 taong gulang noon).

Ngunit matapos ang mahigit sampung taon ng kanilang pagsasama, marami ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng anak ang sila Rachel at Carlos?




Sa kanyang panayam kay Aster Amoyo, muli nilang binalikan ang mga naka-relasyon sa showbiz ng That's Entertainment singer at ang dahilan nang hindi nito pagkakaroon ng anak.

Matatandaang naging boyfriend nito ang mga kapwa aktor at singer na sina Dindong Avanzado at Lee Robin Salazar.

"I think it is always meant to be," ani Rachel, patungkol sa hindi nila pagkakatuluyan ni Dingdong.

Rachel Alejandro | Facebook

Rachel Alejandro | Facebook


Maituturing daw na pinakamagandang nangyari sa buhay nito ang pagkakaroon ng anak na si Jayda Avanzado at maging masaya sa piling ng asawang si Jessa Zaragoza.

"Imagine kung naging kami, there would never be this wonderful kid diba?"

Aminado siya na mahirap para sa kanila noon ang maghiwalay dahil wagas pa rin ang pag-ibig nila sa isa't isa, ngunit natutunan din nilang tanggapin ang itinadhana at sa ngayon ay matalik namang magkakaibigan si Rachel at ang buong pamilya ni Dingdong.

TicTALK with Aster Amoyo

Rachel Alejandro | Facebook


Para naman kay Lee Robin, hindi pagkakaintindihan at may kanya-kanyang isyung pinagdadaan ang dalawa noon kaya't di nagtagal ay natuldukan din ang kanilang relasyon.

Personal na desisyon ni Rachel ang hindi pagkakaroon ng anak. Para sa kanya ang pagkakaroon ng supling ay dapat magkaroon ng masusing pagpa-plano dahil malaking parte ng buhay mo ang dapat mong ilaan para dito.

Sumasang-ayon naman ang kanyang asawang si Carlos sa desiyong ito. "Ayaw na rin niya talaga." ani Rachel.
Rachel Alejandro | Facebook

Rachel Alejandro | Facebook



"I don't really consciously really said I'd never ever wanna have a child, but it kind of just happened that way."