Delivery boy na iisa ang binti, tuloy ang trabaho sa kabila ng COVID-19 - The Daily Sentry


Delivery boy na iisa ang binti, tuloy ang trabaho sa kabila ng COVID-19



Larawan mula kay Ronald Ar-Ar Ouano, Let Let
Viral sa social media ang larawan ng isang food delivery man na patuloy pa rin sa pagtatrabaho kahit na iisa lamang ang kanyang binti at sa kabila ng banta ng COVID-19.

Agaw eksena ang post ng isang netizen na si Ronald Ar-Ar Ouano matapos nitong ibahagi sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang delivery man na iisa lang ang binti.

Marami ang namangha sa patuloy na paghahanapbuhay at pagseserbisyo ng delivery man na ito sa kabila ng kanyang kapansanan at sa banta ng COVID-19.

Makikita sa ibinahaging larawan na may hawak na saklay habang pasakay sa motor ang lalaking putol ang kaliwang binti.

Ayon pa sa Facebook post ni Ronald, "top performer" umano sa pinapasukang trabaho ang lalaking ito sa Food delivery service na Food Panda sa Cebu.
Larawan mula kay Ronald Ar-Ar Ouano
Ayon pa sa Facebook post ni Ronald, hindi umano naging hadlang ang kapansanan ng lalaking ito para ibigay ang tamang serbisyo sa kanyang pinapasukang trabaho na Food delivery service na Food Panda sa Cebu dahil isa umano siyang "top performer" sa nasabing trabaho.

Ang naging post ni Ronald ay inulan ng mga positibong komento mula sa mga netizens at marami ang nagsabing nararapat lamang umano na bigyan ng pagkilala ang nasabing lalaki.

Basahin ang ilan sa kanilang mga komento sa ibaba:

"Nakakahanga naman si Kuya.. Salute. May He always keep you safe po.
Sana sa lahat ng tinatamad maghanap ng work, or sa mga nasanay ng mging tambay at asa nalang kung kani-kanino, SANA.. Sana makitaan at maging inspiration nyo si Kuya.. Masipag at determinado."
Larawan mula kay Let Let
"He's from Cebu. I stood up for him when he asked for a plastic bag on "No plastic bag day" by telling the cashier that it will be very difficult to carry the food he bought to his motorcycle as he has to use his crutches. The cashier was adamant. He didn't complain and just picked up the food inside a paper bag as gently as he can to keep it from ripping apart. There was nothing I can do but open the door for him even if we both knew he can do it by himself. He's that awesome." 

"Salute and two thumbs up sau sir.. God bless and keep safe always.."

****