Isang call center agent proud na nakabili ng sariling bahay sa edad na 22 - The Daily Sentry


Isang call center agent proud na nakabili ng sariling bahay sa edad na 22




Larawan mula kay Sam Blanca | Facebook



 Isang call center agent ang bumili ang nakabili ng kanyang sariling bahay sa edad na 22 at ngayon ay tinatamasa nalang niya ang bunga ng kanyang pinag paguran sa murang edad.


Sa Facebook page na BPO Secret Files Community, binahagi ng call center agent na si Sam Blanca ang nakaka inspire niyang kwento. 



Ikinuwento ni Sam kung paanong sa murang edad ay nakapundar na siya ng sariling bahay habang ang ibang kabataan ay mas nais magbakasyon, bumili ng mga gamit, gadget, at damit mula sa kanilang sweldo. 


Sa loob ng apat na taong pagiging call center agent, nakabili si Sam ng bonggang bahay. Dahil dito, hinihikayat din niya ang kapwa call center agents sa nasabing Facebook group na ipagmalaki ang kanilang hanapbuhay, na tinuguriang "mga bayanig puyat".


Sa kwentong kanyang binahagi sa Facebook, idinetalye ni Sam kung saang mga kumpanya siya nag trabaho, maging ang mga naging posisyon niya dito, kung gaano siya katagal at kung bakit siya umalis para lumipat sa ibang BPO.


Isinalaysay din ng binata na siya ay isang nag-aaral na nagtatrabaho. Ito ang dahilan kung bakit siya unang pumasok sa industriya ng proseso ng pag-outsource (BPO).*

Larawan mula kay Sam Blanca | Facebook


Ayon kay Sam, umalis siya sa kauna-unahang trabaho niya sa Trec Pacific Corp matapos ang 9 na buwan dahil siya ay graduating noong panahon na iyon.



Masaya rin niyang ibinahagi na ang kanyang pangalawang BPO ay ang 24/7 Intouch, ang tunay na tumulong sa kanya na lumago sa kanyang karera. Doon din niya unang naranasan ang ma-promote.


Bagama't gumugol lamang siya ng isang buwan sa ikatlong BPO na pinagtatrabahuhan niya dahil sa maraming mga kadahilanan, nanatili daw siya ng 9 na buwan sa pang-apat na kumpanya, ang The Results Companies, kung saan kinailangan din niyang umalis dahil sa ibat-ibang problema doon.


Matapos ito ay natanggap si Sam bilang isang Quality Analyst sa Omega Healthcare, at naniniwala siya na ito ang huling kumpanya niya sa industriya ng BPO. 


Larawan mula kay Sam Blanca | Facebook


Bagaman siya ngayon ay 25 taong gulang na, sinabi ni Sam na nakuha niya ang bahay noong siya ay nasa edad pa rin na 22.