Sekyu, umani ng papuri sa netizens dahil sa angking talento - The Daily Sentry


Sekyu, umani ng papuri sa netizens dahil sa angking talento




Sa panahon ngayon kung saan walang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng trabaho dahil sa nararanasang pandemya sa buong mundo, isang security guard ang nagbigay ng inspirasyon sa marami dahil sa angking talento nito at pagpapakita ng pagpupursige sa buhay.

Napabilib ang marami sa isang security guard nang kumalat ang larawan nito habang gumuguhit para sa isang coffee shop kung saan mismo sya nagtatrabaho.



Kwento ni Jamil Quiambao Carvajal, netizen na kumuha ng larawan, bumilib sya sa skill ng sekyu na ginagawa ang naturang visual art habang naka-duty.


Kinilala ang nag-trending na sekyu na si Joebert Palomer na nagtatrabaho para sa Starbucks Shaw, Mandaluyong.

Ani Jamil sa kanyang Facebook post, "Sobrang elibs ko kay Manong Guard. Jack of all trades eh. Taga-scan na ng temperature sa lobby, (heto ang gumulat sa akin) may skill din siya sa pagdidisenyo at pagguhit. Visual artist pa nga si Kuya Joebert Palomer! Idol kita Kuya Manong Guard. Share natin guys"

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang nasabing sekyu.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: