Engagement proposal ng isang abogado sa kanyang nobya na noong panahong sa sisigan lang ang kanilang date, nagpakilig sa mga netizen - The Daily Sentry


Engagement proposal ng isang abogado sa kanyang nobya na noong panahong sa sisigan lang ang kanilang date, nagpakilig sa mga netizen



Photos courtesy of Twitter and Wikimedia


Sabi nga sa isang linya sa pelikula, kapag nakita mo na yung taong pinakama mahal mo at tanggap angpagka tao mo ng buong buo, ng walang pag-alinlangan sigurado totoong mahal ka ng tao yon. huwag mo ng pakawalan ito, at itago mo na ito sa iyong puso habang buhay. Ito na ang 'the one' para sayo. *


Gaya ng panunumpa ng mag'sing irog na nag iisang dibdib sa harap ng dambana, "To have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health..."  



Kapag nakita mo na ang taong ito, napaka swerte mo na. Isang biyaya mula sa Dios ang makakita ng kabiyak na buong puso kang mamahalin kahit ikaw ay wala pang napapatunayan sa buhay, at mamahalin ka ng walang anu mang kundisyon.


Ganito inilarawan ng isang netizen at abogado kung paano nya nakilala ang babaeng makakasama nya at mamahalin nya habang buhay.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ng netizen na si DK @AbogadoDK kung paano sila nagkita ng kanyang nobya na ngayon ay engaged na sila at malapit ng lumagay sa tahimik. *


Photos courtesy of Twitter 



Sa larawan ng kanilang engagement na ibinahagi nya sa kanyang social media account, ikinuwento nya sa kanyang caption kung paano sial nagkita at nag umpisa.



Aniya napakasimple lamang ang kanilang first date kung saan noong panahon na ito ay kasalukuyan nagre review pa lamang sa kanilang bar exam at nangangarap ding maging abogado sa dadating na panahon at noong panahon na hindi pa established ang abogadong netizen na ito.  


Kwento ni Atty. DK, "Una tayong kumain sa sisigan sa UP, when I was still reviewing for the Bar. P200 lang pera ko. Sabi mo oks lang. Now, we're engaged. I love you!" aniya.


Nag viral sa social media ang post na ito ni Atty. DK, at marami sa mga netizens ang talaga namang napakilig at tila nangangarap din na makita ang kanilang "forever". Halos umabot sa 6,000 na shares at  humigit 64,000 favorites ito sa Twitter. *



Photos courtesy of Twitter 



Ang ilang mga netizens pa nga ay di na naiwasang kiligin kaya naman nagbigay ng pagbati ang mga ito at nagbahagi ng kanilang paghanga sa mag isang irog.  Narito ang ilan sa kanilang mga komento.


" Congratulations Atty.! Grabe sobra ang kilig ko!" ani ng isang netizen na nagkomento.


"Bakit naiiyak ako. yung luha ko po siiiirrr, huhuhu..." ani naman ng isa. 


"Ito yung sinasabi kong achieve milestones together. Congrats!"



"What a beautiful story of genuine love. I hope one day I'll get my own kind of happy love story. Best wishes!" dagdag pa ng isang nagkomento.


Sa isang nagmamahalan, hindi mahalaga kung ano ang katayuan ng isa't isa at kung nasaan man kayo. Mas mahalaga sa lahat ay magka sabay nyong binubuo ang inyong mga pangarap para sa inyong kinabukasan, sa hirap man o ginhawa. *


Photos courtesy of Twitter