Photos courtesy of Facebook @Michelle Delos Reyes |
Nang magsimula ang lockdown ng dahil sa krisis sa pandemya, umusbong ang mga kababayan nating nahilig sa pagtatanim at pag aalaga ng mga halaman.
Mapa-halamang gulay man o ornaments, ay kinagigigliwan ng ating mga kababayan na kung tawagin sila ay mga "plantitios at plantitas". Maging celebrities man o pang karaniwang tao lang ay talaga namang nawiwili sa pagkolekta ng mga tanim na halaman.
Kaya naman tumaas ang demand sa mga halaman at naging patok ito sa ating mga malilit na negosyante na pinasok nadin ang pagtitinda ng mga halaman lalo pa at marami sa atin ang nawalan ng trabaho.
Gaya na lamang ng isang senior citizen na si Nanay Carmelita Libao, 61 na taong gulang mula Plaridel, Bulacan. na pinasok na ang pagtitinda ng mga halaman sa tabi lamang ng kalsada.
Base sa ibinahaging kwento ng isang netizen na si Michelle Delos Reyes sa Facebook page ng Bayan Mo, Ipatrol Mo. Nais ni Michelle ipanawagan sa social media ang kalagayan ng matanda.
Nakaramdam ng awa si Michelle kay nanay Carmelita na nagtitinda ng mga halaman na kung saan ay madaling araw pa lang ay nakikita na nyang naghahanda ang mag-asawang senior citizen ng kanilang mga tindang halaman upang maibenta sa tabi ng kalsada hanggang gabi na ito.
Photos courtesy of Facebook @Michelle Delos Reyes |
Nais ni Michelle na matulungan ang mag-asawa, kaya naman nananawagan sya sa mga netizens na kung sakaling mapadaan sila sa kinapu-pwestuhan ng mag-asawang matanda na sana ay bumili sila ng mga halaman sa mga ito.
Parehong walang trabaho ang mag asawang Libao, ang mister naman ni nanay Carmelita ay nawalan ng trabaho nitong naglockdown. Kaya naman kanilang pinagti-tiyagaang magtinda ng mga halaman.
"Naluha po kasi sya nung binilhan ko kasi sya, sabi nya dami daw niya bayarin..." ani Michelle. Sa mababang halaga lang daw nila binebenta ang kanilang mga panindang halaman na karamihan ay mga tanim nya at ang ilan ay bigay sa kanya at ang iba ay binili rin nya.
Nagkakahalaga ng P35, 50 at P70 lang mga panindang halaman ni nanay Carmelita. Madaling araw pa lang ay kanila na itong binubuhat papunta sa kanilang pwesto sa tapat ng isang sarado pang tindahan.
Photos courtesy of Facebook @Michelle Delos Reyes |
Ngunit sa tuwing magbubukas na ang nasabing tindahan ay agad ng lumilipat ng pagpu-pwestohan sina nanay Carmelita at ang kanyang asawa na senior citizen na din.
"Nanlalata nga po ako sa paghakot namin ng mga halaman, mahirap pong tinda ito, tiyaga lang, di ko mabuhat, mabigat, kaya lang po kailangan ang pang gastos sa pang araw-araw'. dagdag pa ni nanay Carmelita.
Narito ang caption ni Michelle sa kanyang Facebook post na kanya ding ibinahagi sa Bayan Mo, Ipatrol Mo.
Sharing is caring :)
"Ptpa guys help ntin si nanay carmelita isang senior citizen na nagtitinda ng halaman sa plaridel bulacan market sa likod wala po cy sarili pwesto kung saan saan lng tumatapat.
Sana po bilhan po ntin siya ng halaman para mktulong po s knya .slmat hiningi ko po # niya para sa nais magabot ng tulong grocery o khit ano tulong ipagkaloob pkicontact nlng po siya sa #09364972300 nanay carmelita" *
Photos courtesy of Facebook @Michelle Delos Reyes |