Estudyanteng nakayapak lang na pumapasok sa klase, nagbigay pa ng saging sa guro - The Daily Sentry


Estudyanteng nakayapak lang na pumapasok sa klase, nagbigay pa ng saging sa guro




Bumuhos ang papuri sa batang ito matapos mag-trending ang Facebook post ng kanyang guro.

Umani ng paghanga ang isang estudyante mula sa mga netizen matapos ang nakaaantig na kwento ng grade school teacher na si Ryan James Dueñas. Idinetalye kasi ng naturang guro ang nakatutuwang storya na naganap habang nagkaklase ito.

Kwento ni Dueñas, kasalukuyan syang nagtuturo sa klase nang bigla nyang mapansin na tila hindi mapakali ang isa sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa guro, ang nasabing estudyante ay pumapasok araw-araw ng walang sapin sa paa.

Sa gitna ng kanyang klase, nakita nyang akmang may hinahanap umano ang bata sa bag nito. Nang tanungin nya ang bata, sinabi nito na may dinala sya para sa nasabing teacher.

Laking gulat at pasasalamat na lamang ni Dueñas nang ilabas ng kahanga-hangang bata ang isang piling ng saging para sa kanya.

Tumunaw ito sa puso ng maraming netizen dahil sa kabila ng kahirapan ng pamilya ng bata ay nakuha pa nilang magbahagi ng biyaya.

Kinilala ang bata na si Manuel.

Patunay lamang ito na kung sino pa ang mga walang-wala sa buhay ay sila pa ang mas may malasakit na magbahagi ng biyaya sa kapwa.




Source: KAMI